Chapter 19- Hide out

1794 Words

Muling narinig ni Honey ang mahihinang yabag sa labas—parang may mga taong nag-uusap, pabulong, at may hinahanap. Kumabog nang malakas ang dibdib niya. Pinipilit niyang manatiling kalmado kahit nanginginig na ang kaniyang mga kamay. Pero pagkakataon niya ng makahingi ng tulong sa mga ito. “May tao ba diyan? Tulungan niyo ako! May tao dito!” paos na sigaw niya, sabay suntok sa pintuan. Ngunit biglang tumahimik ang paligid. Sandaling katahimikan… bago muling may kumalabog sa labas. Napaatras siya. Dinadasal na sana matulongan siya. Maya-maya, may marahas na paghila sa doorknob mula sa labas—tila may gustong pumasok. Napahigpit ang hawak ni Honey sa kaniyang sarili, napapikit habang pinipigilan ang luha. Hanggang sa.... BANG! Isang malakas na sipa ang umalingawngaw. Napamulat siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD