NANGHIHINANG bumagsak ang balikat ni Maggie nang hindi na naman niya abutan si Martha. Ang sabi daw ay kaninang umaga umalis daw ito, pupunta daw sa Davao kung saan nandoon ang kanyang ama. "Oh God Martha..." usal niya habang nakasabunot sa buhok. Pagod na umupo siya sa gilid ng kama, mabuti na lang at may naka-reserve pang isang room sa hotel na tinuluyan niya ngayon. Ngayon niya tuloy gustong pagsisihan kung bakit hindi niya tinanggap ang driver na binibigay sakanya ni Teresa. Hindi naman kasi niya akalaing darating siya sa ganito. Wala ding may alam sa mga napuntahan niya kung ano ang number ni Martha. Hindi niya tuloy ma-contact ito para masabihan na hinahanap niya ito. "Wala pang signal.." pumapalatak na humiga siya sa kama at tumitig sa ceiling. Bigla niyang naalala si Levi

