"WHAT do you think you're doing ha? Bumiyahe ka ng ganyan ang suot mo?!" Imbes na matakot sa galit nito ay natuwa pa siya sa reaksyon ni Levi. Pakiramdam niya ay nagbalik pa sila sa panahong magkasama silang dalawa. "Hon..." lambing niya dito. "Bakit parang tuwang-tuwa kapa na nagagalit---" Dahil doon ay natawa siya at pinutol niya ang sasabihin nito ng yakap niya. Naalala niya ang sinabi ni daddy niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang tagiliran nito. "Totoo ba ha? Totoo ba na galing ka sa operasyon?" tiningala niya ito. "...nahanap mo na din daw ang ibang kapatid mo?" Huminga ito ng malalim at niyakap ang bewang niya. "Iyon ang gusto kong sabihin sayo kahapon pero hindi ka nakikinig." Kumibot ang labi niya. "Sorry, pinuntahan kasi ako ni Cath. Sinabi niya sakin na ikakasal na daw

