"YOU are so beautiful iha.." Napangiti si Maggie habang hinahaplos ng ina ang buhok niyang pinusod paitaas. Hindi siya nag-request ng engrandeng kasal kay Levi, ang tanging gusto lang niya ay maging maayos ang lahat pagkatapos ng kasal. HIndi maalis-alis ang kaba niya habang nakatingin sa malaking salamin sa harap. She was wearing a white long gown dress. Kita ang magandang hubog ng balikat ng dalaga lalo pa at nakatali ang buhok nito. Sinuot ng kanyang inaang tiara na pinamana nito sa lola niya. Mas lalong lumitaw ang ganda ng buhok niya dahil sa tiara. Inayos niya ang ibang buhok na bumabagsak sa magkabilang pisngi niya. Sa totoo lang ay hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala na ikakasal na siya. Dati ay sila ang umaattend ng kaibigan sa mga wedding celebration

