"KUYA?! Kuya?!" Naguguluhang tumingin ang batang lalaki sa buong paligid. Madilim ang buong kabahayan at ang tanging malakas lang na ulan ang maririnig mula sa labas. Pakiramdam tuloy ng batang lalaki ay nangyari na ito. Muling kumudlit sa isip niya ang nangyari nakaraan kung saan muntik na siyang mahuli. Mabuti na lamang at nakita ito ng isang katulong na natutulog sa loob ng closet. Kung nagkatao ay mauubusan ito ng hininga sa loob lalo pa at patay ang aircon. "Mommy?!" Sigaw niya. "Shh! Bakit gising kapa?!" Napatalon siya sa malakas na sumigaw na iyon. Nang tumingin sa likuran ay nakita niya ang yaya Sarah. Bumilis ang kabog ng dibdib niya nang makita ito. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng t-shirt habang inaabangan ang paglapot ng katulong sakanya. "Halika nga d

