PARANG bata na nagtampisaw sa tubig sa dagat si Maggie. Hindi ganon kalamig ang tubig na dumadampi sa balat niya, 9 am pa lang naman kaya hindi na siya nag-abalang maglagay ng sunblock.
"Sayang Teresa bakla ka, mas masaya siguro kung kasama kita dito ngayon." hagikgik niya nang maalala ang kaibigan.
Kagabi pa lang ay nagpaalam na siya sa binata na kung pwede siyang maligo kung saan may dagat dito. HIndi naman naging madamot sa impormasyon si Levi sakanya, ito pa nga ang naghatid sakanya dito. Pagkatapos non ay bumalik na ito sa ginagawa sa bukid. Nakangiting tumanaw siya sa malawak na dagat. Kahit na ganito ang sitwasyong kinahantungan niya sulit pa din naman ang pagbabakasyon niya.
Levi is very gentleman, kahit pa nakakabwisit pa din ito kapag nagsasalita tungkol sakanya. Kahit na rude ito ay hindi pa din niya maitatanggi na mabuti ang binata. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya niya kay Levi. Maraming magandang katangian si Levi kahit pa estranghero pa din ito para sakanya.
Sa tuwing gabi kasi, sinisiguro nito na hindi siya lalamukin sa kwarto niya. Kahit pa ilang beses na siyang nag-volunteer dito na siya na ang magluluto ay hindi pa din siya nito hinahayaan sa kusina. She's willing to learn lalo na kung napupuno siya ng curiousity sa bagay na hindi niya alam. Ang laging dahilan lang sakanya ni Levi ay baka daw kasi masunog niya ang bahay nito. Mahirap na dahil may mga sentimental value daw ang mga gamit nito.
Sinisiguro ng binata na may pagkain sa mesa nito o kahit na nasa labas sila at nakikihalubilo sa mga taga-dito. Parang alam nito na palagi siyang nagugutom. Nagpapasalamat nga siya at hindi madumi ang isip ng mga tao dito dahil sa bahay mismo siya ni Levi nakatira. Hindi kagaya sa siyudad, na lahat na lang ng gagawin o makikita ng tao sayo ay issue na agad sakanila.
Palagi din siyang sinasama ng binata sa bayan kaya kahit papano ay nalilibot niya ang lugar. Palagi itong nakaalalay sa paglalakad niya. Sapat na sakanya 'yon para magtiwala dito. Isa iyon sa kinagagalit ni Teresa, mabilis daw kasi siyang magtiwala kapag nagpakita lang daw ng kaunting kabaitan. Well, she can't help it lalo pa at iyon naman talaga ang nararamdaman niya sa tuwing may nakakasalamuha.
"Hayy, kailangan sulitin mo na ang bakasyon mo dito Maggie. Siguradong stress ka na naman sa work pag-uwi mo." bulong niya sa sarili pagkuway tumayo sa isang malaking bato. Nakasuot siya ng manipis na bestida na pinataungan niya ng blazer kanina. Hinubad niya ang blazer at nilapag iyon sa gilid.
Akmang huhubarin na niya ang bestida nang biglang may humawak sa kamay niya mula sa likuran niya. Naramdaman niya ang pwersa 'yon para ibaba ang laylayan ng suot niya.
"What the---
"Anong ginagawa mo?" matigas na sabi ng tinig na 'yon mula sa likuran niya. Gulat na bumaling siya.
"L-Levi!"
Nakita niyang saglit na tumingin ito sa paligid pagkatapos ay nangangalit ang bagang na niyuko siya.
"HIndi mo ba alam na makakaagaw ng atensyon ang ginagawa mo?"
Awang ang labing tumingin siya sa paligid. Mangilanlang mangingisda ang nakita niya na abala habang nag-aayos ng lambat sa bangka nila. Ang ilan naman ay nasa pampang at inaasikaso ang mga nahuling isda.
"What's wrong with this? Normal naman ito kapag naliligo ka sa mga beach hindi ba? Alangan namang pajamas?" maang na tanong niya.
"Hindi ito tourist sport miss. Isa itong pribadong lugar na pagmamay-ari ng mag-asawang nilapitan natin kanina. Para lamang ito sa mga mangingisda at mga papalaot sa dagat." ,atigas na sabi pa nito mula sa likod niya. Natigilan siya, kaya pala wala siyang nakikitang ibang tao dito.
"Ano bang problema doon? " bulong pa niya, bigla siyang naging aware na masyadong malapit ang katawan ni Levi sa likuran niya. Damang-dama niya ang init nito habang hawak pa din sa kamay niya.
"Okay kalma lang...just let met go." usal niya, unti-unti naman siya nitong binitawan. Naiilang na inayos naman niya ang bestidang bahagyang umangat sa hita niya.
"Please lang, maraming maeeskandalo kapag nakita kang ganyan ng mga tao dito." buga nito ng hangin. He looks frustrated like hello? for what?!
"But i'm wearing one piece..." paliwanag pa niya at saka mabilis na tinaas ang bestida. ".....can't you see?"
Nakita niyang bumaba ang mata nito. Kung tutuusin ay hindi pa nga panty style ang one piece niya. Iisipin pa nga ng ibang tao na nakasuot siya ng shorts. Sa mga beach na napupuntahan niya ay mas malala pa nga ang sinusuot ng mga tao doon and most of them are not wearing even a single cloths.
“Kung tutuusin disente pa din ito tignan." sambit pa niya.
"Alam mo bang sa ginagawa mo unti-unti mong napupukaw ang atensyon ko?" malamig na sabi nito na ikinatahimik niya.
‘A-ano daw?’
She brush her dress and took a deep breath. Hindi pa din inaalis ng binata ang tingin sakanya bagay na kinailang niya.
"You know what miss? You are making me think that what they told me about you was right. Sana umaayon ka sa lugar na pinupuntahan mo..." sambit pa nito na palihim na kinagulat niya. Lumapit pa ito sakanya at tinaas ang strap na nasa balikat niya.
"....that's distracting." malamig na sabi nito saka tumalikod. Tulalang sumunod lang ang tingin niya dito.
"Ituloy mo lang ang ginagawa mo. Babalikan kita mamaya." anito at muling binalingan siya, nakataas pa ang hintuturo nito.
''Don't do it again, kung ayaw mo na ako ang kumilos non para sayo."
Natigalgal lang siya habang nakasunod dito. She gulp, napahawak siya sa dibdib niya. Hinagilap naman niya ng tingin ang blazer. Dinampot niya 'yon at tinakip sa dibdib saka humakbang. Natigilan siya pagkaraan ng ilang sandali. Doon nagsink sa utak niya ang utos nito. Bumuga siya ng hangin.
"Sandali? Pagkatapos ng nangyayari susunod ako sakanya? Ano siya hilo?" bulong niya, muli niyang tinignan ang papalayong binata. Huminga siya ng malalim habang pinapanood ang paglayo nito. Hindi niya alam kung bakit pagdating dito ay nagiging speechless siya. There’s nothing special about him para, he’s just….ordinary. Kung tutuusin ay marami pa ngang magagandang lalaki sa kinagisnan niya and they are almost perfect. Pero iba si Levi, iba ang dating nito sa paningin niya. Kahit sa paraan ng trato nito sakanya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng ganong klaseng pakiramdam.