HINDI mapigilan ni Maggie na humanga sa lugar, mas maganda pala ito kapag sumapit na ang umaga. Tama nga ang kaibigan, talagang magugustuhan nga niya dito. Kumakalat sa paligid ang sikat ng araw, naamoy pa niya ang usok ng nagsisiga na dinadala ng hangin. Isabay pa ang malamig at preskong hangin.
Alas-nuwebe na siya nagising kanina, hindi naman siya ginising ng binata at wala naman siyang narinig na kahit ano mula dito. Well, maaga na din naman iyon para sakanya. Hindi nga lang niya alam kung anong oras ito nagising, pagbangon kasi niya ay may nakahanda na agad itong almusal sa mesa. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kasiyahan sa ginawa nito.
She never experience that kind of treatment before. Wala kasi ang kapatid niya buong weekend, palaging nasa barkada nito. At siya lang ang naghahanda ng almusal niya.
"Magandang umaga Levi." bati ng matandang nakasalubong nila, may hawak pa itong kalabaw. Namamanghang tumitig siya doon. okay siya na ang ignorante. Parang batang yumuko siya at tinignan ang paa ng kalabaw na nasa putikan. Siguro, kung sumama siya last year sa mommy niya na bumisita sa probinsya ng asawa nito baka marami na siyang mabibisitang lugar at malalamang bagay na hindi pa niya alam. Hindi katulad ngayon na hindi siya pwedeng gumala kahit saan, first time lang kasi niya magtravel mag-isa.
"Magandang umaga din ho tandang Kaloy. Kamusta ho ang maisan? Hindi ako nakadaan doon kahapon dahil nagkaroon ng problema sa pag-import ng gulay sa Maynila." sabi ng katabi, gumilid naman siya sa mga ito at nakinig sa usapan ng mga 'to.
"Ayos lang naman iho, huwag mong alalahanin iyon," sambit ng matanda at napatingin sakanya.
"Ah, bisita ho pala ni inay Amy." pakilala sakanya ng binata. Ngumiti siya sa matanda.
"Good morning ho."
"Si Amy? Naku hindi ba ay umalis siya kahapon ng tanghali. May patay sakanila sa Masbate, pamangkin niya ata na tumira dati dito."
Bumagsak ang balikat niya at napalapit dito. "Ka-kailan ho sila babalik?"
"Iyon ang hindi ko alam iha. Pero baka ilang linggo lang sila doon." anito.
"Ah, sige Levi paparito na ako ha? Madami pa akong aanihin mamaya."
"Sige ho, susunod na lang ako."
Hindi naman siya kumibo habang iniisip ang susunod na gagawin niya.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ng binata. Napatingin siya dito, ngayon ay mas malaya niyang namamasdan ang mukha nito. May kung anong bagay pa na gumagalaw sa sikmura niya habang sinasalubong ang titig nito. Geez, ang weird.
"Baka doon na lang muna ako sa hotel pansamantalang tumuloy. Tutal i'm just here lang naman para magbakasyon, baka hindi na ako bumalik dito uuwi na lang ako after two weeks."
"Paano mo nagagawang maging komportable sa lugar na hindi mo alam? Marami ng nababalitaan na basta na lang pinapasok ng kahit na sino ang hotel na 'yon. Hindi ko iyon sinisiraan, dahil totoo naman. Sa oras kasi na may mangyaring masama sayo sigurado ako na dudumi ang tahimik na lugar na 'to."
Napalabi siya at inirapan ito. "Napaka mo talaga, ihatid mo na lang ako kung saan may ligtas na hotel dito. Wala din naman akong naiisip na lugar na pwede kong pagbakasyon during my free time. Baka naman may alam ka? O baka may nirerentahan kayong kahit kubo dito?"
Ilang sandali siya nitong tinitigan.
"Wala..." anito at may tinuro sa bandang likuran niya. "...kung nakapagdesisyon kana sumabay ka lang diyan mamaya sa trycicle ni manong Rick. Pwede ka ng umalis, kukunin ko na lang ang gamit mo sa bahay."
Bumaling naman siya sa likuran, doon niya lang napansin ang isang tricycle. Napansin pa niya ang ibang tao na taga-dito, nasa ilalim ang mga ito ng puno habang nakatingin sakanila. Napalunok siya at binalingan si Levi.
"Ako lang mag-isa?" may kaba na sabi niya saka muling tumingin sa likuran at muling bumalik kay Levi.
"....ihatid mo na lang ako sa terminal o 'dikaya yung babiyahe sa Maynila." sambit pa niya, mas mabuting umuwi na lang siguro siya. Damn her vacation leave, kaysa naman kung anong mangyari sakanya dito. Nailang naman siya sa paraan ng titig ng kaharap.
'Idagdag pa 'tong farmer boy na 'to...'
"Kung gusto mo doon ka muna sa bahay ko. Iyon lang ang lugar na ligtas ka.." sambit nito saka bumuga ng hangin at tinaas ang mukha. Hindi niya maiwasang mapatingin sa chiseled jawline nito.
"....hindi ka naman mangangamba sakin dahil kagaya nga ng sinabi ko sayo hindi ikaw ang mga tipo ko. Hindi ang mga kagaya mo na taga-Maynila." dugtong pa nito. Kumibot ang labi niya.
"Oo na, kailangan pang ipamukha?" bulong niya.
"Binibigyan lang kita ng assurance na magiging ligtas ka habang nandito ka sa poder ko. Ngayon? Anong balak mo?"
Dahan-dahan siyang tumango. Hindi niya alam kung bakit ganon ang pakiramdam niya na komportable siya sa presensya nito.
"Okay, kung hindi ako nakakaabala sayo."
Tumaas ang sulok ng labi nito at lumapit sa dalaga. Hinawakan nito ang pulso niya.
"Kung ganon ay sumama kana sakin dahil ayokong mag-isip ng iba ang mga tao dito.'' bulong nito, nagpahila naman siya dito.
"Oo nga pala Levi, alam mo na ba ang pangalan ko? I'm Ma----
"Hindi ako interesado.." sambit pa nito at pinisil ang pulso niya. Pantay ang labi na inirapan niya ito.
'Edi wow na lang...'
----------*****
"Mabuti at pinatuloy ka ni Levi sa bahay niya."
Binalingan ni Maggie si aling Issa. Pinakilala siya kanina ni Levi, since nakita na sila ng mga taga-dito maganda daw na makilala na din siya ng mga ito. They are friendly at totoo nga ang sinabi ni Teresa na heartwarming tumanggap ang mga ito. Ang binata lang naman ang iba ang pakikitungo sakanya eh. It doesn't matter to her naman, dahil bumawi naman ito sakanya sa pagtira niya sa tahanan nito.
"Oho, no choice din naman ho ako kasi kailangan ko ng matutuluyan ngayon. Hindi naman daw kasi safe na tumuloy sa hotel doon sa bayan."
Tumango ang matanda. "Sabagay, saka mabait naman 'yan si Levi wala kang magiging problema sakanya."
Bahagya lang siyang ngumiti at hinanap ng tingin ang binata. Nakita niyang may kung anong binubungkal ito sa palayan. Nakababad pa ang paa nito sa putikan. Napilig niya ang ulo, kahit na nakasuot ng green na long sleeve ang binata na nakarolyo hanggang siko nito ay napakalakas pa din ng dating nito. Hindi nga niya alam kung bakit niya pinagtutuunan ng pansin ito at pinupuri pa niya kahit puro pang-iinsulto ang naririnig niya mula dito.
May kung anong sumipa sa dibdib niya nang bumaling ito sa direksyon niya, napatingin siya sa malayo.
'Shemay Maggie!’
“Ah.... bakit ho pala walang kasama si Levi?" mabilis niyang tanong sa katabi. Sandaling humigop ng kape si aling Issa.
"Meron siyang kasama noon, yung nanay niya si Alice. Dalawang taon ng patay.."
Hindi naman siya kumibo, baka kaya ganon ito ay dahil hindi din ito nasanay mag-isa kagaya niya?
"Wala ho ba siyang girlfriend? O asawa?"
Umiling ang katabi. "Wala... pero sa pagkakaalala ko, may inaabangan siyang babae na nasa Maynila eh."
Natigilan naman siya.
"Cath ata ang pangalan non, oo tama Cath nga. Iyon ang kasama niya lagi kapag nagtutungo sa gubat o 'dikaya sa bayan. Anak ng isa sa mga mayaman 'yan dito si Cath."
Napalabi lang siya. 'So may inaabangan naman pala siya....'
Napabuga siya ng hangin. Napansin niya ang pagtingin sakanya ni aling Issa.
“Oh, ahm nagtaka lang naman ho kasi kung bakit ayaw ni Levi sa mga taga-Maynila." nakatawang sabi pa niya. siguro dahil ay narinig nito ang pagbuga niya ng hangin kanina. Ngumiti lang ito.
"Wala kang dapat alalahanin, matagal na silang hiwalay. Tingin ko nga ay ayaw ni Levi na sumama si Cath sa Maynila. Kaya lang ay hindi siya pwedeng tumutol dahil magulang na niya ang kalaban."
"Pwede pa naman ho sila kahit nasa Maynila na yung Cath 'diba? May cellphone naman para makapag-communicate sila."
Umiling ang matanda. "Malabo. Ito ang lugar ni Levi at hindi siya pupunta doon. Iyon ang sinabi niya sa amin nang sabihan namin siya na sundan si Cath doon."
Kumikibot ang labing nilagay niya ang dalawang palad sa magkabilang side ng kinauupuan. Nang tumingin siya sa direksyon ng binata. Nakita niyang umahon na ito sa ginagawa kasama ang ibang matanda.
"Pasensya na ha? Pero dalaga kapa ba iha?"
"Opo...lahat ng kasama ko sa Maynila mga pamilyado na." sambit niya habang tinatanaw si Levi. Nakita niyang lumapit ito sa timba saka naghugas doon ng braso at kamay.
"Kung ganon ay pwede kayo ni Levi, gwapo naman si Levi at responsable sa kabila ng sitwasyon niya. At ikaw ay magandang babae."
Naalala niya ang sinabi nito sa police station na normal lang daw ang mukha niya.
“Malabo ho 'yan, nasanay ako sa buhay ko sa Maynila. May trabaho din ho ako doon at ilang linggo lang ay aalis din ako. Saka si Levi...." aniya, nahigit niya ang hininga ng makitang papalapit ang binata sa direksyon nila.
".....hindi niya gusto ang mga kagaya ko na lumaki doon." Dugtong pa niya. Hindi naman niya maalis ang pagkakatingin sa mukha nito, the only thing she felt was her heart hammering inside her chest. Nakakapagtaka 'yon dahil sa bawat oras lagi na lang niyang nararamdaman yon sa tuwing malapit ang binata.
'Baka kabado lang ako dahil may kasamaan ang ugali ng isang ito. Ayoko lang magkamali sakanya.'
Tama. Baka ganon na nga.
"Gutom kana ba?" tanong nito sakanya. Mabilis naman siyang tumango dito
"Oo, uuwi na ba tayo?" nakangiting tingala niya dito. Sinenyas nito ang kamay, tumayo naman siya.
"Oo halika na.." sambit pa nito at binalingan si aling Issa.
"....dito na ho kami, pasensya na ho hindi ako makakasalo ngayon sainyo."
"Ayos lang 'yon ano kaba? May bisita ka kaya dapat siya ang samahan mo ngayon." nakangiting sabi ng matanda.
"Sige ho, dito na ho kami."
Ngumiti muna siya kay Aling Issa at sabay silang tumalikod ni Levi. Bahagya pa siyang napangiwi ng makita ang malaking dumi ng kalabaw. Nagkalat 'yon sa paligid. Hindi niya napigilang kumapit sa braso ng binata, nakita niyang nailang pa ito at bahagyang lumayo sakanya habang nakataas ang braso na hawak niya.
"Sorry na...." nahihiyang sabi niya at bahagyang lumayo dito. "....nabigla lang ako ang lalaki kasi ng dumi nila." Turo pa niya. HIndi naman 'to umimik, nagpatuloy silang sa paglalakad.
"Kumapit kana lang sa damit ko, madumi kasi ang kamay ko." sabi nito pagkaraan. Tiningala niya ito, hindi ito nakatingin sakanya. Ngumiti siya at kagat ang dilang kumapit pa din sa braso nito. Akmang aalisin nito ang braso nang higpitan niya ang pagkakahawak dito.
"Ano pala 'yong sinabi mo kay aling Issa na hindi ka makakasalo ngayon?'' tanong niya. Napabuga na lang 'to ng hangin.
"May salo-salo kaming mga nagtatrabaho sa bukid tuwing tanghali, si aling Issa ang nagluluto at hinahain sa labas ng bahay nila. Kaya sa tuwing gabi na lang ako nagluluto sa bahay."
Napalabi lang siya at tumango.
“Ganon ba? Sana pala sumama ka sakanila. Nakakahiya naman, kaya ko naman maghain ng sarili ko eh. Alam ko kaya paano magluto."
Hindi naman umimik ang binata. Pagdating nila sa bahay nito ay nakita niya agad ang kusinang sinasabi nito kagabi. Mukhang....hindi niya kakayanin ipagluto ang sarili niya.
''Sigurado kabang kaya mong ipaghain ang sarili mo?" nakataas ang sulok ng labi na sabi nito na mukhang nabasa ang expression sa mukha niya. Tumalikod ito at nagtungo sa kusina. Hindi umiimik na umupo na lang siya sa hagdan at pinanood ito. Patong-patong sa isang sulok ang mga gamit nito sa kusina. Nasa tabi naman non ang kalan na may mga kahoy pa. Bumaba ang mata niya sa paanan nito, nandoon sa ilalim ang ibang sinibak na kahoy.
"Nasa modern generation na tayo Levi at advance na din tayo pagdating sa technology. Kahit naman siguro 'yung ibang tao sa provinces may mga gadgets at mga gamit para mas convenient na ang mga kilos nila. Gusto mo ba bumili ako ng gas stove para naman makabawi ako sa pagtira ko dito?" masayang sabi niya sa binata. Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito na mukhang nairita sa sinabi niya.
"Hindi ko kailangan ng kahit ano mula sayo..." malamig na sabi nito at binalingan siya. Sumalubong ang matiim na tingin nito.
“....pinatira kita dito sa bahay ko ng walang kapalit. Kaya wala kang ibang gagawin dito kung hindi ang tumahimik." sambit pa nito at pinagpatuloy ang ginagawa.
Napanguso lang siya. "Nag-suggest lang naman ako suplado ka agad."
Pinanood niya lang ito habang nagpapaapoy ng kalan. Nakita niya pang inabot nito ang isang palayok na takip ay kahoy. It's cool for her, sa mga bagay na nakasanayan niya sa Maynila ngayon niya lang naisip na madami pa pala siyang hindi alam.
"Ilang taon ka na pala Levi?" tanong niya sa binata.
"Twenty-eight..." sa pagkamangha niya ay sinagot din siya nito. Palagi kasi itong nakakaloko sumagot.
"At the age of twenty-eight ikaw lang ang mag-isa dito? Buti sanay ka mag-isa?"
"Sino ba ang taong hindi sanay mag-isa? Karamihan sa atin darating din doon." anito. Napalabi lang siya.
"Binata ka pa naman kung tutuusin. Malay mo naman kapag nakahanap ka ng trabaho na mapo-provide ang kailangan mo hindi kana mahihirapan."
“Sino ba nagsabing nahihirapan ako sa ginagawa ko?" baling nito sakanya. Napakamot siya ng ulo, oo nga pala. Siya lang pala ang nahihirapan dito.
"HIndi nga maikakailang taga-Maynila ka. Hindi ka sanay na nakakakita ng ganitong buhay doon ano?" may halong nakakalokong sabi nito. Kumibot ang labi niya.
"Aminado naman ako eh...." aniya saka bumuga ng hangin. "....kaya ko lang naman naisipang magbakasyon dahil pressure ako sa paligid ko doon."
"Hmm, kung ganon totoo nga ang sinabi ng iba dito na puro stress ang mga nasa Maynila? Paano nangyari 'yon gayong mas marami naman kayong alam kumpara sa amin?"
Pinagsiklop niya ang palad sa tuhod.
"You won't understand.." sambit niya saka huminga ng malalim. "....nakadepende kasi sa tao kung paano nila iha-handle ang problema nila, kahit saang lugar pa 'yan. Ako kasi, 'yung mga magulang ko hiwalay na. Yung kapatid ko naman nag-asawa na, pati na din 'yung kaibigan ko. Tingin ko nga lahat ng nasa paligid ko doon may mga asawa na. Naisip ko lang na wala na akong kakausapin doon sa tuwing may problema ako. Ayokong dumagdag sa iisipin pa nila."
Natawa pa siya ng mahina. "I don't want to be alone..."
Hindi naman ito umimik, nakita niyang nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Sinalin nito sa isang mangkok ang mga isdang galing sa palayok.
"Ikaw? Kung bibigyan ka ng chance na umalis dito at bigyan ka ng oppurtunity sa Maynila. Papayag kaba? Masipag ka naman eh maraming kukuha sayo." sabi pa niya.
"Hindi doon ang buhay ko at kahit anong mangyari hindi ako pupunta doon." sabi pa nito. Tinitigan niya ito.
"May galit kaba sa lugar na 'yon?"
"Wala.." tipid na sagot nito. Napasandal siya sa hagdan at naghalukipkip.
"Ganon? Parang may galit ka na ewan eh.'' bulong niya at bumuga ng hangin. "...but okay fine. But I only have one question na lang."
"HIndi mo ba napapansin na marami ka ng tinatanong?" supladong baling nito. Tinaas niya ang hintuturo dito.
"Isa na lang promise!" masayang sabi pa niya. Tinitigan lang nito ang mukha niya.
"Ahm, kapag umuwi ba ako sa amin at humingi ako ng pabor sayo na sumama ka lang kahit isang araw. Sasama kaba? Hehe." nahihiyang sabi pa niya.
"Hindi.." mabilis na sagot nito. Ilang sandali niya itong tinitigan.
“Huh! Okay fine, gusto ko lang naman i-treat ka doon." mataray na sabi niya. Pinanood na lang niya uli ang binata. Nararamdaman niya ang ilap ito sakanya, mukhang tama nga si aling Issa. Mukhang may inaabangan pa talaga ito na babalik kaya ganito ang trato nito sakanya.
'Pakialam ko ba? Hindi naman kawalan sakin.”