''HINDI ko alam kung anong nangyari sa dalawang 'yan, basta noong nakaraang linggo nilapitan ako ni Martha hinahanap ka. Ang sabi ko nasa bakasyon tapos bigla nalang siyang nag-sorry at umiiyak." Hindi naman maalis ni Maggie ang tingin sa kapatid na nakahiga sa hospital bed. Ilang beses na itong chineck ng doctor kaninang umaga, mabuti naman at stable na kahit papaano ang lagay na 'yon. Sapat na para hindi siya mas lalong matakot. Napasabunot siya sa sariling buhok habang nakatingin pa din sa kapatid. Masyado talaga siyang nag-aalala dito, ito na nga ang isa sa kinatatakot niya eh. Ang masaktan ang kapatid dahil sa asawa. "May alam kaba bess kung nasaan si Martha?'' baling niya sa kaibigan, malaki na ang tiyan nito at mukhang ilang araw na lang ay manganganak na ito. "Ah actual

