Levi POV “MAY balita na ho ba kay Valerno?” Huminga ng malalim ang kaharap ni Levi, naawang hinawakan nito ang kamay niya. “Hindi pa iho, ni isa sa mga kapatid mo hindi pa din namin nahahanap. Mabuti nga ay nandito ka sa lugar na ito kahit papaano ay nababawasan ang pag-aalala ng mommy mo.” Hindi siya umimik, tahimik na tumanaw siya sa malaking lupaing nasa harap niya. “Alam mo siguradong magiging masaya iyon sa oras na makita ka. Babalik kana ba?” Umiling siya. “Hindi pa ho ako sigurado, nagtungo lang naman ako dito dahil nabanggit sa amin ni Timothy ang nangyari kay mommy.” aniya at tumingin sa matanda. Sa loob ng ilang taon ay nakausap na din niya ang halos ituring na din niyang ina. He don’t want to be here, para sakanya ay sinumpa niya na ang lugar na ito noon pa. Bigla niyang

