BIGONG masundan ni Maggie ang kotseng iyon kung saan nakita niya si Levi. Hindi siya maaaring magkamali si Levi ang isa sa nakasakay doon. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya habang inaalala ang nakita. 'Nasa Maynila na pala siya? Anong ginagawa niya dito?' Pakiramamdam ni Maggie ay may pag-asang umuusbong sa dibdib niya. Nagbabaka-sakali siya na baka siya ang dahilan kaya nandito ang binata sa Maynila. Was it really for her? O baka dahil lang sa kapatid nito na nandito? Kabadong kinutkot niya ang daliri. "Ma'am.." Or maybe he's with someone else? 'Hindi kaya kasama niya si Cath na pumunta dito?' No. Pilit niyang winawaksi sa isip ang bagay na 'yon. Ang gusto na lamang niya ngayon ay makita muli ito. "Ma'am Maggie." It's been a month pero ni boses nito

