"UY bessy? Uy!" Tulalang binalingan ni Maggie ang kaibigan. Nakita niyang naguguluhan itong nakatingin sakanya. "Ba-bakit?" wala sa loob na tanong niya. Nagsalubong ang kilay nito. "Ayos ka lang ba? Kanina kapa tulala ha." Umiling lang siya at hinawakan ang noo. "Wala 'to bessy, medyo masama lang pakiramdam ko." Hinawakan nito ang balikat niya. "Okay ka lang ba?" Tumango siya. ''Yes.." aniya at tumingin sa mga taong nasa harap nila. May meeting sila ngayon ngunit mula pa kanina ay hindi na siya makapag-focus. Mabuti na lamang at tapos na siyang irepresent ang gawa. She manage herself to smile infront of them even her heart scattered into pieces. 'Well hindi ko alam kung may alam ka sa pag-alis namin ni Levi.' mabait ang ngiting sambit ng kaharap. 'O

