"I-I'M sorry ate Maggie. Nakokonsensya kasi ako sa ginawa ko kay Andrew, naging mabait siyang asawa sakin. Lahat ng gusto ko handa niyang ibigay, ako naman nabubulag pa din kay Jason. Akala ko kasi malinis ang intensyon niya sakin at gusto lang niya na mapabuti ako kaya niya ako hinayaan kay Andrew iyon pala may balak siya na kumuha ng malaking halaga kay Andrew. Tatlong araw pagkatapos ng kasal namin ni Andrew ay nakipaghiwalay na ako kay Jason kaya lang ay binabantaan niya akong may mangyayaring masama kay Andrew." Humihikbing pinunasan ng dalaga sa harap niya ang luha. tumingin ito sakanya. "A-ayokong mapa-mapahamak si Andrew kaya naisip ko na makipaghiwalay sakanya para pumunta sa malayo. Ka-kaya lang nalaman niya ang pakay ko at ang tungkol samin ni Jason. Nag-away kami, napag

