"PERO anak, kakaalis lang niya kahapon pagkatapos naming mag-usap. Ang sabi niya daw ay babalik na daw siya sa Maynila." Marahas na bumuga ng hangin si Maggie mula sa narinig sa ama. Lugo-lugong umupo siya sa sofa at sumandal doon. Pagod ang isip at dibdib niya ngayon sa totoo lang "Ang kapatid mo? Ayos lang ba siya ngayon?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Tumango siya. "Yes dad, nakausap ko na siya bago ako umalis." aniya at hinilamos ang mukha gamit ang palad. "Anak, sumabay kana lang samin ng tita Andrea mo para makapagpahinga kana din. Ang lalayo ng mga nararating mo." "Tama ang daddy mo iha.." sabat ni tita Andrea na may dala pang tray na may lamang meryenda. Nilapag ito 'yon sa centre table at umupo sa tabi ng ama. ''....sumabay kana lang sa amin, dalawang

