Nandito ako ngayon naka tunganga sa taping nila Sir Elijah. Ibang venue naman ngayon at nasa Fresh Paradise Garden na naman ang scene nila ni Sabrina. Tama nga kayo, ito iyong lugar kung saan kami nag dinner nina Tita Amanda. Ang scene na naman nila ngayon ay kakatapos lang ng kasal ni Rafael at Alexa. So mag dedate sila sa Garden at siyempre pa ending na kung kaya't may kissing scene na naman.
Matagal na pala ang project na ginagawa nila. So ibig sabihin bago pa ako dumating sa mansion nina Sir Elijah ay palagi na silang magkasama ni Sabrina tuwing nag soshoot. Naiinis pa rin ako ngayon sa ginawa niya sakin kahapon. Lagyan ba naman ng s*x drug ang juice ko bilang parusa. Hayyss, Oo na may kasalanan din ako dahil hindi ako sumunod sa usapan. Tch
Alam ko namang trabaho talaga to ni Sir Elijah ang pagiging artista at syempre hindi talaga mawawala ang kissing scene na iyan. Nakakainis, akala niya siguro makakahalik pa siya sakin mamaya at bukas. Humanda ka sakin Elijah Hmmpp. Iyon na nga nag umpisa na ang scene at naiirita ako sa nakikita ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Ahh basta ayokong manuod. Tinext ko na lang si Penpen dahil gusto ko munang maaliw at para hindi ko mapansin ang ginagawa nila.
'Penpen nasan ka ngayon?' Ito iyong senend ko na message sa kanya at pagkaraay napangiti ako ng tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag reply agad si Penpen.
'Nandito ako ngayon sa Mall Issay'. Reply nito sakin. Magtatatype pa sana ako ngunit tumawag na siya at agad ko ding sinagot.
"Hello Penpen."
"Issay nasa mall ako ngayon at kasama ko si Kiara."
"Ahh hehe pasensiya kana Penpen kung nakaistorbo ako eh na bobored kasi ako sa taping nila Sir Elijah eh."
"It's Okay, I was about to call you anyway. Nga pala Issay, malapit na ang Sunday. Sana makapag simba ulit tayo."
"Sige Penpen, magpapaalam lang ako kay Sir Elijah."
"Okay, aasahan ko ang pagpunta mo."
"Nga pala Penpen malapit na ang birthday ni Kiara ahh."
"Oo nga, reregaluhan ko ulit siya ng manika." Sabi nito habang tumatawa sa kabilang linya kung kaya't napatawa din ako.
"Pffftt...hahhahha.. Naku baka sakalin ka ni Kiara niyan..hahahh." Tawa ako ng tawa dahil naalala ko ng 13th birthday ni Kiara ay niregalohan siya ni Penpen ng manika na medyo nakakatakot ang itsura. Takot kasi si Kiara sa mga manika dahil noong maliit pa kami, habang nanunuod ng horror movie ay may manikang sinapian ng bad spirits at pumatay ng mga bata. Simula noon naging takot na siya hahah.
"If I'll be in a good mood, baka ipag bake ko siya ng cake na hugis manika hahha." Tawa na naman nito. Ang hilig kasi talaga mang asar nitong si Penpen kay Kiara.
"Pfftt...hahahha..baka patayin ka na niyan hahhah." Tawa ako ng tawa hanggang sa may humablot ng cellphone mula sakin at pinatay ang tawag. Pag lingon ko ay kitang kita ko ang madilim na mukha ni Sir Elijah.
"Who are you talking with?" Iritang tanong nito.
"Si Penpen." Sagot ko sa kanya na ngumingiti. Maasar nga para makapag higante ako.
"Diba I told you that you should pay attention to me so that If I finished the shoot you'll be able to wipe away my sweat and give me some water?"
"Masaya kasing kausap si Penpen sir kaya nawili ako." Ngumiti pa ako ng pagka tamis tamis.
"From now on, I'm gonna give some rules to my personal maid." Ma awtoridad na saad nito.
"Ano po iyon?"
"First, If I have a shoot, you should not use your phone if it's not necessary."
"Bakit naman Sir? Paano kung-"
"Don't be silly Issay. Whether you like it or not you'll follow it or else, you know the punishment. I will give the other rules soon"
" 'Sigh' Okay." Sumang ayon na lang ako dahil ayoko ng maulit iyong nangyari kahapon.
" That was the last take of the project . We can go back now to the room and rest." Wika nito, Sa wakas ay makakapag pahinga din kami. Inaantok pa kasi ako ngayon eh. Dahil sa sinabi niya ay inayos ko na ang maliit na backpack na dala ko na naglalaman ng kakailanganin ni Sir Elijah. Hindi naman ito mabigat kung kaya't kaya ko itong dalhin kahit saan.
"Tapos na po akong magligpit Sir."
"Let's go. I already told direk Bobby na babalik na muna tayo sa room." Nag umpisa na kaming maglakad. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating din kami sa room at sakto din ang pagdating ni Lucas habang naka ngisi na naman samin.
"What's the Plan Levi? Should we celebrate? Congratulations natapos na ang project mo at eh lalaunch na ito sa sinehan this month."
"I don't know Lucas."
"Oh common man!! Tara na, mag party tayo." Hinila niya Sir Elijah palabas ng room at hinayaan niya lang si Lucas kung kaya't sumunod na lang din ako. Nang makalayo kami ng kaunti sa room ay nagulat ako ng may makita akong napakaraming grupo ng lalaking may dalang baseball bat kung kaya't kinabahan ako.
" Gardo, nice to meet you again." Mahinahon na bati dito ni sir.
" 'Evil Grin' Let's see kung kakayanin niyo kami. Were 50 at kayo? bwahahhaha 'tumawa ito na parang baliw' Dalawa lang. Hmm teka mukhang maganda at sexy ang kasama niyo ahh. Puwede din na ibigay niyo siya sakin at papalampasin ko ang atraso niyo.
"Back off Idiot!!." Sigaw ni Sir Elijah kung kaya't sumenyas siya na sugurin kami at nagsimula na ang gulo.
"Stay here Issay." Wika ni Sir Elijah at nagsimula na ang labanan. Kitang kita ko kung paano niya patumbahin ang kalaban. I find it cool. Tila sisiw lang ito sa kanya. Parang nanunuod lang ako ng live na pelikula. Si Lucas ay magaling ding makipag away. Hayyss.. bakit kasi kami nasa trouble ngayon? Ni hindi ko nga alam kung ano ang atraso nila.
Hinampas ng lalaki ng baseball bat si Sir Elijah ngunit agad siyang naka ilag at sinipa ito sa tiyang kung kaya't natumba ito at namilipit sa sakit. Marami na ang napatumba nila ngunit nagulat ako ng sumigaw si Sir Elijah.
"Issay watch out!!!" Sigaw nito at tumakbo papalapit sakin at nagulat ako ng makita kung sasaksakin na sana ako ng lalaki ngunit sinalag niya ito kung kaya't siya ang nasaksak.
Hindi ko namalayang may tao na sa likod ko dahil masyadong nakuha ng attensiyon ko ang mga galaw nila ni Lucas sa pakikipaglaban. Sinutok niya ang lalaki at sinipa.
"Sir, okay lang kayo?" Nag aalalang tanong ko at binunot niya ang kutsilyo sa kanang bahagi ng tiyan niya kung kaya't gumuhit ang sakit sa mukha niya. Baka katulad ito ng panaginip ko. Dahil sa naisip ko ay kinabahan na ako. Marami pa rin ang kalaban ngunit alam kung may sugat na si Sir Elijah at kapag tumagal ay baka maubusan siya ng dugo at magka inpeksiyon ang sugat niya. Nakahinga ako ng maluwag ng dumating ang mga guards kung kaya't nagsitakbuhan na ang mga lalaki.
"I'm fine Issay." Pinigilan nito ang pagdaloy ng dugo mula sa tiyan niya.
"Lucas!! Dalhin natin si Elijah sa hospital!!" Sabi ko habang natataranta.
"What happen?" Tanong ni Luacs at inalalayan si Sir Elijah.
"Kasalanan ko Lucas."Nagsimula nang magsilabasan ang mga luha ko.
"No It's not your fault. Don't cry Isabella. I won't die." Pagpapagaan nito sa loob ko ngunit mas lalo pa akong napa iyak.
"Masamang damu si Levi Issay. Hindi siya basta bastang mamatay." Humalakhak pa ito ng nakakaloko.
"Seriously? Nakakatawa pa siya sa sitwasyong ganito?
_______
HOSPITAL
Ginagamot na ng mga doctor si Sir Elijah at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Bakit niya kasi ginawa iyon?
"Issay relax. He'll be fine." Saad ni Lucas sakin kaya tumango lang ako. Pagkaraay dumating na ang doctor kung kaya't lumapit kami sa kanya.
"Kamusta po si Sir Elijah Doc?"
"He's fine, kailangan niya lang mag pahinga ng ilang weeks para maghilom ang sugat dahil hindi naman masyadong malalim." Dahil sa sinabi ng doctor ay nakahinga ako ng maluwag.
"Thank you doc." Sabi ni Lucas at agad din namang nagpaalam ang doctor. Sumunod lang ako kay Lucas dahil pupunta na kami sa room na pinaglagyan kay Sir Elijah.
"I told you Issay, he's fine. Hindi basta bastang mamatay ang tukmol na iyon." Sambit nito at tumawa. Grabe itong si Lucas, tch. Na hospital na nga nag pinsan niya may pa tawa tawa pa siya. Batukan ko kaya to. Hindi ko na lang siya sinagot dahil baka kung ano pa ang masabi ko.
Nang makarating na kami sa silid niya ay nakita ko siyang parang problemado at malalim ang iniisp. Nang maramdaman niya na ang presensiya namin ay agad din itong nagsalita.
"Let's go back to the resort." Akmang tatayo na ngunit pinigilan ko siya.
"Hindi puwede Sir. Sabi ng doctor ay mga weeks ba bago maghilom ang sugat niyo." Dahil sa sinabi ko ay bumalik siya sa pagkahiga sa hospital bed.
"Issay look, I'm fine."
"Levi, sundin mo na lang si Issay." Tumingin pa sa amin ito na may makahulugang ngisi.
Biglang namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sabrina.
"Babe!!! Are you ok?" Tanong nito at lumapit kay Sir Elijah kung kaya't umusog ako ng kaunti. May pa babe babe pang call sign. Ang badoy, dee joke lang iyon. Ewan ko ba, naiinis na naman ako sa nakikita ko.
" I'm fine Sabrina." Sambit nito sa walang ganang boses.
"What happen?" Tanong niya samin.
"It's none of your business." Sagot ni Sir Elijah ngunit hindi niya ito pinansin.
"You're so rude to me Elijah. Anyway, can you go with me Issay? Let's buy some fruits for him." Ngumiti pa ito sakin.
"No Sabrina, I won't let her go with you." Matigas na wika ni sir.
"Kawawa naman ako Issay, wala akong kasamang bumili." Parang nagpapaawa pa ito sakin. Pasalamat lang talaga siya at mabait ako!
" I don't need you here Sabrina. You better go." Pagtatakwil sa kanya nito.
"Sige sir sasamahan ko na lang siya." Sabat ko sa usapan para hindi na siya dumikit pa doon kay Sir Elijah. Naiinis ako eh.
"No Issay." Sabi nito.
"Hayaan mo na Levi, babalik din naman sila agad." Binuksan naman ni Lucas ang TV. Wala na akong nagawa pa ng hilain na ako ni Sabrina palabas.
"Let's go Issay." Nang makalabas na kami sa hospital ay agad siyang nagtanong.
"What happen Issay? Bakit nasaksak si Elijah?" Tanong nito sakin.
"Kasalanan ko." Napahinto naman siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko.
"Why?" Nagtatakang tanong nito sakin.
"Sinalag niya kasi ang kutsilyo na dapat ay sa----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinampal niya ako ng malakas Kung kaya't parang namanhid ang pisnge ko.
"How dare you?!! Napahamak pala siya ng dahil sayo!!." Nasaktan ako dahil sa sinabi niya sakin. Totoo naman eh, kasalan ko. Tatanggapin ko kahit ilang sampal pa ang ibigay niya dahil kasalan ko.
"Come with me Issay. I have something to tell you." Pumunta kami sa parking area at sumunod lang ako sa kanya. Pagkadating namin sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto kung kaya't pumasok na ako sa loob at ganun din ang ginawa niya.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Sorry for slapping you earlier. Nadala lang ako sa emosyon ko."
"Ayos lang." Tipid na sagot ko sa kanya. Kasalanan ko naman eh at alam kong concern lang siya sa kay Sir Elijah.
"You know what Issay, I'm just concern with you. Gusto kong sabihin to dahil ayaw kung masaktan ka. Mabait kang tao Issay at hindi mo deserve ang ganito." Hindi ko naman naintindihan ang mga sinasabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
"Elijah and I will get married soon. His father made him sign an engagement paper last week. Kahit tumutol man siya ay wala siyang magagawa doon." Sabi nito at hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako.
Ito siguro iyong pinunta niya ng tinawagan siya ng daddy niya last week at tila na irita pa ito. Dahil pala engaged na sila ni Sabrina. Tila piniga ang puso ko sa nalaman. Totoo pala talaga ang sinabi niya ng nakaraan sa balita.
"Ah ganun ba?" Pinipigilan ko ang mga luha ko dahil wala akong karapatang umiyak.
"You should put a barrier between you and him Issay. Kapag patuloy kang dumikit sa kanya ay masasaktan ka lang. Elijah is every girl's Ideal man and you don't deserve him."
"Tama nga kayo hehe 'ngiting pilit ko' , Naku huwag kayong mag-alala dahil wala namang gusto sakin si Sir Elijah."
"You're right Issay. I'm just giving you a warning. Para din naman sa kapakanan mo iyon eh."
Pagkasabi niya nito ay pinaandar niya na ang sasakyan at hindi na ako umimik at siya naman ay tila sobrang saya niya. Siyempre hindi ba siya magiging masaya na ikakasal siya sa taong mahal niya. Siyempre hindi naman pipirma ng engagement paper si Sir Elijah kung hindi niya mahal si Sabrina.
Nang makarating kami sa mall ay kumuha siya ng shopping cart at binigay sakin. Habang naglalakad kami sa fruit section ay nagkuwento Ito sakin.
"You know what Issay, Paborito ni Elijah ang grapes. Naalala ko noong pumunta kami sa Farm nina daddy, sa grapes area kaagad kami pumunta. 'Wika nito habang pumipili ng mga prutas at may ngiti sa labi'. Ang dami pa ngang grapes ang kinain niya ahhaha..'tawa nito' Kukunan ko pa sana siya ng marami ngunit natapilok ako kung kaya't binuhat niya ako pauwi. 'Bumuntong hininga pa ito' nakakamiss ang araw na iyon. Ang sweet pa ni Elijah sakin."
"Mukhang mahal ka nga niya." Dagdag ko pa kahit na medyo nasasaktan na.
"Oo nga Issay. Akala ko noon hindi niya ako mahal. Kukuwentuhan kita Issay kung paano kami nagkakilala ni Elijah." Saad nito kung kaya't nakinig din ako dahil gusto kong malaman. Nacucurious Kasi ako. Alam kong masasaktan na naman ako pero bahala na. Mas mabuti na iyong may alam.
: (