Chapter 12 : Sabrina's Side

3041 Words
Sabrina's POV Ang saya ko ngayon dahil engage na kami ni Elijah. Wala ka ng magagawa doon Issay kaya sorry ka nalang. Iyon na nga eh kukuwento ko sa kanya ang love story namin ni Elijah para matauhan siya. Flashback I was a nerd way back in highschool. Halos lahat ng mga kaklase ko ay binubully ako. May pagkakataon pa ngang nilagyan nila ng pinturang kulay pula ang upuan ko, meron ding nagsulat sila ng badwords sa blackboard at ako ang pinag bintangan nila. Kahit anong rason ang gawin ko ng dinala na ako sa opisina ni Dean dahil hindi pa din sila naniwala. Siyempre lahat yata ng classmates ko ay ako ang tinuturo. Pinagalitan ako nina mommy at daddy dahil doon. Na depress ako ng sobra to the point na muntik na akong magpakamatay. Sabi nila, high school life daw is the best. Pero bakit ang miserable ng experiences ko. Buong year ko sa high school ay puro pambubully lang ang naranasan ko hanggang sa grumaduate na ako. Ang saya ko ng araw na iyon dahil sa wakas ay makakawala na din ako sa impyernong paaralan na iyon. Nang mag college ako ay nag transfer na ako dahil puno ng masasamang alaala ang paaralan na iyon. Akala ko ay magiging masaya na ako sa college life ko ngunit ganoon pa rin pala. Bakit ba ang hilig nilang mang bully sa mga nerd na kagaya ko? Wala naman akong kasalanan sa kanila ah. Nag-aaral lang naman ako. Bakit ang hirap hirap? Akala ko buong year ko sa college ay mabubully ako until I meet Elijah. Habang naglalakad ako sa pathway paalis sa locker room ay may mga grupo ng babaeng nambato ng mga kamatis sakin. Tila plinano na talaga nila lahat ng iyon. I covered my self using my arms para hindi ako matamaan sa mukha. Pagkatapos nilang gawin iyon ay hinawakan ng dalawang babae ang mga kamay ko at pinagsasampal nila ako at sabay na nagtawanan. Kung magsusumbong daw ako sa parents ko or sa guidance office ay mas malala pa daw ang gagawin nila kung kaya't natakot ako. Nagulat ang mga babae ng may lalaking nagsalita sa likuran nila at nang makita nila ito ay nila nag hugis puso ang mga mata nila. "Hi Elijah." Wika nito sa malanding boses. "Hi handsome." Saad pa ng isang babae at nag pa cute dito ngunit hindi niya ito pinansin. Hindi ko nakita ang mukha ni Elijah dahil naka yuko ako dahil sa sobrang kahihiyan at takot. Naramdaman ko ang pag hakbang niya papalapit sakin. " Are you ok?" Tanong nito sakin kung kaya't napa singhap ang mga babae. "O-Okay lang ako." Utal kung sabi at inayos ang glasses ko. Tinignan ko siya at natulala ako dahil ang guwapo niya. "All of you!! Listen, don't you dare bully her again or else I'll make your life a living hell." Hinila na ako nito paalis doon. Dinala niya ako sa rooftop ng building at hindi ko alam kung bakit. "S-Salamat." Utal kung sabi sa kanya. " You sit here first." He said while tapping the chair beside him kung kaya't umupo na lang din ako. " Im Sabrina." I introduced myself to him. "Elijah." Sabi nito at may kinuhang wipes sa bag niya at binigay sakin. "Thanks." I said and started cleaning my self. "How long have you been bullied like that?" Tanong nito sakin. "I think , I've been bullied for almost four years until now." Nagpakawala pa ako ng pekeng tawa. " You know what? I was once a nerd too." Saad nito habang naka tingin sa malayo. I was surprised dahil sa nalaman ko sa kanya. But he's no longer a nerd because he's hot and handsome now. "Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. " Yes, I was bullied back then but I changed a lot because of her." "What do you mean?" I asked but he didn't answer my question. "Just tell me if someone bully you again." Kumuha ito ng soda sa bag niya at binigay ang isa sakin at agad ko namang tinanggap. "Thank you for saving me." Binuksan ko din ang soda na ibinigay niya at ininom. _________ Simula ng araw na iyon ay naging magkaibigan kami ni Elijah. Lagi niya akong hinahatid pag uwian na at sobrang saya ko dahil unti unti ko na siyang nagugustuhan. Wala na ding nagtangkang mangbully sakin at binago ko ng tuluyan ang sarili ko. Maraming namangha sa transformation ko at halos lahat ng lalaking ng bully sakin noon ay nanligaw na but I dumped all of them. Nagpapasalamat ako kay Elijah dahil siya lang ang masayang nangyari sa buhay ko. Siya na lang ang meron ako na kaya akong ipagtanggol. Napag alaman ko ding he's known as "The handsome fuckboy" ngunit hindi ako naniwala noong una until one day, I saw him making with a girl in the womens comfort room. Sobra akong nasaktan sa nakita ko kung kaya't sinugod ko ang babaeng iyon at sinampal. Nagalit si Elijah dahil sa ginawa ko at umalis doon kung kaya't sinundan ko siya. I confess my love to him but he said that he don't love me at tinulungan niya lang ako dahil nakikita niya ang sarili niya sakin. Hindi ako pumayag na ganun na lang iyong mangyari samin. Until I realized that maybe if I give my virginity to him ay baka mahalin niya ako. So I did, I give my body to him but he said that were just a f**k buddy so I should stop loving him dahil masasaktan lang ako at may mahal na siyang babae. I don't know kung sino ang tinutukoy niya. Akala ko wala ng pag-asang mahalin niya ako ngunit ng muntik na akong magahasa, he saved me. He always save me everytime na nasa trouble ako. Kahit hindi niya man sabihin ay alam ko sa sarili kong mahal niya ko. We entered the show business until kinuha kaming bida sa isang project at nagtuloy tuloy na. Nalaman kong matagal na palang pangarap ni Elijah ang pag aartista and I'm happy dahil magkasama kaming tumupad ng pangarap niya. Isang araw habang lasing siya ay muntik na siyang mabangga ng kotse malapit sa Deadly Night Club but I saved him kung kaya't ako ang nabangga. Sinugod ako sa hospital noon at kita ko kung paano nag-alala sakin si Elijah. Sounds funny but natuwa ako dahil sa nangyare kahit muntik na akong mamatay. While I was in the hospital ay siya pa rin ang nasa isip ko. I beg him to give me a chance to be his girlfriend at baka sakaling mahalin niya din ako. He agreed to what I've said and I was happy during that time. Nang maging okay na ako ay inalagaan at minahal ko si Elijah ngunit alam kung nambabae pa rin siya everytime na pumupunta siya sa deadly night club at tinanggap ko na lang iyon kahit labag sa kalooban ko dahil natatakot ako na baka iwanan niya ako. Our relationship goe's like that but still I know that he still cares for me. He loves me dahil pumirma siya sa engagement paper para maikasal kami. End of Flashback "Siya na lang ang meron ako Issay, sana maintindihan mong nagmamahalan kami. Hindi ko na alam Kung anong gagawin ko kapag wala siya. So please, just know your limits as a maid." Pilit kong sinasampal sa pagmumukha niya ang reyalidad para matauhan na siya. ______ Isabella's POV "Naiintindihan ko Sabrina." Tugon ko sa sinabi niya kahit na medyo labag sa kalooban ko. Kawawa naman pala si Sabrina noon. Ang dami niyang pinagdaanang kalbaryo sa high school life niya. Niintindihan ko kung bakit ayaw niyang mawala at ganun niya kamahal si Sir Elijah. Hayyssss.. Siguro naawa lang nga talaga sakin si sir Elijah. Pinagtanggol niya din kasi ako gaya ng ginawa niya kay Sabrina. Parang ang bigat ng puso ko ngayon. Bakit kaya? "Issay, Elijah is my hero. I'm really happy dahil engagae na kami." Hindi ko namalayang magbabayad na pala siya sa counter. "Huwag kang mag-alala dahil wala namang gusto sakin si sir Elijah." Tugon ko habang naglalagay ng mga pinamili namin sa counter. Napansin siguro ng cashier si Sabrina kahit na naka hat at shades ito kung kaya't nag pa picture siya dito. "Ms Sabrina, fan na fan niyo po ako ni Elijah. Pa pic please." Agad ding pumayag si Sabrina. Sinenyasan siya ni Sabrina na huwag ma ingay dahil baka dumugin kami ng mga tao at tumango lamang ang cashier habang may ngiti sa mga labi. "Diba ikaw iyong sa issue na ka holding hands ni Elijah?" Tanong niya sakin kung kaya't natigilan ako. "Yes she is, but don't worry because Elijah ang I will get married soon." Tumili naman ng kaunti ang cashier. Nang matapos na naming bayaran ang mga pinamili namin ay ako ang nagdala nito at medyo mabigat ngunit ayos lang dahil sanay na man ako. "Pasensiya kana Issay, ikaw muna ang magdadala niyan dahil bawal akong magka muscles baka masira ang hugis ng mga braso ko." Tumango na lamang ako sa kanya. Nang makalabas na kami sa mall ay tinanggal niya na ang hat at shades niya kung kaya't nagtinginan sa amin ang mga tao. Nang mapag alaman nilang si Sabrina nga iyong kasama ko ay agad silang tumakbo pa punta samin. " Ms. Sabrina ang ganda niyo po!!." "Grabe ang swerte namin dahil nakita kayo namin dito." "Wahhh fan na fan niyo talaga ako." "Teka diba ito iyong babae sa issue ni Elijah?" Sabi ng isa sa mga grupo ng kababaihan. "Ang kapal din ng mukha mong sumama kay Ms. Sabrina no!!." Sigaw niya sakin kung kaya't napa higpit ang hawak ko sa dalang mga plastics. "Dapat sayo tinuturuan ng leksiyon!!." "Ambisyosa!!." Sigaw ng isa pang babae at sinimulan na nila akong hampasin ng mga bag nila sa ulo kung kaya't binitawan ko ang platic at sinalag ang mga kamay ko. Sobrang lakas ng mga hampas nila at ininda ko lamang ang sakit na dulot nito. " Slut!!!" " Higad ka !!!." "Mang aagaw!!" " Linta!!." Mga salitang pinakawalan nila na dumurog sa puso ko. "Enough girls. Engage na kami ni Elijah, don't worry ikakasal na kami so please stop it." Maarteng awat niya sa mga fans nila kung kaya't tumigil sila. Agad ko namang pinulot ang plastic at mabuti na lang na hindi ito napunit. Sa too lang naiirita ako sa pa ulit ulit na sinasabi ni Sabrina na ikakasal na sila. Kailangan ba talagang ulit ulitin? Nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan. May gusto na ba ako Kay sir Elijah? " Pa picture please!!!" Sigaw nila kung kaya't nagsi kuha na sila ng larawan kasama si Sabrina. Napabuntong hininga naman ako. Ang malas ko naman ngayon. Hindi ko napigilan ang paglabas ng mga luha ko. Nasaktan kasi ako sa mga sinabi nila sakin. Kita ko ang pamumula ng braso ko at may mga gasgas na ito. Siguradong magkakapasa talaga to. Nanginginig ang mga kamay ko habang dala ko ang mga pinamili namin. Kahit na masakit ang mga braso ko ay pinilit ko pa din itong dinala hanggang sa nakatapos na sila sa pag pipicture at umalis na ang mga fans niya. Lumapit siya sakin at niyaya na akong pumunta sa parkeng area. " I'm sorry for that Issay. Okay ka lang?" Tanong nito. "Ok lang ako." Sambit ko habang nagpupunas ng mga luha ko. "Look Issay, kapag nakita ka ni Elijah na umiiyak at may mga pasa ay kakaawaan ka na naman niya. Gusto mo ba iyon?" Tanong nito sakin. "Huwag kayong mag-alala dahil simula ngayon ay lalayo na ako sa kanya hangga't maari." Sagot ko at nagbigay ng pilit na ngiti sa kanya. "Madali ka naman palang kausap Issay." Kumuha siya ng tissue at binigay sakin. "Salamat." Tinanggap ko na din ito. "Nga pala Issay, look at your arms. Namumula na at may mga kalmot , paniguradong makikita ni Elijah iyan at alam mo na ang gagawin niya. But don't worry, I have a long sleeves here. You can wear it for a while." "Salamat." Kinuha ko ito at sinuot at natakpan nga ang mga braso ko. Kung matatapos ko na ang kontrata ko bilang katulong ni Sir Elijah ay maghahanap na lang ako ng iba pang trabaho. Hindi ako nababagay sa mundo niya eh. Tila kumirot na naman ang puso ko dahil sa naisip. HOSPITAL Nakasunod lang ako kay Sabrina habang naka yuko at nagdadala ng plastics na naglalaman ng mga prutas. Sobrang hapdi na ng balat ko ngayon ngunit kailangan kong itago to. Ayoko ng kinakaawaan ako ni Sir Elijah. Napapahamak pa siya dahil sa sobrang awa niya sakin. Pagkadating namin sa kuwarto ay nakita ko si Lucas na nanunuod ng TV at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Penpen na naka upo din sa maliit na sofa kasama si Lucas at si Sir Elijah naman ay naka busangot. Nang makita niya ako agad siyang tumakbo para yakapin ako. "Issay!!!" Wika ni Penpen at agad na yumakap sakin kung kaya't nabitawan ko ang plastic at napadaing ako dahil sa pagdikit ng mga braso ng sa braso ko. " T-teka lang Penpen hehe 'pekeng ngiti ko'." Dahil sa ginawa ko ay na ngunot ang nuo niya at sinuri ang katawan ko. He was about to touch my arms ngunit umatras ako ng kaunti. "Ok lang ako Penpen." Sabi ko ngunit hinila niya ang braso ko. "Aray!!." Daing ko "Take off that long sleeves Issay." Sambit nito sa ma awtoridad na boses. Ginawa ko kasing parang blazer iyong long sleeves eh. "Naku hehe huwag na Penpen." "What the heck are you doing Rosales?" Galit na tanong ni Sir Elijah sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. "Take it off Issay, don't lie to me. I know you're not okay." Sabi ni Penpen kung kaya't tinanggal ko na lang dahil wala na din namang silbi kung itatago ko dahil malalaman pa rin naman nila ito. Nang makita ni Penpen ang mga braso kong namumula, may kalmot at pasa ay tila natakot ako sa tingin niya. Kakaibang Penpen ang nakikita ko ngayon. Ayoko ng maulit ang nangyari noon ng niligtas niya ako mula sa lalaking muntik na akong gahasain. Parang papatay ng tao ang itsura niya. Ito ang side ni Penpen na ayaw ko sa lahat. "Who did this to you?" Tanong nito sa nakakatakot na boses. Namalayan ko din ang pagtayo ni Sir Elijah mula sa hospital bed at nasa harap ko na din siya ngayon habang nakahawak ang isa niyang kamay sa sugat niya. "Is it Sabrina again!?" Galit na tanong ni Sir Elijah sakin. Nagpabalin balin ang tingin ko sa kanila dahil parehong nakakatakot ang mga awrahan nila. Namalayan kong si Lucas ay nakamanman lang samin at tila masama din ang timpla ng mukha nito. "My fans did that." Maarteng sagot ni Sabrina while rolling her eyes. Nagulat ako ng hawakan ni Penpen ang braso niya ng mahigpit kung kaya't napa daing ito. "Ouch!! You're hurting me." Maarteng reklamo nito. "Who did this!!? Tell me!!" Halos nag echo sa buong silid ang boses ni Penpen at kita ko kung paano natakot si Sabrina. Pipigilan ko sana si Penpen dahil wala namang kasalanan si Sabrina at kagagawan iyon ng fans nila ngunit pinigilan ako ni Sir Elijah sa pamamagitan ng paghawak sa mga kamay ko. Puwersahan kong hinila ang kamay ko mula sa kanya dahil ayokong kaawaan niya na naman ako ngunit napadaing siya at hinawakan ang sugat niya kung kaya't inalalayan ko na lang muna siya at pinahiga sa hospital bed. "Elijah help me." Mangiyak ngiyak na sabi ni Sabrina ngunit hindi siya pinansin nito. "Tell me!! Or else I'll break your arms!!." Sigaw ni Penpen kay Sabrina kung kaya't inawat ko na si Penpen. "Penpen tama na, wala siyang kasalanan." Sabi ko sa kanya ngunit hindi niya pa din binitawan ang mga braso ni Sabrina. "Penpen!!! Tama na iyan!!!." Sigaw ko ngunit winaksi niya ang kamay ko at natamaan ang braso ko kung kaya't napadaing ako. "Aaaawww.." Daing ko kung kaya't natauhan siya at binitawan niya na si Sabrina. " I'm sorry." Sabi nito sakin at hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng room. Rinig ko ang pagtutol ni Sir Elijah sa ginawa ni Penpen. "Stop!! Don't go with him Issay!!" Sigaw nito at babangon na sana sa bed ngunit pinigilan siya ni Lucas. Sorry Elijah pero kahit ngayon lang gusto ko munang lumayo sayo. Sa mapanakit mong mundo. Nagpatianod lang ako sa paghila ni Penpen sakin hanggang sa nakarating kami sa parkeng area at sumakay sa front seat ng sasakyan niya at agad na sinimulan ang pag paandar sa kotse niya. "Let it out Issay." Dahil sa sinabi niya ay nag unahan na sa pagbagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Kilala niya talaga ako. Tuwing malungkot ako, may tinatago sa kanya o nagsisinungaling. "Leave that jerk Issay. I'm giving you a job. A job where you're safe." Sabi nito habang nagdadrive at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya ngayon dahil alam ko na bago ako pumasok ay pumirma ako sa kontrata na magtatrabaho ako doon ng Anim na buwan. Kay bilis lang ng panahon, hindi ko namalayang mag iisang buwan na pala ako sa trabaho ko. "Sorry Penpen 'sniff' pero may pinirmahan akong kontrata." Hindi ko mapigilang humikbi dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. " 'Sigh' Just tell me if you're in trouble Issay. That's my purpose of giving you a phone." Sambit nito na tila sobrang nag aalala sakin. Hindi na lang ako sumagot at wala pa ding tigil ang pag iyak ko. " Sorry 'sob'." Ang tanging nasabi ko. "Once you'll get hurt again Issay. Mark my words, I'll get you from him even theres a f**k*n contract." Sabi nito habang masama ang tingin sa daan at mahigpit ang paghawak sa manebela. Natahimik ako dahil sa sinabi ni Penpen. Ngunit nag salita ulit siya. " I'll find those girls who did this to you Issay. I'll make them pay for what they did." ^_^ A/N : Everyone of us has it's own story so as much as possible, don't judge a person easily. Know and understand their sides first.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD