Chapter 13 : Blood

2402 Words
Dinala ako ni Penpen sa condo niya daw dito sa Maynila. Nandito kami ngayon sa sofa naka upo habang ginagamot niya ang mga kalmot sa kamay ko. Nilalagyan niya ito ngayon ng ointment para daw mawala ang pamumula at hindi gaanong magpasa ang mga braso ko. Medyo gumaan ang pakiramdan ko ng umiyak ako kanina buong biyahe. Halos napuno nang tissue ang front seat dahil sa ginawa ko ngunit hinayaan lang ako ni Penpen. Nang matapos niyang gamutin ang mga sugat ko ay niligpit niya na ang first aid kit at binalik sa maiilit na cabinet sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang tray na naglalaman ng pagkain. Hapon na ngayon kung kaya't nakaramdam na ako ng gutom. Kanin, friedchicken,egg sandwitch at juice ang laman ng tray. "Kumain ka na muna Issay." Pagkasabi niya nun ay agad kong nilantakan ang pagkaing dala niya. "I'm sorry, I was't prepared. I didn't even cook our favorite." Pinagmasdan lang ako nito habang kumakain. "Naku ayos lang Penpen. Ikaw ba kumain kana?" Tanong ko sa kanya at agad na kinuha ang baso at uminom ng pineapple juice. "Yes Issay." Ngumiti naman ito sakin. Hayyss sa wakas bumalik na din ang dating Penpen. Ang Penpen na malambing, pala ngiti at maasikaso. "Kamusta ang bakasyon niyo sa Resort?" tanong ko sa kanya at kumagat sa friedchicken. "Well, it's fine but It will be better if you're with us in the whole week." In-onn naman nito ang TV. "Penpen bakit ka nga pala pumunta sa hospital?" "I saw the news, Elijah was brought to the hospital due to the trouble that happened in the hotel. I was very worried with you that's why I went there." Sagot nito sakin habang nasa TV naka tuon ang mga mata. "Kasalanan ko nga iyon Penpen, ako sana ngayon ang nasa hospital kung hindi niya ako niligtas." Nalungkot naman ako ng maalala ko na naman ang nangyare kay Sir Elijah dahil sakin. "They're the one who brought you into trouble Issay. It's not your fault." Saad nito at tumingin sakin. Buntong hininga na lang ang naisagot ko sa sinabi ni Penpen. "Always remember that I got your back whatever happen Issay." He said sincerely. "Alam ko Penpen. Salamat." Ngumiti naman ako sa kanya. Nang maubos ko na ang dala niya ay may kinuha itong maliit na box sa bulsa niya. "This is for you Issay." Sabi niya at ibinigay ito sakin. "Para saan to Penpen?" Tanong ko sa kanya at tinanggap din ang maliit na box. "That's my gift for you. Open it." "Hindi ko naman birthday Penpen hehe. Pero salamat pa din." Saad ko ng may ngiti sa mga labi at binuksan ito. Namangha ako ng makita ko ang silver na bracelet at may nakaukit na Issay. "Do you like it?" Nag aalinlangang tanong nito sakin. "Siyempre naman Penpen." Pagkasabi ko niyon ay pinakita niya din sakin ang kamay niya. Meron din siyang ganito at may nakaukit din na Penpen. "Come here. Let me help you wear it." Wika nito kung kaya't tumabi ako sa kanya at isinuot niya ang pulseras sa kamay ko. "Thank you." hindi pa din naalis ang mga ngiti ko. Mabuti pa kapag si Penpen ang kasama ko. Masaya lang ako palagi. Kung si Sir Elijah naman lagi na lang akong nasasaktan. Bakit kaya ganoon? "It looks good on you Issay." Tugon niya sakin habang nakatingin sa mga kamay kong may bracelet. "Nga pala Issay, kailan mo balak dalawin si Tito Robert. For sure namimiss ka na niyon." Dahil sa sinabi ni Penpen ay namiss ko bigla si Itay. Kamusta na kaya siya? Hayyss, sana Ok lang siya ngayon. "Namimis ko na nga si Itay Penpen kaso nga lang may trabaho ako at hindi ako makakauwi." Ani ko na hindi maitago ang pangungulila sa boses. "Don't worry Issay, we'll visit him soon." Sambit nito na parang chinicheer up ako ngunit hindi ko alam kung papayagan ako ni Sir Elijah kapag nag paalam ako. "Malapit na nga ang death anniversary ni Inay. Kailangan kong umuwi sa araw na iyon."Isinandal ko naman ang likod ko sa malambot na sofa at nanuod ng TV. Ganoon din ang ginawa ni Penpen. "Mahal mo ba ako Sophia?" Tanong ng lalaki sa babae habang nag didinner date sila kung kaya't napatigil ito sa pagkain. "Bakit mo tinatanong iyan Justine?" Sabi ng babae at mahinhing pinunasan ng tisuue ang mga labi niya. "Sagutin mo ang tanong ko Sophia." Malamig na tugon ng lalaki. "Bakit kailangan mo pang itanong iyan?" "Bakit hirap kang sagutin ang tanong ko? Kung mahal mo ang tao, walang bakit,walang pero kundi Oo lang Sophia. Oo lang ang isagot mo masaya na ako." Tila ramdam ko ang sakit sa boses nito. "Sorry Justine. Sinubukan ko pe---" Hindi natuloy ng babae ang sasabihin niya dahil hinampas ng lalaki ang lamesa gamit ang kamay nito na naglikha ng ingay. "Anong sorry Sophia? Sinubukan mo ngunit ano?! Ginawa mo akong tanga." Sabi ng lalaki at napalunok ito para siguro pigilan ang nagbabadyang mga luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit naiiyak ako para sa lalaki. "I'll explain Justine. " Sabi ng babae habang umiiyak. "Explain!!" Sigaw ng lalaki kung kaya't mariin na napapikit ang babae sa pagsigaw niya. " 'Gulp' I still love him. I mean Jasper my ex boyfriend. I-I'm sorry, akala ko makakalimutan ko siya kapag tinanggap kita sa buhay ko. P-pero nagkamali ako doon. " Saad ng babae habang naka yuko kung kaya't natigilan ang lalaki. Pagkamaya maya'y nagsalita ito. "Bakit ang hirap mong mahalin? 'Gulp' Pinaramdam mo sakin na mahal mo ako, pinaramdam mo saking may pakialam ka, pinaramdam mo saking mahalaga ako sayo. Palabas lang ba ang lahat ng iyon?" Tanong ng lalaki sa babae at mas lalong lumakas ang pag iyak at hikbi nito. " You'll never 'sob' understand Justine." Sabi din ng babae na tila sobra itong nasasaktan. "Ginawa mo akong tanga Sophia. Minahal kita ng sobra. Nasaan ako sa dalawang taong pagsasama natin? Diba masaya pa tayo kahapon? Alam mo bang mag popropose sana ako ngayon sayo? Ngunit nalaman kong ikakasal ka na pala sa ex mo." Sambit ng lalaki at umalis na. "Bakit kaya ganun? Kawawa naman si Justine Penpen." Hindi ko na napigilang mapa iyak dahil naawa ako sa lalaki. Umiyak ang babae dahil sa nangyari tila sobrang sakit ang nararamdaman nito. Pagkamaya maya'y may dumating na lalaking naka ngisi sa kanya. "Ano, masaya ka na!? Kahit kailan ay Demonyo ka talaga Jasper!!" Sigaw ng babae sa lalaki ngunit ngumisi lang ito. "Tama ang desisyon mo Sophia. Ikakasal ka na sakin. Wala ka ng magagawa dahil babagsak ang kompanya niyo kung wala ako. Alam mo bang pati kompanya nila Justine kaya kong wasakin kapag hindi mo ako papakasalan?" "Hindi na kita mahal Jasper!!" Sigaw ng babae dito at akmang sasampalin na sana siya ni Jasper ngunit nagulat siyang ng tumumba ito at nakita niya si Justine na galit at binugbog nito sa Jasper. "Hala lagot, bumalik si Justine." Nakikinig lang si Penpen sa mga sinasabi ko habang patuloy na nanunuod din. "Stop it Justine!! Umalis ka na!! Hindi kita mahal!" Sigaw niya sa lalaki kung kaya't tumigil ito sa pagbugbog kay Jasper. "Narinig ko ang usapan niyo Sophia. You didn't trust me, don't you? Hindi ka naniwala sa kakayahan ko. Pinilit mong kimkimin lahat ng problema." Malamig na sabi ni Justine. "I did this for you." Sagot ng babae at yumuko. " This jerk is just a piece of s**t for me Sophia. Do you think I can't help you with your company?" Dagdag pa nito kung kaya't napatahimik ang babae. "Let's get married tomorrow Sophia." Sabi ng lalaki at hinila na ang babae paalis doon. Pinatay ni Penpen ang TV kung kaya't nainis ako dahil gusto ko pang malaman ang kasunod niyon. "Bakit mo pinatay ?" Inis na tanong ko habang nagpupunas ng luha. "I hate seing you cry Issay." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya. "Penpen naman eh, Palabas lang naman iyon." " Fine." Tipid na saad niya at binuksan ulit ang TV ngunit nakita kong namatay ang lalaki at babae sa araw ng kasal nila kung kaya't mas napalakas ang iyak ko. " Waaaaahhhhhh!! Bakit ganun? 'sob' Akala ko happy ending huhu." " 'Sigh' Let's look for a comedy one para hindi ka magmukang basing sisiw diyan sa kakaiyak, tsk." Sinalin niya ang channel kung kaya't palabas ni Ai ai delas Alas ang pumalit. Tawa na naman ako ng tawa. Si Penpen kasi eh. Nagmumukha na tuloy akong baliw. Pati siya tawa rin ng tawa hanggang sa nag ring ang cellphone ko kung kaya't kinuha ko ito sa bulsa ko. " 'BABY ELIJAH' Basa ko sa naka phonebook sa phone ko kung kaya't na ngunot ang nuo ko. Kailan pa naging baby si sir Elijah? Tsaka wala naman akong number niya ahh. Kahit na nag aalinlangan ay sinagot ko ang tawag. "Hello? Pffttt hahahahaha" Hindi naming napigilang tumawa ni Penpen ng nag pa gulong gulong na nahulog sa hagdan si Ai ai. "It seems like you're happy huh." Sarcastic na pagkasabi ni sir Elijah sakin. "Excuse me Penpen." Sabi ko kung kaya't nag iba na naman ang mukha nito. "Is that Elijah?" Tanong nito sakin na masama ang timpla ng mukha kung kaya't tumango na lang ako. Dumistansiya ako ng kaunti para kausapin si Sir Elijah. "Go back here now Issay. I want to see if you're arms are okay" Saad nito sa nag aalalang boses. "Ayos lang po ako sir. Nalagyan na po ni Penpen ng ointment at hindi na siya masyadong mahapdi." "Come back here Issay. I need you" "Sige po magpapaalam lang ako kay Penpen." Pagkasabi ko niyon ay pinatay ko na ang tawag at umupo ulit sa sofa. Binalik ko muna ang attensiyon ko sa TV at hindi ko mapigilang humikab at hindi ko namalayang naka tulog na pala ako. _______ Stephen's POV I carry Issay to my room para mas maging comportable ang pag tulog niya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha habang natutulog. I really care for this woman. I love her, but she didn't notice it. I don't have enough courage to confess my love for her. I'm afraid that I might lose her. I believe that everything has a right timing. I'll wait for that perfect timing then. Nahihirapan siya dahil sa kapabayaan ko. Kung hindi lang talaga ako pinapunta ni Daddy abroad para sa business namin. Edi sana natulungan ko si Issay. I was late, she already signed the contract. I know that jerk, hindi basta bastang contract ang ginawa niya. He planned everything, he wants revenge at hindi ako papayag na magtagumpay siya. I have my plans too. A loser will always be a loser. I won't let him take Issay away from me. I'm still working on with my plan. Everything goes smoothly but it takes time. Ayaw kong mag pa dalos dalos ng desisyon. "Don't worry Issay, after fulfiling my plan. You'll be freed from that jerk." Hinawi ko ang kaunting hibla ng buhok sa pisnge niya. Lumabas na ako sa kuwarto at hinayaang mag pahinga si Issay doon. Her phone caught my attention. Someone is calling so I pick it up. "Baby Elijah? Seriously?." I said ng mabasa ko kung sino ang tumatawag. I answered the call at bumungad sakin ang boses ni Elijah na tila bad trip ito. "Issay!! Where are you? I waited for too long." Reklamo nito sa kabilang linya. "She'll stay with me Nerd. By the way, baby Elijah? Gross, nagpapatawa ka ba? "I said to pissed him off. "I'm not talking to you Asshole!! Where is she? Give her the phone." Utos nito sakin na ikina irita ko. "Were busy so back off." I said at in-off ang phone. That jerk is pestering me. I'll teach him a lesson soon. Trust me, he'll lose again. The history will repeat itself 'Smirk'. I remember those days way back in high school. FLASHBACK I'm known as Blood in the whole Campus. I was once the leader of the gangsters in School. Everyone respect and admire me. I'm also the top one in all subject Areas. I got many awards in different competitions and fields. Most of my parent's relatives and friends complimented me. Until that nerd which is Elijah Levi transferred in our School. Starting that day, everything changed. He got the rank one and I got the rank two. When my father received this news he then scolded me. He even blame Issay for that. Pinagbawalan niya akong lumapit kay Issay as long as hindi ko naibabalik ang pagiging rank one ko. Issay's mom needs money for a chemo therapy so her father approached dad to borrow some money para kahit papano ay madugtungan ang buhay ni tita Belenda. Dad refused and I was very mad at him dahil sa ginawa niya. If I wasn't grounded at walang body guard na umaaligid sakin edi sana kahit papano ay naka tulong ako at naka abot man lang si Tita Belenda sa birthday ng anak niya bago ito namatay. The day after that, I received the news that Issay's mom died. I blame myself to what happen but I realized that If that nerd didn't transferred, baka hindi nangyari ang mga bagay na ito. Pinalampas ko ang lahat ng iyon until my bestfriend Jacob got into accident because of him. Dahil sa pagiging lampa niya ay nadamay pati kaibigan ko. He was once holding a box na naglalaman ng mga books dahil inutusan siya ng teacher naming dalhin iyon sa library but accidentally habang paakyat ng hagdan si Jacob ay nabunggo niya ito at dahil sa impact ay nahulong ito sa hagdan. Jacob is the team captain of the school's basketball for boys. During that day he was brought to the hospital ang the doctor said that he cant' play basketball anymore. Jacob blamed him on what happen. Starting that day I bullied him with Jacob and my co gansters. Hanggang sa naging top 10 na lang siya. Bumalik ako sa pagiging top one ngunit hindi na maibabalik pa ang dati. He really brought a bad luck in my life. I made his life a living hell every day. That's my way of revenge for Issay's mom and Jacob. He's such a clumsy nerd who deserved to be taught a lesson. END OF FLASHBACK : )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD