“So anong balak natin pagtapos natin magpasa ng ibang requirements sa ibang subject?” Kahit ako ay hindi masagot ang tanong ni Empress. Last day na namin ngayon dito sa University, magpapasa lang kami then vacation na. Malapit na din ang graduation ni Antowi, naeexcite na ako makita siya sa stage. “Hindi ko din alam. Bakasyon na, try natin mag-outing.” Suhestyon ko na agad naman siyang pumayag. “Totoo ba 'yan? Akala ko katulad ka pa din ng dati. Magbabasa nalang buong araw sa kwarto.” Hindi makapaniwalang sabi niya. Natuto na ako makisama sa ibang tao simula nung nawala si Ate, palagi ko nang tinatandaan ang bilin niya. Palagi ko itong inaapply sa sarili. Malaki ang naitulong nito sa pakikipag socialize ko sa ibang tao. I even tried dating different guys, kaya masasabi ko na okay na ak

