“May naisip na po ba kayong pangalan ng pastry shop?” Nag-uusap kami ngayon ni Mom kung anong balak niyang ipangalan sa pastry shop na itatayo namin. Kaya tinatanong ko siya kung may naisip na ba siya. “Sweet Delights kaya?” Tanong sa akin ni Mom. “Mom ang ganda.” Napangiti naman siya sa naging komento ko. Naisipan ni Mom na magtayo ng pastry shop para magamit niya ang skills niya sa pagbake. Gusto ko rin tumulong dahil wala naman na akong pasok. Para may pagkaabalahan ako ngayong summer. Lalo na't wala si Antowi ngayon. Namimiss ko na siya kahit isang linggo palang siyang wala. “Namimiss mo na naman si Antoine?” Pang-aasar ni Mom sa akin kaya nahihiyang tumango ako sa kanya. “Namimiss ka din nun. Nakikita ko sa kanya kung gaano ka kamahal ng batang 'yun.” Napangiti ako sa sinabi ni

