Chapter 68: What happened years ago was still confusing to me. Hindi ko akalaing magbunga ang pinagsamahan namin ni Harris sa maikling panahon na nakasama ko siya. Maski ako hindi ako makapaniwalang na buntis niya ako, at nagbunga kaagad. Maybe it is the way that the destiny wants us back. Pero mukhang sa pagbabalik ko rito wala na akong babalikan para sa ama ng anak ko. Gusto kong gawin ang lahat para makuha siya at makompleto kami ngunit ibang Harris na ang binalikan ko ngayon. Parang ang hirap niyang abutin, pakiramdam ko nasa tuktok siya. "Mom...Did you see, Daddy today?" tanong ng anak ko. Tapos ko na siyang binihisan ng pangtulog niya. Napagpasyahan kong dito muna sa Hotel ni kuya kami mag-stay. Nasa kalooban ko ang takot na baka masagupa namin si Harris sa Hotel na tinutuluyan

