Hindi ko lubos maisip kung paano ko siya haharapin ngayong araw. Sa kabila ng natanggap kong mensahe kagabi buo na ang desisyon ko na makipagkita sa kanya ngayon. Ang sakit isipin na kailangan ko pang pagtiisan ang lahat ng dulot na nangyari noon bago ko pa makuha ang gusto ko. Sana mangyayari ang hinahangad ko. Gusto ko lang siyang makuha ulit, iyon lang. While marching my feet sa mamahaling boutique. Naghanap ako ng magandang susuotin para mamayang gabi na pupuntahan ko si Harris sa office niya. Napag-alaman kong doon lang sa Hotel ng Mzarte Regency ang office niya. Same office pa rin na palagi kong nililinisan noong nagtatrabaho ako sa kanya. Nang may napili akong magandang dress, agad ko itong binili. I rent a car this morning kaya naman nagkaroon ako ng sasakyan papunta sa Hote

