Audrey NANG bumalik kami ni KJ sa aming silid ay tila lalong akong kinabahan. Ngayon ay ang pinakamahabang gabi na magkasama kami. Ayokong isipin na may maaring mangyari sa amin. Ayoko pa, hindi pa ako handa at hindi pa dapat. Pero ako mismo sa sarili ko ay wala ring tiwala lalo na kapag lumalapit sa akin si KJ, may kung anong karisma siya na tila hindi ko matanggihan. Kasalukuyang nasa shower room si KJ habang ako naman ay nakaupo sa kama, nakasandal lang sa headboard at nanonood ng TV. Narinig ko na ang pagbukas ng pintuan ng shower room at lumabas si KJ. Awtomatikong nakatingin siya sa akin. Tila napako naman ang mga mata ko nang makita ko siyang naka-topless at naka-short lang, kitang-kita ang kaniyang matigas at malapandesal na abs. Napalunok ako, akala ko kasi si Liam lang ang may

