Audrey HINDI na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinubukan kong magpaalam kay Liam na uuwi ako sa Bicol para bisitahin sina Itay at mga kapatid ko. Ayon kay KJ ay na-rescheduled naman niya ang pagpunta niya sa Bicol para magkasabay kami. Umayon naman ang pagkakataon dahil nagkataon namang birthday ni Itay kaya nagkaroon ako ng dahilan. “What? Sa makalawa ka na agad uuwi?” tanong ni Liam sa akin na nakakunot ang noo habang nakasandal sa kanyang swivel chair. “Kung papayag ka sana, Sir, birthday kasi ni Itay at gusto ko siyang sorpresahin,” saad kong tila kinokonsensya siya. Lihim kong hinihiling na sana ay pumayag siya. Napabuntong-hininga ito, “Okay, sige, papayagan kita.” “Yes! Talaga, Sir?” bulalas ko na tuwang-tuwa. “Pero pinakamatagal na ang limang araw, okay?” dugtong pa niya. “Sige,

