Audrey NAIWAN ako sa opisina dahil may tinatapos ako. Hindi ko pa makuhang tumayo sa kinauupuan dahil may rush na pinagagawa si Liam sa akin. Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito at nakita ko ang mensahe ni KJ. “Baby, hindi ka pa ba kakain?” “Hindi pa po, kasi may pinapatapos pa sa akin si Liam.” “Okay sige, hintayin mo na lang ako riyan. Ako na lang ang magdadala ng pagkain mo.” “Thank you…” “I love you, baby..” “I love you too..” Iyon lang ay sapat na para mapangiti ako, at kahit anong hirap ng aking trabaho ay kakayanin ko dahil masayang-masaya ako sa relasyon namin ni KJ. Wala akong masasabing kapintasan sa kanya. Punong-puno siya ng pang-unawa at ramdam ko ang labis na pagmamahal niya sa akin. Napaangat ako nang tingin, naulinigan ko kasi na may papalapit na pa

