Audrey HABANG kausap si KJ ng Ninong Jess niya ay naglakad-lakad muna kami ni Cathy sa labas ng mansiyon. Mahilig pala siya sa mga bulaklak sa katunayan ay gusto daw niyang magtayo ng flower shop. Napakagandang pagmasdan ang malawak na hardin na may samut-saring mga bulaklak. Biglang naalala ko tuloy si Inay, mahilig din siya sa mga bulaklak at ang dami rin niyang pananim noon na mga bulaklak sa paligid. Nang matapos naming malibot ang hardin ay nagpasya kaming magpahinga sa may gazebo. “Saan mo pala nakilala ni Kuya KJ?” tanong ni Cathy nang makaupo kami sa gazebo. Palagay ko ay hindi naman siya mataray na kagaya ng pagkakalarawan ni KJ sa kanya. “Actually sa probinsya ko talaga siya unang nakilala. Noong buhay pa ang daddy niya madalas ay bumibisita sila sa Amorsolo Academy. Doon kasi

