Audrey HINDI ko na inilihim kay Ate Cindy na boyfriend ko na si KJ. Sinabi ko rin sa kanya ang ipinagtapat sa akin ni Liam kamakailan lang. Hindi man siya makapaniwala pero naroon pa rin ang hindi niya pagkagusto kay Liam. Sinabihan niya akong huwag masyadong magtitiwala lalo na ngayong nasa iisang kompanya lang kami. At kung sakali nga raw na may gusto pa sa akin si Liam ay hindi ito papayag nang gano’n-gano’n lang. Kaya pinag-iingat niya ako. Sa ngayon ay wala naman siyang maipintas kay KJ na madalas namang ihatid ako pauwi. Araw ng Sabado ngayon at hinihintay ko si KJ dahil isasama raw niya ako sa bahay ng kanyang Ninong Jess. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na mamamasyal kami at ipakikilala niya ako sa pamilya ng kanyang ninong. Nag-alangan ako dahil baka katulad din

