Liam TWO YEARS LATER…. MULA nang mawala si KJ sa kompanya ay napunta sa akin lahat ng mga trabaho niya. Sa kabilang banda ay natuwa ako dahil wala na akong kaagaw sa kompanya, wala na akong kaagaw sa atensiyon ng daddy ko at higit sa lahat wala na akong kaagaw kay Audrey. Kaya lang hindi ko pa rin makuha nang lubos ang loob ni Audrey. Naiinis ako dahil mahal niya talaga si KJ kahit dalawang taon na ang lumipas. Wala na rin kaming balita sa kanya. Nag-migrate na yata ang mga Madrigal sa ibang bansa kasama si KJ. Dati ay hiniling ko na sana ay mawala na sa landas ko si KJ, pero nang mabalitaan ko noon na naaksidente siya ay nakaramdam din ako ng pag-aalala sa kanya at awa lalo na nang makita ko ang kalagayan niya sa hospital na halos wala ng buhay. Sa kabilang banda nakaramdam ako ng ing

