KJ “Tito Rafael, kailangan na po ba talagang pirmahan ko ang mga iyan ngayon?” tanong ko. “Oo sana, hijo, hindi kasi uusad ang project kapag hindi mo napirmahan ang mga ito.” “Pero, Tito, wala akong maalala sa mga papeles na ‘yan. Hindi ba puwedeng ipagpaliban ko na lang muna? Isa pa, magtataka sila na pinirmahan ko ‘yan kahit wala ako maalala, ‘di ba po?” sabi ko. Umiling si Tito Rafael, “Actually hindi nila alam na nawala ang alaala mo, KJ, full security tayo mula nang lumabas tayo sa hospital, maliban kay—” “Kanino, Tito?” tanong ko. “Ah, wala, naalala ko lang ‘yong sekretarya ni Liam. Teka lang, may kakausapin lang akong tao.” Saglit na umalis si Tito Rafael sa presensiya ko at may tinawagan ito sa cellphone. Napapahawak ako sa aking ulo dahil wala talaga akong maalala kahit ano

