bc

My Obsessed Husband Vampire: Dyrroth Hales

book_age18+
322
FOLLOW
1.2K
READ
dark
possessive
fated
curse
mate
manipulative
evil
vampire
supernatural
vampire's pet
like
intro-logo
Blurb

(R18+) Reader discretion is advised.

Crazy, unpredictable, mischievous, dangerously sexy, and extremely deadly. Dyrroth Hales is a possessive and obsessed two-faced billionaire vampire. But in front of his childhood friend, Ruthie, he is the most caring, kind, and understanding best friend. In short, he is a wolf in sheep's clothing. He will make sure that he has Ruthie all for himself. And nobody, no living or non-living thing, can interfere in their special and little world... or they will meet a gruesome end...

There is just one problem, Ruthie is not as simple as people thought her to be. She may be kind and naive sometimes, but she has a dark secret and a bloody past that even the smitten Dyrroth Hales will never dare unlock.

chap-preview
Free preview
1
1 Argh! Ang iniiit! Ruthie is screaming internally as she walk under the scorching heat of the sun while carrying bags of groceries. Tirik na tirik ang araw sa tanghaling tapat pero heto siya at naglalakad sa tabi ng maalikabok na kalsada na walang payong. Nakalimutan niyang dalhin sa sobrang kakamadali niya na umalis papuntang palengke. Tanghali na kasi nang magising siya. Ilang araw na siyang puyat kakabasa ng mga nobela na rinegalo sa kaniya ng ina para sa ika-labing-walong kaarawan niya noong isang buwan. "Ugh... Gusto kong makiligo sa pool nila Dyrroth. Gising na kaya s'ya? Sobrang init talaga..." patuloy niyang daing habang papalapit sa mataas na gate ng malapalasyong tahanan ng amo niya. She worries that her flawless light brown skin will turn to charcoals before she can reach her destination. "Ang dami niyang bitbit mo, Ruth. Halika tulungan na kita," alok ni Ernesto na tatlumpu't taon nang guwardya ng mansyon. "Huwag na po, Mang Ernesto. Kaya ko na 'to." Ruthie politely declined the old man. Her rosy pink lips formed a sweet curve that can brighten the mood of anyone who will see it. “Pabukas na lang po ng gate." Ernesto smiled widely. "O s'ya pumasok ka na. Kanina ka pa yata hinihintay ng mama mo." Bahagya niyang iniyuko ang ulo. "Salamat po!" The old man opened the gate quickly and let her in. Nagmadali na siyang pumasok sa ilang libong piye kuwadradong mansyon na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Argon Hales. Matagal nang nagtatrabaho ang ina niya rito na si Kiara Bernaldez bilang katulong bago pa siya ipinanganak. Dito na siya namulat at lumaki. "Hay naku, Ruthie! Dali! Bakit ang tagal mo?!" Mabilis na hinablot ng kaniyang ina ang mga pinamalengke niya at natatarantang tumakbo sa kusina. Nakasimangot siyang bumuntot dito at tinulungan itong iligpit ang mga pinamili niya. "Ang init-init kaya tapos walang masakyan. Tanghaling tapat na kasi," nakanguso niyang saad. "E bakit kaya inabot ng tanghali, sa tingin mo? Sabi ko kasi sa'yo sa hapon mo basahin iyong mga libro na 'yon para hindi ka napupuyat sa gabi. Tapos magrereklamo ka diyan na mainit e ikaw itong tanghali na kung gumising." “Sorry na nga e..." malamya niyang sagot. “Alam mo naman kung para kanino 'tong pinabili ko, 'diba?" "Alam ko..." She pouted. “Para kay Dyrroth." "Iyon naman pala e! Alam mo tapos hindi ka pa gumising ng maaga. Paano kung mapagalitan tayo? Edi may nakita na namang butas sa'yo si Rosa." Napasimangot siya sa pagbanggit ng ina sa pangalang Rosa. Lahat ng katulong dito mabait sa kaniya, maliban sa babaeng iyon. Mas matanda pa ang nanay niya rito at di hamak na mas matagal nang nagtatrabaho sa pamilya Hales, pero napaka-asim nang pakikitungo nito sa kaniya. Lagi siya nitong tsinitsismis sa ibang katulong. Sipsip daw siya sa mga amo kasi lagi silang magkasama ni Dyrroth, ang nag-iisang anak ni Argon Hales. She snorted. "Bakit naman kasi gano'n iyong si Aling Rosa sa'kin? Akala mo amo kung umasta. Katulong lang din naman s'ya." "Hayaan mo na iyong babae na 'yon!" sabi ni Kiara habang hinuhugasan ang mga pinamili niyang gulay. "Ang mahalaga hindi tayo madawit sa kahit anong gulo rito." Suminghal siya. "Inggit lang s'ya kasi close kami ni Dy." Pinatay ni Kiara ang gripo sa lababo at nakapamewang na humarap sa kaniya. Naniningkit ang mga mata nito at nakita na naman niya iyong mga linya nito sa noo. "Iyan ka na naman! Kahit na close pa kayo ilugar mo pa rin ang sarili mo!" pagalit nito sa kaniya tapos ay naglakad papuntang lamesa para linisin naman ang karne ng baboy. "Kahit magkaibigan kayo, katulong ka pa rin at amo s'ya. Dapat nga hindi ka nakikipag-kaibigan sa amo mo. Lalo na kay Sir Dyrroth. Kaso ang tigas-tigas ng ulo mo!" Sinimangutan lang niya ang sinabi nito. Hindi ito ang unang beses na sinabihan siya nito na lumayo kay Dyrroth kaya sanay na siyang mapagalitan dahil dito. Sa hindi malamang kadahilanan, ayaw ng mama niya na mapalapit siya sa binata. Naaalala pa niya noong unang beses na lumabas siya para maglaro sa hardin ng mansyon, doon niya ito unang nakita at nakilala. Halos mapilas ng kaniyang ina ang tenga niya noong nalaman nitong nakipaglaro siya sa nag-iisang anak na lalaki ni Sir Argon. Pero dahil wala namang ibang bata rito para makalaro niya, sinuway niya ang ina at patuloy na nakipaglaro kay Dyrroth hanggang sa ang nanay na lang niya ang sumuko sa katigasan ng ulo niya. Ang hirap kayang maglaro mag-isa! dahilan ni Ruthie noong bata pa siya. Wala sa ugali niya ang maging mapag-isa. Gusto niya napapalibutan siya ng mga tao dahil mas masaya iyon para sa kaniya. Wala rin naman siyang masyadong pagpipilian sa napakalawak na mansyong ito. Si Dyrroth lang ang kasing-edad niya rito kaya mas nakakasundo niya ito kaysa sa mga matatandang katulong. At pareho pa silang labing-walong taong gulang pa lang. Ngunit ang mas nakapagtataka, pati iyong ibang mga katulong at trabahador dito ay iwas na iwas kay Dyrroth. Kapag nagtatanong siya ang laging sagot sa kaniya ay dahil iyon daw ang utos ni Sir Argon, na huwag makipaglapit sa kaniyang anak na lalaki. Dahil doon lagi siyang nakikipaglaro kay Dyrroth kasi naaawa siya rito. She could not imagine being alone in a huge mansion. She does not care what Sir Argon says, she will play with Dyrroth whenever she wants. She has never met the man anyway. The master of the mansion, Argon Hales, has not returned home for more than two decades. So she is not afraid to disobey him. Ibinaling na ni Kiera ang buong atensyon sa paghahanda ng pagkain. May propesyonal na chef ang mga Hales sa kusina pero mas gusto ni Dyrroth ang luto ng kaniyang ina kaya sila lagi ang naghahanda. "Tawagin mo na lang ako kapag luto na. Ako na maghahatid sa kwarto n'ya," aniya matapos na mailigpit ang lahat ng pinamili. "Sige, maghintay ka muna riyan sa sulok," sagot nito na abala sa paghiwa ng karne ng baboy. Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay, luto na ang dinuguan. Inihanda na niya iyon at inilagay sa tray na bibitbitin niya hanggang ikatlong palapag ng dambuhalang mansyon. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa kwarto ni Dyrroth nang kusang bumukas ang pintuan nito at sumilip ang gwapo niyang amo. Kahit kailan hindi pa siya kumatok sa pinto ng kwarto nito. Lagi itong nakabukas para sa kaniya, tila palaging nakaabang sa pagdating niya. Alam nito kapag malapit na siya at sinasalubong siya nito. "Goodmorning, Dy! Kagigising mo lang?" nakangiti niyang bati. "Hey, Ruthie! Morning!" His eyes are smiling with his lips. Medyo taas-taas at magulo pa ang itim nitong buhok. "Hindi pa ako natutulog e." Bumaba ang mga mata niya sa hubad nitong itaas. Pasimple siyang napalunok dahil tanging asul na shorts lang ang suot nito. Kahit ilang beses na niyang nakita ang mga naghihimutok na abs ng binata ay hindi pa rin niya maiwasan na mamangha. Ilang oras kaya sa isang araw 'to mag exercise? she asked in her mind. Laging ganito ang itsura nito kapag pumupunta siya rito. Minsan pa nga ay naka-boxer shorts lang. Kung malisosya lang siyang tao iisipin niyang inaakit siya nito. Higit sa lahat, hindi ba nito alam na sobrang bakat iyong alaga nitong dinosaur sa ibaba? Nanunuyo ang lalamunan niya rito. Bumalik ang tingin niya sa mala-adonis nitong mukha. Napakaganda ng kutis nito at matangos ang ilong. Lalaking-lalaki ang hugis ng baba at panga nito na bumagay sa malalim nitong mga mata. She cleared her throat before speaking. "Na naman? Bakit hindi ka na naman natulog?" "Kailan ba ako natulog sa gabi?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Bahala ka. Hindi 'yan maganda sa kalusugan." "I'm fine. Tulog naman ako sa umaga. Come in." Kinuha nito ang tray na hawak niya tapos ay pumasok na sila sa loob ng kwarto. Sinarado nito ang pinto at siya naman ay komportableng umupo sa malaki at malambot nitong kama. Ipinatong ng binata ang tray sa bilog na lamesa ilang hakbang lang ang layo sa kama tapos ay umupo para kumain. “Have you eaten?" tanong nito. “Mamaya na. Sabay kami ni mama." Tinanguan lang siya nito tapos ay tumitig siya sa kisame. Maya-maya ay linibot niya ng tingin ang buong kwarto. It still amazes her how huge Dyrroth's room is. May sariling banyo, sala, at kainan. Hindi na siya nagtataka kung bakit hindi ito palalabas ng kwarto. Nandito na lahat ng kailangan nito. Dumekwatro siya at kumuyakoy habang nakatukod ang dalawang kamay sa kama, pinapanood na kumain ang binata. "Masarap ba?" biglang tanong niya. He smiled at her. "Sobra. The best talaga ang diniguan ng mama mo. Tell her I said thank you." "Ba't ka nagpapasalamat e sa'yo namang pera ang pinambili d'yan? Saka ginagawa lang namin ang trabaho namin." "Edi salamat na lang kasi sinasamahan mo akong kumain." Ngumisi siya. "Syempre! What are friends for? Kahit ako ayaw kong kumakain mag-isa." Tatlong segundo itong natulala sa sinabi niya. Nakangiti ito pero may hindi maitagong lungkot sa mga mata. "Right... friends..." he mumbled. "May mali ba sa sinabi ko?" Pilit itong ngumiti sa kaniya. "Wala. Nevermind." Ang moody talaga nitong si Dy minsan, she thought. "You seem prettier and brighter than usual," pag-i-iba nito ng usapan. “May nangyari bang maganda?" Nasorpresa siya sa sinabi nito na sinabayan ng pamumula ng kaniyang pisngi. Lumabi siya tapos ay bumungisngis na parang kinikilig. "Obvious ba masyado?" aniya tapos ay sinapo ang mukha. "Nagmake-up ako ngayon. Medyo nabura na nga e. Pinawisan kasi ako sobra kanina paglabas ko." "Wow," he smirked while he scanned her face. “Oo nga no. Bagay sa'yo." “Thanks, Dy." “What happened to you? Bakit bigla ka yatang nagdalaga?" "Well," she cleared her throat. “Inaya lang naman ako ng dati kong kaklase na pumunta sa perya mamaya," taas noo niyang sabi na parang batang nagyayabang. Ang tagal na rin noong huling may naglakas loob na makipagkaibigan sa kaniya. Tanging si Dyrroth lang kasi ang kaibigan niya simula noon. May mga kaibigan naman siya dati kaso wala na sila. Kung hindi namatay, nabalitaan namang nawawala at hanggang ngayon hindi pa rin nakikita. Simula noon, ipinanganak ang tsismis na may sumpa siya. Lahat ng mapapalapit sa kaniya ay mamamatay o di kaya ay may mangyayaring masama. Hindi siya naniniwala sa mga sumpa at kababalaghan pero sobrang naapektuhan noon ang buhay niya. Sobrang lumiit ang mundo niya na halos umikot na lang sa mansyong ito. Dahil doon, si Dyrroth na lang ang nag-iisang kaibigan niya. "You have a friend at school? I thought they hated you. Kaya nga hindi ka umattend ng graduation, 'diba?" anito habang abala sa pagsubo ng dinuguan na paborito nito. Nagkibit-balikat siya. "Akala ko nga rin e. Ewan ko sa kan'ya. Siguro hindi n'ya alam yung mga tsismis tungkol sa'kin." "Baka pina-prank ka lang." "Imposible! Hindi naman ganun ang ugali ni Carlos." Natigilan ito sa pagsubo. Tuluyang nawala ang ngiti nito at madilim ang mukhang tumingin sa kaniya. "Carlos? You're meeting with a guy?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook