14

1684 Words
Tuluyan nang nanigas si Ruthie sa pagkakaupo niya sa sahig dahil sa matatalas na tingin ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Nanginginig ang buong katawan niyang pinoproseso ang mga sinabi ng ina ni Carlos sa kaniya. Su-sunugin ng buhay... ako? Pe-pero wala akong kasalanan! Bakit ako? Gusto niyang ipagtanggol ang sarili at sumigaw na wala siyang kasalanan, na isa siyang normal na tao katulad nila, ngunit pinangunahan siya ng takot. Kung nakamamatay lang ang titig, kanina pa siya pira-piraso sa talas ng tingin sa kaniya ng mga tao. She can hear the people's horrible whispers and chatters about her, their approval of her torture, disdain, hate, and disgust for her entire existence. She can sense their murderous intent that it raises all the hairs on her skin. Her entire body shuddered in fear, and she felt like vomiting. Suddenly, Dyrroth's face popped up in her mind. She bit her lips and shut her eyes. Tu-tulong! Tulong! Sigaw niya sa isipan. “Ma!" Napalingon ang lahat sa lalaking kararating lang. Pumagitna ito sa kanila ng ina ni Carlos. “Ma, ano to?" anang lalaki na pinabalik-balik ang tingin sa kaniya at sa matanda. “Huwag kang makisali rito, Leonardo!" “Anong h'wag? E narinig kita nagbabanta kang pumatay ng tao!" “Hindi siya isang tao! Siya ang pumatay sa bunso mong kapatid! Isa siyang aswang!" Kapatid? Tinignan ni Ruthie ang mukha ng lalaking matangkad na nakatayo sa harap niya. Bahagya siyang nagulat nang matitigan itong mabuti. The man looks like Carlos, but older. Bumuntong-hininga ang lalaki at inalok ang kamay sa kaniya. Hindi siya nagdalawang isip na abutin ang kamay nito na inalalayan siyang makatayo. Ang mga mata niya ay nakapako sa mukha nito. “Hoy, Leo! Anong ginagawa mo?!" sigaw ng ina nito. “Hindi kita hahayaan na gumawa ng krimen," walang emosyon nitong sabi. Tumingin ang binata sa dalawang lalaki na umaawat kanina sa matanda at sumenyas sa mga ito gamit ang ulo. “Ipasok n'yo na si mama sa loob," utos nito na sinunod naman kaagad ng dalawang lalaki. Nagpupumiglas pa noong una ang nanay ni Carlos ngunit sumunod na rin bandang huli. Pero bago ito makapasok ng bahay ay tumingin muna ito sa kaniya na puno ng pagkasuklam at galit. Pagkatapos ay humarap ang kuya ni Carlos sa mga taong nagtipon para manuod sa gulo kanina. “Umuwi na kayo!" sigaw nito. Nagsipulasan na ang mga tao hanggang sa silang dalawa na lang natira. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag. "Pagpasensyahan mo na 'yung mama ko," sabi nito na pumamewang at humarap sa kaniya. “A-ayos lang... Naiintindihan ko yung pinagdadaanan ng nanay n'yo." “Talagang sobrang mabigat kasi yung nangyari kay Carlos kaya nasabi n'ya 'yon. Huwag kang mag-alala kakausapin ko s'ya mamaya. Hindi ka sasaktan ng pamilya ko." Mabagal siyang tumango at saka yumuko. “Sa-salamat..." “Ikaw si Ruthie?" “Oo..." She clasps her hands. “Sorry talaga sa nangyari. Wala naman akong intensyon na manggulo rito... Gusto ko lang makiramay at magpaalam kay Carlos bago s'ya ilibing sa Linggo." “Alam ko." Tumuro ito sa kabaong ng kapatid. “Bilisan mo lang tapos ihahatid na kita sa inyo." Tipid siyang tumango saka naglakad palapit sa mga labi ni Carlos. Nakasarado ang kabaong dahil sa kalunus-lunos na sinapit ng katawan ng binata, pero mayroon namang malaking litrato nito na naka-frame at nakasabit sa pader. Ruthie stared at it for a couple of minutes while tears fell down her cheeks. Ang isipan niya ay puno ng paghingi ng tawad at panalangin na sana ay matahimik ang kaluluwa ni Carlos. Alam niyang wala siyang kinalaman sa pagkamatay nito, pero baka may punto nga ang ina nito. Paano kung totoong may sumpa siya? Tapos ang halimaw na nakita niya ay iyong demonyo na nakadikit sa kaniya katulad ng sinasabi ng mga tao. Wala siyang maisip na ibang eksplanasyon sa mga kababalaghan na nangyayari sa paligid niya simula pagkabata niya kung hindi iyon lang. “Excuse me..." putol ni Leo sa malalim niyang iniisip. “Sa tingin ko dapat ka nang umuwi. Dumadami na ulit yung tao at hindi maganda ang tingin nila sa'yo." Liningon ni Ruthie ang paligid. People are glaring at her. She clenched her trembling fists and looked at Leo. “U-uwi na ako..." “Tara, ihahatid na kita sa inyo. Doon ka sa malaking mansyon sa gubat nakatira, 'diba?" Tumangu-tango siya tapos ay naglakad na sila papunta sa sasakyan nito. Naalala ni Ruthie na nabanggit ni Carlos na may kuya itong pulis na dalawampu't tatlong taong gulang pa lang. Pero hindi nito nasabi na para silang pinagbiyak na bunga ng niyog. Habang minamaneho nito ang sasakyan ay panay ang sulyap niya rito. “May gusto ka bang sabihin?" anitong nahalata ang kanina pa niyang pagnakaw ng tingin. Lumunok siya bago nagsalita. “A-ahm, nagtataka lang ako kung bakit mo ako pinagtanggol... Hindi ka ba... galit sakin?" Nagdugtong ang kilay nito. “Bakit, ikaw ba ang pumatay kay Carlos?" Marahas niyang iniling ang ulo. “Hindi! Wala akong kinalaman!" mabilis niyang sagot. “Kung ganoon wala akong dahilan para magalit sa'yo. Isa pa, pulis ako, kaya hindi ko hahayaan na may mangyaring krimen sa harapan ko." Tumingin ito sa kaniya ng ilang segundo tapos ay tumingin ulit sa kalsada. “Mapamahiin ang mga tao rito. Pero hindi ibig sabihin totoo na lahat 'yon. Hindi ako naniniwala sa aswang o mga multo. Mas dapat katakutan ang mga buhay na kayang pumatay ng tao." Tipid siyang ngumiti. “Pareho kayong mag-isip ni Carlos..." Ngumisi ito. “Idol ako ng batang 'yon e." “Mukha nga. Medyo nabanggit ka n'ya sa'kin. Ang sabi n'ya, gusto rin niyang maging pulis katulad mo." Matamis itong ngumiti at saglit siyang liningon. “Nakwento ka rin ni Carlos sa akin." Bahagyang lumaki ang mata niya rito. “Ta-talaga? Nakwento ako ni Carlos sa'yo?" “Oo, maraming beses nga e." “Ano namang sabi niya tungkol sa'kin?" “Na tahimik ka, loner, pero... sobrang ganda." Tumingin ulit ito sa kaniya. “Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling." Namula ang mga pisngi ni Ruthie. “Si-sinabi ni Carlos 'yon?" “Matagal ka na crush ng kapatid ko. Second year pa lang kayo gusto ka na niyang ligawan kaso ang ilap mo raw. Saka medyo torpe rin kasi 'yon at mahiyain. Medyo nadagdagan lang ng lakas ng loob noong grumaduate na kayo ng highschool. Natakot siguro na maunahan." Pakiramdam niya ay pinipilipit ang puso niya sa pinagtapat ni Leo. “Hin... Hindi ko 'yon alam..." matamlay niyang saad. Malungkot ang mga mata niyang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Ilang minutong namayani ang katahimikan bago siyang nagsalitang muli. “Ang hirap tanggapin yung nangyari sa kaniya. Parang kahapon lang noong masaya kaming namamasyal sa perya..." nanlulumo niyang saad. “Kung sino man ang gumawa noon kay Carlos... Sana mahuli na s'ya..." “H'wag kang mag-alala. Hindi ako uupo lang sa tabi hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang kapatid ko,"sagot ni Leo. “Kaya kung sino man ang gumawa noon... sisiguraduhin kong pagsisisihan n'ya ang pagpatay sa kapatid ko. Tapat akong pulis, pero, hindi ako magdadalawang-isip na ilagay ang batas sa kamay ko. Hindi niya binigyan ng kahit kaunting awa si Carlos, kaya hindi rin ako magpapakita ng awa sa kaniya. Hindi ako titigil kahit abutin pa ako ng sampung taon... Mahahanap at mahahanap ko rin s'ya..." Awang ang labi ni Ruthie na muling napatingin sa mukha ni Leo. He has a calm expression, but behind his dark brown eyes is a raging storm. It scared Ruthie for some reason. Nakarating na sila sa mansyon ng mga Hales. Pinarada nito ang sasakyan ilang hakbang ang layo mula sa gate at pinagbuksan siya ng pinto. Bumaba siya at nakangiting humarap sa binata. “Salamat ulit sa ginawa mo kanina na pagtatanggol sa akin, saka sa paghatid dito. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating," aniya. “Walang anuman. Ginawa ko lang kung ano ang sa tingin kong tama." “Salamat ulit. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Nginitian din siya nito tapos ay sumakay na sa sasakyan. Hinintay niya itong makaalis at mawala sa paningin niya bago siya pumasok sa mansyon. Dumaan siya sa silid ng kaniyang ina para tignan kung gising pa ito. Nang masilip na natutulog na ito ay dumiretso na siya sa kwarto niya. Saglit siyang naglinis ng katawan sa banyo at nagbihis ng sando at maiksing short. Tapos ay inihagis niya ang sarili sa kama at saka malakas na bumuga ng hangin. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kanina. Hanggang ngayon ay kinikilabutan siya. Yinakap niya ang unan at ibinaon ang mukha habang inaalala ang mga sinabi ng ina ni Carlos at ang mga mata nitong nanlilisik sa kaniya. Kinagat niya ang labi at nag-umpisa na naman siyang umiyak. Those people at the funeral actually considered killing her. If Leo had not appeared, she was not sure she would be home tonight. Baka may nangyari nang hindi maganda sa kaniya. “How infuriating..." Mabilis na napabangon si Ruthie sa pagkakahiga nang may pamilyar na boses siyang narinig mula sa madilim na sulok ng kwarto niya. Nakaupo siya sa kama niya at nangangatog ang mga kamay na mahigpit na yinakap ang unan habang nakatitig sa dilim. For a moment, she thought she saw glowing red eyes staring at her from the dark. “Really... It's really Infuriating..." ulit ng boses na nagpatayo sa lahat ng balahibo niya sa katawan. “D-dy...?" Ilang saglit lang ay may narinig siyang ilang hakbang papalapit sa kaniya hanggang sa tumigil ito sa parte ng kwarto niyang may kaunting liwanag mula sa buwan na dumadaan sa maliit na bintana. “Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" matapang niyang tanong dito. “Akala ko ba hindi mo na ipapakita yung muk—" Natigilan si Ruthie nang sa isang kisap ng mata ay nakahiga na siyang muli at nakaibabaw ito sa kaniya. “A-anong—" “Ruthie... That's a very, very foul thing to do. Kailan ka ba makukuntento sa'kin?" anitong walang kasing dilim ang mukha sa kaniya. “As if Carlos wasn't enough. How dare you bring another man to our home?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD