“Hija, are you sure that you're alright?” Nag-aalalang tanong sa akin ng Mommy ni Stephanie habang hinahaplos ang pisngi ko. Ang ganda niya talaga. Parang ayoko nang kumurap nang sa ganoon ay matitigan ko ng maayos ang kagandahan nito. Tumango lang ako sa kanya. Alang alang kay Aling Kora, kailangan kong magpanggap bilang si Stephanie. “Okay lang ako, Nay.” Nakangiti kong sagot. Kumunot ang kanyang noo. Mabilis nitong tinanggal ang kamay na nakahaplos sa aking mukha. “What did you called me? Nay?” Lumunok ako ng dalawang beses. Ano ba ang dapat kong itawag sa kanya? Mag-isip ka, Jerlyn! “Mommy? Mama?” sunod-sunod na tanong ko. “Stephanie, you can come with us. If you don't want to sleep here, our home is always opened for you.” Sabat naman ng matandang lalaki na siyang Ama ni Stepha

