Pinag-iiisipan ko ang mga nangyari sa akin, tama ba talaga ang desisyon ko sa buhay? Paano kung ma-addict si Collin sa katawan ko at totohanin n’ya ang kanyang sinabi na araw-arawin n’ya ako hanggang sa hindi na ako makalakad ng tuluyan? Napaigtad ako sa biglaang pagtunog ng aking telepono mula sa loob drawer. Pero mas lalo pang nadagdagan ang aking kaba nang makita kung sino ang tumatawag, walang iba kundi si Stephanie. Naitapon ko ang aking phone at nabasag iyon sa sahig. Sakto naman na lumabas si Collin mula sa banyo at nakatapis lang ng tuwalya. Kumunot ang kanyang noo ng makitang basag ang aking cellphone. "Why did you throw it? May problema ba?!" Lumapit siya sa akin para maupo sa aking tabi pero umusog ako palayo sa kanya sabay iwas ng tingin. Hindi ko siya kayang pagmasdan na g

