“Thank you nga pala Ton, sa pagpasyal mo sa akin dito sa Luneta Park. Alam na alam mo talagang bigo ako ngayon.” malungkot kong sabi kay Ton at huminga ako ng malalim. Kahit papaano ay malaki talaga ang naitulong niya para mapasaya ko ang sarili ko. Nang umalis si Collin sa bahay para puntahan ang Tracy na iyon ay kaagad ko rin tinawagan si Ton at ako pa ang nagyaya sa kanya na ipasyal niya ako para makalimot kasi kung pipiliin ko na manatili sa mansyon magiging malungkot lang ako doon sa sobrang pag-ooverthink. Hinawakan ni Ton ang kamay ko at pinisil ang aking palad sabay ngiti sa akin. “Basta para sa'yo, Jerlyn, kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako promise I'll be there as soon as possible.” Aniya. Ngumiti ako kay Ton bilang pasasalamat. Nakatitig siya ng seryoso ngayon sa mukha

