PART 2

1887 Words
CHAPTER 2. Napaunat ako ng aking katawan ng maramdaman ang malambot na higaan mula sa aking likuran. Napangiti ako, sa wakas nakabili na rin ng malambot na kama si Aling Kora. Kinapa ko ang aking suot na necklace pero kaagad rin akong napabalikwas nang mahipo ko ang sariling dibdib. Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa boobs ko. Bakit wala na akong damit? Sino ang naghubad sa akin? Itinaas ko ang comforter na nakatakip sa aking katawan. "s**t!” inis na mura ko. Kahit anong saplot sa katawan ay walang natira. “Aling Kora-“ Napatakip ako sa sariling bibig nang pinaikot ko ng aking nga mata sa buong silid. I am not familiar with this kind of room. Nasaan ako? Hinampas ko ang aking sariling ulo nang dalawang beses at pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. May dalawang lalaking lumapit sa akin at tinawag akong… “Mrs. Steward, gising na pala kayo. Naghihintay na po ang asawa ninyo sa baba!” ani ng isang babaeng naka unipormi. Mukhang katulong siya sa bahay na ito. Magalang at mabait higit sa lahat simula nang pumasok siya dito sa loob ng kwarto hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. “Ano nga ulit ang tawag mo sa akin?!” Pagklaro ko sa kanya. “Mrs. Steward ho, teka ano po ba ang nangyari sa inyo Ma’am Steph? Di’ba kayo ang nagsabi sa amin na Mrs. Steward ang itawag namin sa inyo? Nagka amnesia ba kayo?” kunot noong tanong ng matanda. “A-Ano? S-sino ako?” Tila hindi ko makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Ito na ba ang sinasabi sa science na sa buong mundo, mayroong kang mahigit pitong tao na kamukha? At maaring ang naging kamukha ko ay ang sinasabi nilang si Mrs. Steward si Steph? Napakamot ako sa sariling batok. Bakit ba ako naguguluhan? “Sige na po Mrs. Steward, kailangan ko na pong bumalik sa kusina.” Mabilis na tumalikod amg matanda sa akin. Nang papalabas na siya sa pintuan ay kaagad ko rin si myang tinawag. “Ate, nasaan po ang mga damit ko?” tanong ko pa. Kinakabahan ako sa possibleng nangyari kagabi. Huwag naman sanang may gumalaw sa akin na lalaki dahil malaking kahihiyan ang maabot ko kaag mabuntis ako bilang isang tomboy. “Mrs. Steward, nandiyan po sa cabinet na 'yan ang mga damit ninyo. Sariling kwarto po ninyo ito, kayo ni Mr. Steward ang palaging magkasama dito. Impossible naman na pati ang mga damit mo hindi mo alam kung nasaan?!” halatang naguguluhan na ang matanda dahil sa mga kilos ko pero totoo naman talaga na hindi ko siya kilala. Hindi ko rin nakita kung ano ang itsura ng Mr. Steward na iyon. Pisting buhay 'to, malas na nga ako sa pag-ibig napagkamalan pa akong may asawa? Obvious naman sa pananamit, kilos at pananalita ko na hindi ako ang babaeng hinahanap nila. Marami pa sana akong katanungan sa babaeng iyon pero nagmamadali na siyang lumabas sa loob ng kwarto. Nilapitan ko ang cabinet na sinasabi niya. Puno iyon ng mga damit pero wala akong matipuhan. Masyadong revealing na kulang nalang lalabas na ang buong kaluluwa ko kapag nagsuot ako ng isa rito. Sinubukan ko pang maghanap ng ibng damit, kagaya ng t-shirt na simple lang. Nang makita ko ang kulay brown na t-shirt ay kaagad kong isinuot iyon. Panghuli na ang bra. Wala na rin akong panahon na maligo dahil nagmamadali akong makaalis sa lugar na ito. Pagkatapos kong magbihis, dali-dali akong lumabas sa kwarto. Sandali akong natigilan kung gaano kagara ang bahay. Mukhang mayaman ang mag-asawang may-ari nito. Nagpalinga linga ako sa paligid. Wala ni kahit isang bakas ng tao kaya kaagad na akong humakbang sa hagdan pababa. “How’s your sleep?” Tumindig ang mga balahibo ko nang marinig ang boses na iyon. Tumingin alo sa bandang gilid at nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa mesa kaharap ang maraming pagkain. Napataas ang aking mga kilay nang masilayan ang kagwapohan ng binata pero wala akong nararamdaman. Kung tunay lang akong babae baka kanina ko pa siya nilapa pero hindi. Lumapit ako sa kanya para iinform siya na hindi ako si Mrs. Steward. “Bakit ako nandito?” tanong ko pa sa kanya. Umangat naman ng tingin sa akin ang binata. "This is your home Steph,” aniya. Ayan na naman siya sa kakatawag niya sa akin na Steph. “Jerlyn ang pangalan ko hindi Steph at hindi rin kita kilala kaya kailangan ko ng umalis-“ Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin. Dumikit ang tungki ng ilong niya sa aking ilong. Medyo nakakatense, nakaka nerbyos at nakakakaba na iwan. Halo-halo ang emosyon na naramdaman ko dahil sa kanya. “Hindi kapa ba napapagod na magsinungaling, Steph?! Naisipan mo pa talagang lumayas dito sa bahay para lang magpakasaya? Look at yourself, halos hindi na kita makilala!”aniya habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nakipag eye to eye contact ako sa kanya. He has a blue tantalizing eyes. Mapupula rin ang kanyang bibig at wala ni kahit isang tigyawat. Ang kinis ng mukha n'ya, he may be tha Mr. Steward. He scratch his teeth at dinig na dinig ko ang tunog na iyon. Mas lalong lumakas ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi ako si Steph at ako si Jerlyn. "You've tried to change your style and lookes para lang magpakasarap sa lalaki mo?!" galit na usal pa nito sa akin. Lalaki? Wala akong naalala na may lalaki ako. Babae siguro meron. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata kaya hindi ko magawang sumagot dahil baka mamaya maging punching bag ang mukha ko. Bigla niya akong hinawakan sa braso at kinaladkad paupo sa harap ng lamesa. "Join me, we need to eat our breakfast. Kailangan na rin nating humarap sa media para malaman ng mga tao na nahanap na kita!" "Ano?!" gulat na sagot ko naman. Isang masamang titig ang pinakawalan niya sa akin. Mas lalo lang siyang nagagalit kapag may naisagot akong mali sa pandinig niya. Alangan naman na ano ang sasabihin ko dahil hindi ko naman talaga siya kilala? Inubos n'ya ang lahat ng pagkain na nasa plato niya habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya at hindi alam ang gagawin. Kung iisipin, napaka swerte ko kung magpapanggap ako bilang Steph, pero ayaw ko ng ganoon. Hindi ako gahaman at isa pa, nandidiri ako sa kanya dahil para sa akin pareho lang kaming lalaki. "Hindi kapa ba kakain? Gusto mong subuan pa kita?" Nakaangat ang kanyang ulo habang galit na nakatitig sa akin. "S-Sino kaba? Hindi ako 'yung Steph na hinahanap mo, ah. Uulitin ko sa'yo ako si Jerlyn. Hindi ako ang asawa mo dahil tombot ako!" Mariin kong sabi sa kanya. Napangisi siya sa akin habang umiiling. Hindi siya nakukumbinsi sa mga sinabi ko at wala aking ideya kung paano papatunayan sa kanya na hindi n'ya ako asawa. "Siguro magkamukha lang kami ng asawa mo pero maniwala ka sa akin, hindi talaga ako si Mrs. Steward!" dagdag ko pa. Malakas n'yang hinampas ang mesa kaya napaigtad ako. "Hindi na nga ikaw si Steph sa pananalita at mga kilos mo pero alam ko na ikaw talaga iyan. Binago mo ang sarili mo para lang hindi kita makilala. Then, how unlucky you are dahil kahit anong pagpapanggap mo you didn't be success." Paano ba ako makakaalis sa lugar na 'to? Pinaikot ko ang aking nga mata at mayroong limang kalalakihan na nakatayo habang nakabantay sa amin. Namumukhaan ko pa ang dalawa, sila 'yung bumuhat sa akin kagabi. Hindi ako maaring manatili dito lalo na't kailangan pa naming mag-usap ni Rosie. We need to fix our relationship at siya ang mas importante sa akin ngayon. Tumayo ako mula sa upuan at humanap ng tyempo para makatakbo palabas ng mansyon na ito. Sakto naman na umalis ang isang bantay sa pintuan at kumuha ng tubig. Hindi ko sinayang ang pagkakataon. Mabilis akong tumakbo at nalusutan ang isa. "Catch her!" sigaw ng lalaking si Mr. Steward. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng gate. I am not belong to this kind of place. Hindi ako 'yung Steph na hinahanap nila. Panay ang lingon ko nang sasakyan na ang humabol sa akin. Mabilis rin ang pagpapatakbo nila at paniguradong wala akong takas. Parang kriminal ang dating ko at sila naman ay mga pulis. Ayaw kong mag-alala si Aling Kora sa akin kaya dead or alive, hindi ako magpapahuli sa kanila. Muli akong lumingon ng malakas silang bumubusina. Medyo malayo na ako sa kanila ng ilang kilometro. Ginamit ko ang lahat ng speed ko. I was a runner in my high school days at naapakinabangan ko ito ngayon. Napangisi ako ng walang tigil sila sa pagbubusina. Bawat taong madadaanan ko at hindi maiwasang mapatingin sa akin. Napangiwi ako ng biglang nanginig ang aking mga paa. Namanhid iyon. Bigla rin natapiyok ako kaya buong lakas na bumagsak ako sa lupa. Halos maiyak ako sa sobrang sakit nang buong lakas na bumagsak ang dibdib ko. Sinubukan kong tumayo para muling tumakbo pero hindi ko na talaga kaya. Hanggang sa tuluyan na akong nahawakan ng mga berdugo na humahabol sa akin. SiMr. Steward, pala ang nagmamaneho ng sasakyan. "Do you think you can run away, b***h?!" Nakangising tugon ni Mr. Steward habang papalapit sa kinaroroonan ko. "Ano ba talaga ang kailangan mo?! Hindi mo nga ako asawa! Hindi kaba makaintindi?!" Malakas na sigaw ko sa kanya. "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo Mrs. Steward? Bakit ganyan kayo magsalita kay Mr. Collin Steward? Asawa mo po siya and you used to be scared of him!" and ng isang lalaki sa akin habang mahigpit na nakahawak sa braso ko. "Hoy, huwag kang makikisali sa usapan na berdugo ka ha!" singhal ko naman sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Napatingin ako kay Mr. Steward, galit ang ekpresyon na nakatingin sa akin. "Let her go!" utos nito sa mga alipores n'ya. Binitiwan naman ako ng mga pisting iyon tapos biglang hinapit ni Collin ang beywang ko. Napasinghap ako sa kanyang ginawa. Dikit na dikit ang katawan namin at ramdam ko ang tigas ng... "Say it again, wife!" aniya. Wife? Eh, hindi nga niya ako asawa 'e. Paulit ulit talaga daig pa ang sirang plaka. "A-Ang alin?" utal na tanong ko. I felt a little consciousness dahil baka mabaho ang hininga ko. Kakagising ko palang naman. "Ano ba ang ipinaglalaban mo kanina? Talaga bang iniinis mo ako?" Nakakakilabot na sabi pa nito. "Anong iniinis? Collin, Mr. Steward, o kung ano man ang tawag sa'yo gusto kong malaman mo na hindi ako si Steph na siyang asawa mo. Sa huling pagkakataon, sasabihin ko sa'yo na ako si Jerlyn Araso, isa akong tomboy at kahit gaano kapa kagwapi hindi ko pinangarap na mgkaroon ng asawang lalaki dahil parehas lang tayo na babae ang gusto! Gets mo?!" Himihingal na sabi ko pa sa kanya. Napatiimbagang siya at bigla nya akong niyapos ng halik sa aking labi. Hindi ako makagalaw. Tila ba may kuryenteng gumapang sa kaugatan ko. Ngayon ko lang naranasan na may humalik sa aking lalaki at nandidiri ako. Sinuntok suntok ko pa ang kanyang dibdib pero mas lalo n'ya pang idiniin ng bibig n'ya sa bibig ko para lumalim ang pagkahalik n'ya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD