DEVIL SERIES #2: SELFIE WITH THE MAFIA KING
Where the Ruthless and certified killer met his Dea.
-•-•-•-
He's Cold.
He's Cr*el.
He's Seductive.
He's R*thless.
He's a K*ller.
He's the King of the Underworld.
He's my Victim.
My Mafia King.
-•-•-•-
She's Lively.
She's Cr*zy.
She's Annoying.
She's St*pid.
She's Carefree.
She's Innocent.
She's the Goddess of Beauty, Love, and the Moon.
She's mine alone.
My Dea.
___________________________________
Dea= Goddess
___________________________________
PROLOGUE
Ngiti-ngiti akong nakatitig sa screen ng phone ko kulang nalang maghugis puso ang mga mata ko habang tinitigan ang mukha niyang perpekto at nakangiti. Ang gwapo niya talaga. Bagay na bagay talaga kami. Isang dyosa at dyos. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Haaayyss. In love na in love talaga ako sa kanya. Walang joke. Walang play. Mamamatay ata ako kapag di ko siya makita o masilayan manlang. Sayang nga lang dahil LDR kami. Long distance relationship pero ayos lang ang mahalaga loyal siya sakin. Sakin siya, sa kanya ako. Wweeeehhh.
"Hehehehe." bungisngis ko. Wala na akong paki kung pagkakamalan na naman akong baliw. Paki ko sa kanila?
"Nabaliw na naman si Selene."
"Nagdaydaydream na naman ang gaga. Walang araw di nagdaydaydream yan. Kulang nalang whole day niya gawin yan."
"Hayaan niyo na para matuluyan na yan tapos bibisitahin nalang natin sa mental."
Tinagilid ko ang ulo ko sabay lingon sa mga bruha bandang likuran ko at tinaasan sila ng kilay.
"Paki niyo mga palaka? Buhay niyo toh?Buhay niyo toh? Mga br*ha." masungit kong sabi sa kanila at umirap. Inirapan din ako ng mga bruha. Tusukin ko mga mata nila eh. Paki ba nila sa buhay ko? Sila ba nagpapakain sakin? Sila ba nagpapadede sakin? Sapakin ko mga yan eh. Ganyan ba sila kainggit para pansinin ako? Insecure ba sila dahil ako ang asawa ng honeybunch ko? Ako ang love of his life? Tsk. Inggit sila. Dyosa ako, palaka lang sila. Mga insecure. Walang magawa sa buhay kundi mangialam sa may buhay.
"Hay naku Selene. Kahit anong titig mo dyan hindi yan magiging sayo. Napakafeeling mo talaga. Wake up, gurl. You're not in a fantasy world. You're in reality world." Asar nito.
Yun nga eh nasa reality world ako kung saan ang daming judgemental, insecure tulad nila at iba pa dyan. Ewan ko kung bakit hinulog ako ni Zeus dito. Ganun din ba siya kagalit sakin dahil sa sobrang ganda ko?
Tumayo ako at tinarayan ang mga palaka. Dapat lang mga pakialamera eh.
"Kesa naman dyan sa tabi-tabi hindi naman totoo. Hindi naman totoong mahal ka.Duh." asar kong sabi sa kanya. Lumubo naman ang pisngi niya kaya natawa ako. Bakit ba? Napikon ko eh. Totoo naman. Mas pipiliin ko pa ang fantasy world dahil alam kong hindi totoo kesa sa reality world hindi mo alam kung totoo ba o hindi ang pinakita niya. Tulad ng syota niya. Kung ako pa sa kanya. Mas pipiliin ko ang malayo kesa sa malapit dahil kahit anong gawin mo di mo siya maabot. Malapit nga di mo naman abot. Di mo naman mahawakan. Duh! Yeah men. Di kase siya mahal ng syota niya. Karma is a b*tch. Pakialamera eh.
Susugod sana siya sakin ng tinaasan ko siya ng kamao at pinalakihan ng mata. Akala niya siguro di ako papatol. Who you? I'm the Goddess of beauty, love and moon. Wala siya sa kalingkingan ko.
"Tomboy." abat.
Tumindig ang tenga ko sa tinawag niya sakin. Nagsimula namang nagkantchawan ang mga kaklase kong mga panget. Bw*sit din ang mga ito eh. Akala mo mababait demonyo naman. Naku lang. Pero ano nga ulit ang sinabi niya sakin?
"Anong sabi mo, palaka?"
"Sabi ko... TOMBOY. TOMBOY ka."
"Inulit mo pa talaga bruha ka? Anong akala mo sakin bingi? Hoy, panget. Di ako tomboy."
Gumawa ng cheer squad ang mga kaklase kong panget at tudo cheer sila samin.
"Talaga? Wala ka ngang boyfriend eh. Tomboy ka nga."
Yun lang? Ang babaw naman non. Porket walang boyfriend tomboy agad? May tomboy bang nakakitty na head band? May tomboy bang patuhod ang knee socks kulay purple? May tomboy bang nahati ng dalawa ang buhok at nakaponytail? Baliw toh eh.
Wala nga akong boyfriend pero may asawa. May asawa ako yun nga lang LDR kami. Bwesit to'. Itapon ko siya sa bermuda triangle eh.
"May asawa ako."
"Kahit kailan hinding-hindi maging sayo si Cha Eun Woo. Kapal ng mukha mo."
"Mas makapal ang mukha mo. At hoy panget. Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng asawa ako. Ako lang. Ako lang ang may karapatan banggitin yan."
"Blah blah blah. Walang boyfriend. Loser."
"Blah blah blah. Walang d*de. Pader."
Kita ko naman ang pagtingin niya sa dibdib niyang flat at tumingin sakin. Sinamaan ako ng tingin. Binigyan ko naman siya ng aking napakatamis na ngiti. Mapikon ka bruha.
Umirap ako ng tudo-tudo sa kanilang tatlo bago umupo sa silya. Muli kong tinitigan ang mukha ni Cha Eun Woo na wallpaper ng phone ko. Nakangiti ito sakin. Di ko tuloy mapigilang mapangiti at maghalumbaba. Ang gwapo niya naman kase. Perpekto. Don't cha worry asawa ko bibisitahin kita dyan. Hintayin mo lang ang dyosa mong asawa na si ako. Wait for me, bebe. Hehehehehe.
"Pabayaan niyo na si Selene. She's happy with her husband."
Inangat ko naman ang tingin ko habang may ngiti parin sa labi pero agad din itong nabura ng makilala ko kung sinong unggoy ang nagsalita. Si Nicholas habang nakasabit sa balikat ang itim niyang bag. Pacool itong naglakad sa gitna at kumindat sakin. Umirap ako kaya tumawa siya bago pumunta sa barkada niya sa likuran. Nakita ko na naman silang nag-apiran at pasimpleng sumulyap sakin. Hay naku naman. Wag niyo ng ipahalatang nagagandahan kayo sakin. Alam ko naman yun eh wag ng ipahalata.Nahihiya tuloy ako. Napabaling ang tingin ko sa pinto ng marinig ang tinig ng heels at doon ko nakita ang kinaiinisan ko sa balat ng lupa. Ang kapal naman ng make up. May bago pa ba? Palagi naman eh. Ngiti-ngiti itong rumampa sa gitna at kumakaway-kaway naakala mo isang Miss Universe. Utot niya. Siya Miss Universe ako Dyosa. Wala siya sa kalingkingan ko. Kuko ko lang ang ganda niya. Dumako ang tingin nito sakin. Tinaasan ako nito ng peke niyang kilay at umirap. Kita niyo? Insecure din yan sakin. Hindi niya matanggap na mas lamang ang kagandahan ko sa kanya..
Ngumiti ako ng matamis sa kanya pero agad din iyon nawala ng she mouthed me something.
"Walang boyfriend."
Napanguso naman ako dun.Bwesit talaga. Big deal ba yun? Big deal ba ang walang boyfriend? Ano bang paki nila kung ako na lang ang walang boyfriend dito? Guguho na ba ang mundo ng mga mortal? Requirements ba ang pagkakaroon ng boyfriend? Edi sana pinauwi ko si Cha Eun Woo para ipakita sa kanilang may boyfriend s***h asawa ako. Nagmamake face lang ako sa kanya at ang gaga umirap lang habang rumarampa papunta sa gawi ni Nicholas. Lalandi na naman. Di ko ata nasabi sa inyong sikat ito si Nicholas hindi sa pagiging writer kundi player. Basketball player ito at si Medusa naman, tama ang nabasa niyo Medusa ang name niya. Bagay na bagay sa kanya. Siya lang naman ang reyna ng mga ahas-este bubuyog dito sa school. Ewan bakit meron pang ganyan dito. Nasusuka tuloy ako. Pero who cares? Tulad ng sabi ko wala akong paki. Wala akong paki sa mga mortal na kagaya nila.
_________
Uwian na. Salamat naman. Nakalabas na din sa impyerno. Bakit ganun? Di ba alam ni Dean na isa akong dyosa na hinulog ni Zeus dahil sa sobrang ganda ko? Ang dyosa na tulad ko ay hindi nababagay sa impyerno. Malaking kaparusahan yun sa mga mortal. Dapat sila maparusahan dahil kinawawa nila ang dyosang si ako. Paano nalang kapag masunog ang napakakinis kong balat? Di ako tatanggapin sa Olympus pagnagkakataon. Naku hindi pwede. Gagawa ako ng paraan isusumbong ko sila kay honeybunch. Haayss. Miss ko na siya. I swear naiinip na yun sa bahay kakahintay sakin. Well, don't worry honeybunch. Paparating na si babybunch mo. wehehehehe.
Ngiti-ngiti akong umupo sa waiting area at kumaway sa katabi kong lalaki habang naglalaro ata ng mobile legend. Nakita ko naman siyang napatigil sa paglalaro at nakaawang ang labi nakatitig sakin. I know. I know. I'm a Goddess. Nagulat ata siya dahil kinawayan siya ng dyosa. Napatawa naman ako ng mahina at I giggled yung cute way. hehehehe.
Ilang minuto akong naghintay sa waiting area bago huminto ang isang bus. Nagsitayuan naman ang ibang tao katulad ko. At dahil isa akong dyosa syempre nakasakay agad ako. Dapat lang no'?Dyosa kaya ako habang sila alipin lamang. Well, yun nga pakanta-kanta akong naghanap ng upuan. May nakita naman ako kaya dali-dali akong umupo dun. Mahirap na baka maunahan tayo.
Napasandal ako sa upuan habang inilapag ang bag sa tabi kong upuan. Wala namang tatabi sakin eh. I'm sure of that. Ilang ulit na akong sumakay ng bus wala talagang tatabi sakin. Nahihiya ata silang tumabi sakin dahil sa taglay kong kagandahan. Ayaw ata nilang matalbugan ang taglay nilang ganda dahil sa sobrang ganda ko. Humble kaya ako. Alam ko namang waley sila, tiklop ang beauty nila pero hindi dapat ganun. Humble nga ako diba?
Nag-earphone nalang ako at nakinig ng music. Kanta ni Gloc 9 ang pinakinggan ko kaya diko mapigilang maparap din. Ginagalaw-galaw ang mga kamay ko at napapahead bang. Bakit ba?Ang ganda kaya ng rap ni Gloc 9.
Pinagpatuloy ko ang nagkanta hanggang sa naramdaman kong may tumabi sakin. Naiwan naman sa ere ang mga kamay ko at napatigil ang ulo ko sa paghehead bang kaya ang resulta nakayuko ako. Nirarap ko parin ang kanta ni Gloc 9 at dahan-dahang lumingon sa kanya.
"Ako'y ..natutuwa.dahil.akoy....iyong na....hanap."
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. Sinong hindi? Sino siya? Nagising ang diwa ko ng pabagsak niyang inilapag ang bag kong hello kitty sa hita ko sabay sandal nito sa upuan. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang bag ko mahirap na baka mahulog pa ito. Kawawa naman. Muli akong tumingin sa kanya at tatarayan ko na sana siyang lumingon ito sakin gamit ang walang buhay niyang mukha at malamig niyang mga mata.
Multo ba to'? Imposible naman kung multo ito dahil hindi naman nagtayuan ang mga balahibo ko pero bakit ganun? Pakiramdam ko nakakatakot ang aura niya. Ang weird lang. Feeling ko tuloy binalutan siya ng itim ng aura pero paki ko naman.
Anong pakialam ko kung nakahood siya ng itim at gulo-gulo ang buhok? May band aid sa kaliwang kilay at may maliit na hiwa sa labi? Paki ko sa kanya. Tsk!
Pero
Pero
Pero...
Kahit ganun. Ang gwapo niya parin. Ang l*ndi ko na ba? Kumakabit na ba ako? Naku baka magalit si honeybunch sakin. Hindi naman siguro. Siya lang naman lab ko eh.
He is the most handsome man in the world.His dangerous eyes were the most beautiful shade of blue I had ever seen. His jaw was hard set and framed his perfect cheeks and nose to make matters better had the most beautiful pump pink lips. His black hair was dishevelled in a somewhat quilt that touch his eyes.
Aayy... sheyte.. NapapaEnglish tuloy ako..Naku..Ang gwapo naman kasi niya. Isa ba siyang dyos tulad ko? Pinababa din ba siya ni Zeus?
Tumingin ulit ako sa mga mata niya baka kasi joke lang siya o di kaya di siya totoo. Bat ganun?the world around us stopped. It was just me and him, someone I have never seen before. Aaayy naku. Gutom lang yan Selene pero ramdam ko ang malamig niyang pagtitig sakin. Nakakatakot naman.
"What?"pati boses ang lamig at nakakatakot. Sino ba to'?
"Wala naman po.Ang gwapo niyo naman po.Anong pangalan niyo po?"ngiti-ngiti kong tanong sa kanya pero hindi ako pinansin. Napasimangot naman ako. Ang swerte na nga niya dahil kinausap siya ng isang dyosa. Arte naman nito. Bahala siya dyan.
Kumanta ulit ako and of course don't forget the gestures and head bang. Napatigil lang ako sa pagrap dahil may hinayupak na nagtanggal ng earphone ko.
"Ano ba?" naiinis kong usal dito sabay lingon sa kanya. Sumalubong sakin ang mukha niyang sobrang kinis kahit tigyawat mahihiyang tutubo dito. Nakakunot ang noo nito at naiinis ang mukha habang ang mga mata nito ay direkta sa mga mata ko.
"Can you f*cking shut up."hindi yun tanong, hindi rin pakiusap kundi utos. Inutusan niya ako. Langya. Umirap ako.
"Edi wag kang makinig." masungit kong sabi sa kanya sabay irap ulit. Padabog kong kinuha sa kamay niya ang purple kong earphone at muling sinaksak sa tenga.
Kanta ni Ariana Grande at Justin Bieber ang pumalit sa kanta ni Gloc 9. Ayos lang maganda naman ito. Hehehehehe.
"So lock the door
And throw out the key
Can't fight this no more
It's just you and me
And there's nothing I,
nothing I, I can do
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you~."
Feel na feel ko talaga ang pagkanta. Feeling ko kasi ako si Ariana. Hehehehe.
"So go ahead and drive me insane
Baby, run your mouth
I still wouldn't change being stuck with you
Stuck with you, stuck with you
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you,
baby~."
Ngiti-ngiti naman akong lumingon sa katabi kong kanina pa nakatingin sakin. Napakurap-kurap naman akong tumingin sa mga mata niya pababa sa labi niya. Bumuka ito kaya tinanggal ko ang isang earphone sa tenga.
"You're f*cking weird, cr*zy and---."
"Goddess? Tsk. I know. I know. I know. Matagal ko ng alam na dyosa ako. Don't mention about it, okay? Humble pa naman po ako. Alam ko naman pong dyosa ako. Hehehehe."pacute kong sabi at sinicircle ang dulo ng buhok kong macurly.
Wala namang kaemosiyon-emosiyon ang mukha niya pati narin ang mga matang nakatitig sakin bago sinandal ang ulo sa upuan at pumikit pero hindi parin nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya na nagpasimangot sakin.
"Cr*zy girl."
Sakit magsalita. Porket gwapo ganun siya hhmmpp. Inistop ko nalang ang music ko at pinindot ang gallery. Puro mukha ni Cha Eun Woo ang bumungad sakin kahit niisa sakin wala. Pambihirang cellphone. Inopen ko ang front camera at nagsimulang magpacute dito.Tinitigan ko naman ito. Bat ang cute ko ay hindi. Bat ang dyosa ko?
Kumuha ako ng mga litrato kahit anong angle. May nagpeace sign, finger heart, nakanguso, nakalubo ang pisngi, kagat ng labi, face palm, kindat at close up. Wala kayo sakin. Who you kayong lahat.
Ano ba yan. Puro ako lang. Dapat may kasama. Sino na naman?
Pasimple akong tumingin sa katabi ko at alam kong natutulog ito. Naku! Baka magalit. May sungay pa naman ata ito. Baka bugahan ako ng apoy. Bakit ka naman bubugahan ng apoy? Dragon ba siya?Tsk.
Umayos ako ng upo at muling tumingin sa kanya. Sumilip ako sa mukha niyang tinabunan ng kaunting buhok niya sa mata at hood niya. Nakapikit nga.
Inayos ko ang kitty head band ko at tumawa ng mahina.
"Kaya ko to'. Hehehe.."
Tinanggal ko muna ang hood niya.
And then
With all these strength and confidence came from me syempre I am a dyosa. I held out my phone, turned on the front camera and dinikit ang mga braso namin. Tumingala ako ng kunti and whilst kissing him on his cheek, I snapped a picture. Then I hastily move away from him.
Ngiti-ngiti akong inopen ang gallery at hinanap ang picture namin. Halos ihulog ko ang phone ko dahil sa nakita. Bakit ang ganda ng kuha?
Inilapit ko ang mukha ko sa screen at tinitigan ng maigi ang picture naming dalawa. Napakurap-kurap ako.
Aayy pekeneng. Laglag ang panga ko sa picture namin. Nakatingin ako sa camera while ang nguso ko ay nasa pisngi niya at siya naman nakatingin lamang sa camera medyo lumaki ang mata. Dumilat siya mga prend. Dumilat siya. Kikiligin na ba ako? Tell me mga prend.
Syete. Bakit bagay kami? Isang dyosa at dyos. Ayyy naku! Lumalandi na ako.
Napatingin naman ako sa katabi ko dahil bigla itong tumikhim. Naitago ko naman sa likuran ko ang phone ko habang may plastic na ngiti sa labi. Hehehehehe.
"What the f*****g f**k are you doing?" His voice was low, cold and dangerous. Oh god! Wait, bakit naman ako matatakot sa kanya? Oh well. Oo na. Oo na. Napalunok ako dahil dun.
"A-Ahhm..Taking a selfie with you? Hehehehehe.."
••••••••••••••
Read and Enjoy!