Tulala kaming apat dito sa Cafeteria. Pare-parehong kaming lutang. Sakto kasing lunch break natapos ang program dahil may nagperform pa kaya dumiretso na kami sa Cafeteria at kanina pa po maingay ang Cafe dahil sa bagong owner ng school namin. Magiging Smith University na ba ang Murmerlein University? Hindi parin kami makapaniwala sa nangyari kanina. May alam ba si Irog dito? Siguro meron dahil magkaibigan naman sila pero papaano niya ito naging sa kanya? Malamang Selene, binili. Shunga ka talaga! "Grabe ang pogi ni Mr. Smith. My God!"tili ni Azura at hinawakan pa ang magkabilang pisngi niya. Baliw. Tumango-tango si Hestia na hanggang ngayon at tulala parin."Ang gwapo niya talaga lalo na pag personal." Napangiti naman ako dahil dun. Totoo naman nung nakita ko nga sila doon sa bahay par

