54

1468 Words

"Sigurado ka ba dyan, Azura? Baka nagmamalikmata ka lang."nakakunot na tanong ni Hestia. Nandito kami sa sala ng apartment. Nagmemeeting keso nga may sasabihin sakin si Azura. Oo sakin lang pero itong tatlo mga chismosa.Nakikisali. "Naku! Nambabae na ang asawa mo, Sel."umiling-iling na sabi ni Narnia at kumain ng chips. Napadikwatro si Athena at pinagkrus ang mga braso. Nagkasalubong din ang mga kilay nito. Napakamot ako sa leeg at napahalumbaba sa center table. Nakaupo kasi ako sa carpet habang sila sa couch. Hindi ko alam kung ano ang erereact ko. Speechless ako eh. Kaya ba hindi niya ako sinundo at si Belial ang sumundo sakin? Yung babae ba ang tinutukoy niyang emergency? Bakit? Tapos hindi pa sumasagot sa tawag kanina. Napabuntong hininga ako at lumingon kay Azura na nakasimangot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD