Napakamot-kamot ako sa tagiliran at nguso habang nasa likuran parin nila Hestia. Ang tagal. Kanina pa sumasakit mga paa ko katatayo. "Matagal pa ba yan?"reklamo ko. Sabay naman napalingon sakin sina Narnia at Hestia with their death glare. Eyy nemen! "Ikaw kaya dito maghack ng system?! Try mo."masungit na usal ni Narnia. Napanguso ako habang umiling-iling si Hestia at muling tumingin sa laptop niya. Sarry naman. "Eh ang sakit-sakit na ng paa ko."nakanguso kong sambit. Umirap sakin si Narnia. Langya! Totoo naman talaga. Siya kaya tumayo dito ng isang oras? Di ba sasakit paa niya? "Sino bang nagsabing tatayo ka dyan, huh?! Umupo ka nga. Hindi makapaghintay eh."pairap niyang tugon. Padabog akong umalis sa likuran nila at umupo sa couch. Nakasimangot akong pinagkrus ang mga braso at sina

