Nakatulala parin ako hanggang ngayon habang pinagmasdan ang nagtatakbuhang mga tao. May ilaw na kase kaya kita ko mga mga lalaking nakaitim at may suot na maskara. May humila naman sakin nakinagulat ko. Pagtingin ko dito ay si Athena habang seryoso ang mukha at dala-dala parin ang kanyang tungkod. Nakita ko naman sina Hestia sa likod ng long table at ginawa nila itong shield. Doon sila nagtatago. Nakapikit si Clythie habang nagsign of the cross. Kagat ni Urania ang kanyang kuko habang si Diwata naman ay tinakpan ang tenga habang nakapikit at katabi nito si Azura na sumisilip sa nagbabarilan. Si Hestia naman ay pinakalma ang sarili katabi si Narnia habang pinaypayan siya nito. Mabilis naman kaming nagtago ni Athena sa tabi nila ng marating ang kanilang pwesto. "Anong nangyari? Bakit may pu

