Darana's POV
"Kain na po tayo, Ate." Tawag ko habang inayos ko ang mesa. Nilagay ko na rin ang dalawang mainit na pandesal sa maliit naming plato. Kasabay ng ginisang corned beef at pritong itlog.
"Ang aga mo na namang nagising, Darana." Bati ni Ate Mica habang umupo siya sa tapat ko. Nakangiti siya pero kita sa ilalim ng mata niya ang pagod sa trabaho kagabi. Nag-overtime kasi siya ulit sa accounting firm na pinapasukan niya.
"Gusto ko pong makabawi sa inyo kahit sa simpleng agahan lang po." Sabi ko habang ibinubuhos ang kape sa tasa niya.
"Alam mo namang hindi mo kailangang bumawi. Pero appreciated ko ito, sobra." Sagot niya sabay hawak sa kamay ko.
Tahimik kaming kumain. Hindi naman nakakailang ang katahimikan sa amin. Sanay na kami. Simula noong bata pa kami at nawala sina Mama at Papa sa isang car accident. Kami na lang talaga ang magkasama. Wala pong ibang kamag-anak na tumulong sa amin noon. Pero si Ate Mica, kahit third year college pa lang siya noon, sinimulan na niyang tumanggap ng raket para lang masuportahan ako at ang sarili niya.
Kaya ngayon, kahit nasa kolehiyo na ako. Todo po ako sa pagsusumikap. Gusto ko pong maibalik lahat ng sakripisyo niya. Kahit sa maliit na paraan lang.
"Darana." Sabi ni Ate bigla. "Pupunta ka na ba sa Gama Cafe mamaya?" Patuloy niyang sambit.
"Opo, Ate. May schedule po ako ng 9:30 AM. Baka po abutin ako ng tanghali kasi may bagong delivery po ng beans." Hinuhugasan ko ngayon ang mga kamay ko.
"Okay." Sagot niya habang nililigpit na ang pinggan. "Mag-ingat ka, ha. Text ka lang kung may kailangan ka." Inilagay na niya yung platong pinagkainan namin roon sa lababo.
"Opo, Ate. Salamat po." Sabi ko habang kinukuha ang apron ko.
Paglabas ko ng apartment. Sinigurado kong maayos ang suot ko. Clean blouse, maong na jeans, at naka-tie ang buhok. Kahit cafe staff lang ako. Gusto kong maging presentable. Kasi naniniwala ako na kahit anong trabaho, basta may dignidad, marangal iyon.
Habang naglalakad ako papunta sa Gama Cafe. Nadaanan ko ang maliliit na tindahan sa palengke. May mga suki na akong nagbebenta ng murang gulay. Tuwing uwi ko galing shift, minsan dumadaan ako roon para makabili ng ulam.
"Darana!" Bati ng isa sa mga tinderang kilala ako. "Papunta ka na sa Gama Cafe?" Inilagay niya sa malinis na bandeha yung presko niyang mga gulay.
"Opo, Tita Lulu!" Sagot ko habang kumakaway. "Mamaya po dadaan ako ulit. Baka po makabili ako ng talong." Ngumiti ako at bumuntong hininga.
"Ay sige, ireserba ko na para sa'yo!" Tawa niya.
Nginitian ko po ulit siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mga ganitong simpleng bagay po, mga pagbati, ngiti, at pag-alala ng mga tao sa paligid. Sila po yung nagpapaalala sa akin na kahit mahirap ang buhay. May dahilan para ngumiti.
Pagdating ko sa Gama Cafe. May konti nang pila. Kaagad kong binati ang mga staff.
"Magandang umaga po." Bati ko kay Sir Noel. Ang barista supervisor.
"On time as always, Darana." Ngiti niya. "Pasok ka na. May delivery sa likod." Nag-thumb-up siya sa akin.
"Opo, Sir!" Sagot ko habang tinatali ulit ang buhok ko nang mas mahigpit.
Pagpasok ko ulit sa Gama Cafe. Naamoy ko agad ang bagong lutong kape. Mapait, medyo nutty, at amoy tagumpay. Sa totoo lang sa Gama Cafe ko unang naisip na baka isang araw. Kaya ko ring magpatayo ng sarili kong cafe. Yung may maliit na bookshelf, may art wall para sa mga local artist, at syempre may playlist na puro OPM acoustic.
"Darana, pakikuha yung invoice sa harap." Utos ni Sir Noel habang nagbubuhat ng kahon.
"Opo, Sir!" Agad kong tinungo yung counter.
Napangiti ako habang sinisimulan ang shift. Mahirap po ang buhay pero araw-araw may panibagong dahilan para lumaban. Para sa sarili. Para kay Ate. At para sa pangarap.
At para sa maliit na hakbang na patungo roon.
Pagkatapos kong maayos ang mga in-deliver na coffee beans sa storage. Dumiretso ako sa kitchen para tumulong kay Ate Jeni na nag-aayos ng mga pastries. Kasama rin namin si Kuya Ronnie na nagbabalanse ng order slips at si Yormie, isang intern na tinuruan ko kung paano maglatte art noong isang araw.
"Darana!" Bungad ni Ate Jeni habang hawak ang tray ng croissant. "May bago ka bang chika?" Napatigil siya sa ginagawa niya.
Napatawa ako. "Wala naman po, Ate. Maayos naman po ang umaga ko. Nag-breakfast po kami ni Ate Mica. Kayo po?"
"Ay naku." Singit agad ni kuya Ronnie. "Si, ate Jeni, may kinikilig lately. Kaya siya ganyan!" Todo linis pa si kuya ng lamesa.
"Aba, Ronnie, huwag mo nga akong inuunahan! Mas matindi yata yung sinasabi mong photographer na nag-send ng candid pic mo habang nagsasara tayo last time!" Nagpunas sa tuwalya si ate Jeni na may diing pa pikit ang mga mata.
"Hoy!" Biglang namula si kuya Ronnie habang nagtatawa si Yormie. "Hindi ko alam kung paano niya nakuha yung angle na iyon, ha. Pero ang ganda ng lighting!" Sa sobrang kilig ni kuya Ronnie ay parang may lalabas na stars sa mga mata niya.
"Naks, Kuya! Crush mo na po ba siya?" Tanong ni Yormie habang sumasalo ng kutsilyo sa chopping board.
"Hindi ko pa alam." Sagot ni Kuya Ronnie. Kunwari'y seryoso. "Pero baka nga dahil ni-like niya yung IG story ko kahapon." Napasandal na lang si kuya Ronnie.
"Tapos nag-react pa ng heart." Dagdag ni ate Jeni habang nagpipigil ng tawa.
"At ang caption. Ready to serve even when the shop closes. Parang may double meaning po iyon, Kuya." Sabat ko naman.
"Alam niyo, kayo talaga, mga tsismosang barista." Natatawang reklamo ni kuya Ronnie.
"Naku, Darana." Biglang binalingan ako ni ate Jeni. "Ikaw naman. May kinikilig ka ba lately? Parang blooming ka ngayong araw, a." Nag-crossed arms siya sabay buntong-hininga.
"Wala po, Ate!" Sagot ko habang pinipigil ang ngiti. "Nag-aayos lang po ako ng skincare. Puro aloe vera at serums lang iyan." Marahan kong hinawi yung buhok ko.
"Hindi lang iyan aloe vera. It's day." Sabat ni Yormie. "Aloe-heart iyan!" Patuloy niya.
Tawanan kaming lahat.
Pero habang nagtatawanan kami. Hindi ko naiwasang mapaisip.
May isa kasing customer na laging bumibili ng iced Spanish latte tuwing hapon. Tahimik lang siya pero polite. Minsan nagtanong siya sa akin kung anong masarap na cake sa menu. Tapos sinunod niya yung suggestion kong banana caramel. Tapos kinabukasan umorder ulit siya ng banana caramel.
Napaisip ako. Coincidence lang ba iyon o sinadya niya?
"Hoy, Darana! Ngumiti na naman!" Sigaw ni kuya Ronnie. "Aminin!" Tukso pa niya.
"Aminin! Aminin!" Chant nila ate Jeni at Yormie habang nag-a-apir.
"Wala po talaga!" Tawa ko habang umiikot sa counter. "Gusto ko lang po yung banana caramel din!" Mula sa loob ko ay kinikilig ako ng sobra.
"E hindi ikaw pala yung soulmate nung customer na iyon." Biro ni Ate Jeni. "Pareho kayo ng taste!" Tinuro pa niya ako.
"Oo nga, Ate." Sagot ni Yormie. "The taste of love. Char!" Kilig na dagdag niya.
At tuloy pa rin ang tawa at chika namin habang inaayos ang mga orders.
Sa mga ganitong sandali. Nakakalimutan ko ang bigat ng mga problema sa bahay. Nakakalimutan kong may tuition na kailangang bayaran at may upa sa apartment na kailangang habulin. Sa mga ganitong simpleng kwentuhan at kulitan, kahit saglit lang ay nagiging magaan ang mundo.
Totoo nga ang sabi nila. Ang kusina ay hindi lang lugar para maghanda ng pagkain. Minsan ito rin ang lugar kung saan hinahain ang mga kwento, chika, at konting kilig.
Pagkasampay ko ng apron sa hook sa likod ng kitchen. Lumapit na ako sa counter kung saan abala pa rin sila kuya Ronnie, ate Jeni, Yormie, at si Sir Noel Inigo Velasquez. Ang pinakamabait pero pinaka-strikto naming supervisor.
Huminga ako nang malalim tapos ngumiti.
"Kuya Ronnie Macaspac Muniuz." Nagsimula ako. Buo't-buo ang pangalan niya sabay kindat.
"Uy, full name? Kinakabahan ako sa tone mo, a." Sagot niya habang nag-aayos ng resibo.
"Ate Jeni Hirera Clifford." Nilingon ko siya. "Yormie Andalot Montañez." Binanggit ko rin habang inaabot ang tumbler ko sa may sink.
"Bakit parang graduation speech iyan?" Hirit ni ate Jeni habang nakahalukipkip.
"At syempre, sir Noel Inigo Velasquez." Tinanguan ko si sir na kasalukuyang nagbabasa ng delivery log. "Ako po ay magpapaalam muna ngayon. Papunta na po ako sa school." Yumuko pa ako na animo'y isang Koreana girl.
Nagkatinginan silang lahat.
"Grabe yung buong pangalan Darana Martinez Etrata." Natatawang sabi ni kuya Ronnie. "Parang kasal lang!" Napapatakip pa siya ng bibig habang tumatawa.
"Hindi po ba kasi kayo special?" Ngumiti ako habang inaayos ang sling bag ko. "Kapag special, dapat buo. Walang kulang." Patuloy ko pa.
"Naks!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Parang may pinagdadaanan ka, a." Hirit ni Yormie. "May final exam ka ba o may final moment with someone?" Dagdag pa niya.
"Hindi naman." Sagot ko. "Gusto ko lang pong maging buo bago ako sumabak sa araw ko." Uminom ako ng malamig na tubig.
"E sana all buo." Sabay buntong-hininga ni ate Jeni. "Ako nga sinayang nung jowa ko dati. Akala ko kami na." Napapikit na lang siya at umirap.
"Ay, Ate, huwag mo nang simulan iyan." Tawa ko habang palayo na.
"Darana." Tawag ni sir Noel. "Ingat ka sa biyahe. Tapos pagbalik mo bukas, ikaw na mag-a-assist dito kay, Yormie, ha?”
"Yes po, sir Noel Inigo Velasquez." Sagot ko sabay salute.
"Tigil-tigilan mo yang buong pangalan, nakikiliti kami, e." Natatawang bawi ni kuya Ronnie.
"Bye na po!" Sigaw ko habang binubuksan ang pinto. "See you later, Team Kape!" Isinara ko na yung pinto.
"See you, Darana!" Sigaw nila pabalik.
Pagkalabas ko, ramdam ko yung hangin ng umaga. Maaliwalas, medyo mainit, pero presko pa rin. Isang panibagong araw na naman sa unibersidad. Panibagong hamon, panibagong kakulitan, panibagong kwento.
Pero kahit pa anong mangyari sa school today. Alam kong meron akong babalikan. Mga taong tatawagin ko sa buo nilang pangalan at mga ngiting hahanap-hanapin ko.
Kahit sa isang simpleng paalam. Naroon ang lambing.
At sa bawat pag-alis, may dahilan para bumalik.
Pagkababa ko ng jeep sa tapat ng university. Kinapa ko agad sa sling bag ko yung ID ko. Lumingon ako sa paligid. Familiar faces everywhere. May mga naghahabulan, may natutulog sa bench, may nagkakape habang may hawak na laptop. Lahat busy pero alive na alive ang energy ng campus ngayong umaga.
"Good morning Parker University!" Bulong ko sa sarili ko habang binaybay ko ang hallway.
Paakyat ako sa third floor ng Arts and Journalism Building. Kung saan naroon ang classroom namin. Section third year B. Paborito kong part kasi hindi ganoon kaingay pero hindi rin boring. Sakto lang. Parang si JC.
Pagkarating ko sa room. Una kong hinanap si--- Yes, you guessed it. Si JC Helena Imperial. Ang best friend kong kasing gulo ng buhok ko tuwing wala akong time mag-ayos. Pero kahit anong kulit at daldal namin sa isa't-isa. Siya yung safe space ko sa school.
"Ayan ka na, Ms. Etrata." Bati niya. Ngumiti habang tinapik ang upuan sa tabi niya.
Ang formal naman niya. Hindi ako sanay. Kailangan talaga apelyido ang tawag niya sa akin. Para akong kinalabit ng multo. Nakakaginaw.
"Hello, Ms. Imperial." Balik ko sabay upo.
Tinanggal ko yung sling bag. Inilapag sa lap ko. At saka ko inilabas yung yellow pad, ballpen, at stickered folder ko. Automatic. Sanay na sa first period namin. Feature Writing.
"Ang dami mong baon o." Sabi ni JC habang sinisilip ang binder ko.
"Syempre." Sagot ko. "May sticker ako na motivational quote for today." Inayos ko ang upo ko.
"Pakita nga." Hinawakan niya yung mga stickers ko sa binder ko.
Inabot ko sa kanya yung front ng folder. May nakalagay.
You are allowed to be both a masterpiece and a work in progress at the same time.
"Ganda." Seryoso niyang sabi. "Parang ikaw." Tiningnan niya ako.
Napatingin ako sa kanya.
"Hoy, seryoso ka ba? Or nagjo-joke ka lang ulit tulad nung sinabi mong crush mo si Prof. Arman?" Nakanguso kong tanong habang pinipigilan ko yung kilig ko.
"Both?" Sabay kindat niya.
Napailing na lang ako. "Magkakagulo na naman tayo niyan mamaya."
"Edi masaya." Sagot niya. Tapos humarap na kami pareho sa whiteboard.
Habang nagsisidatingan ang mga kaklase. May pumasok ding amoy ng bagong bukas na aircon. Paboritong simula ng klase. Kumpleto ang araw ko kapag kasama ko si JC. Sapat na yung mga simpleng kulitan, maliliit na pa-pick up line niya na hindi ko alam kung sinasadiya ba niya o natural na lang talaga siya. Minsan naiisip ko, kung hindi kami best friend, baka...
Naputol pa nga yung sasabihin ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Darana." Bulong ni JC. Inabot ang small note paper. "Nasagutan muna ba yung quiz kahapon?" Akmang tanong niya.
Napailing ako. "What? Anong quiz?" Sabay titig.
"Char lang." Natatawa niyang sabi.
Napakagat na lang ako sa labi habang pinipigilan yung ngiti.
"Lintek ka talaga, JC." Bulong ko. Pero sa puso ko, nakaukit na naman ang pangalan niya.
Ilang saglit lang matapos kong mapagod sa kakatawa kay JC. Biglang bumukas ang pinto ng classroom. Sabay-sabay kaming napalingon ng mga kaklase ko.
Dumating na si Prof. Venitez, Albert Guwim. Matangkad, seryoso ang aura, at bitbit na naman ang brown envelope na puno ng papel.
Alam na!
"Good morning, class." Sabi niya habang inaayos ang laptop sa teacher's table.
"Good morning, sir." Sabay-sabay naming tugon. Yung iba mahina, yung iba parang wala pa sa mood. Pero ako? Excited ako.
Kasi tapos na ako. As in. Check na check ang Feature Article assignment ko for Journalism 303. Sinulat ko iyon buong gabi. Tinalo pa ng word count ko ang actual requirement. May pa-title pa akong "Lihim ng Lumang Cafe. Isang Kuwento ng Pag-asa sa Gama District".
"Okay class, I'll be collecting your feature articles. Pakipasa na lang forward." Utos ni Prof habang binuksan ang class list.
Agad kong inilabas ang papel ko. Maayos na naka-staple. May title page pa. Sobrang saya ko habang pinapasa ko iyon sa harap. Habang pinapasa ng seatmate ko sa next row. Narinig ko pang sabi ni JC.
"Syempre una ka na naman. Nakita ko pa iyan kagabi sa kwaderno mo habang nilalagyan mo ng mga quote." Tinapik na lamang niya ang balikat ko.
Ngumiti ako. Proud. "Wala akong ibang pinaghuhugutan kundi ang pagmamahal sa pagsusulat." Sagot ko sabay pose ng parang award-winning journalist.
"Hindi ba pwedeng ako ang hugutan mo?" Bulong niya sabay kindat ulit.
"Huy, seryoso ka ba?" Tanong ko habang kinurot siya sa braso.
"Depende. Kapag hindi ka na stressed sa articles mo, baka pwede na tayong mag-date sa Gama Cafe." Sabay ngiti niyang parang may kasamang kaba.
Napalingon ako sa kanya. Pero hindi ko agad sinagot. Kasi hello? Anong klaseng segue iyon?
But deep inside. Kinilig ako. Grabe. Ngayon pa talaga? E wala pa nga kaming quiz!
Tumikhim si Prof. Venitez. "Okay. Good. Mukhang kumpleto ang submissions niyo. May ilan akong hindi pa nababasa pero tatapusin ko this weekend. For now, open your notes. Discussion tayo about Feature Writing Techniques and Ethical Journalism." Isinuot niya yung kumikinang niyang salamin.
Sabay flip namin ng notebooks.
Habang nagsisimula na si Prof mag-discuss. Hindi pa rin ako makafocus nang buo. Kasi kahit nakatingin ako sa board. Ramdam ko pa rin yung mga sulyap ni JC sa gilid. At alam ko, maya-maya lang, may kung anong pa-note na naman siyang ipapasa. At sa bawat note na iyon. Parang hindi lang siya nagpapatawa. Parang unti-unti siyang nagpapa-t***k.
Isang oras din yung klase ko. Sobrang nakaka-stress. Sana pwede din mag-break kahit minsan.
Pa-uwi na ako ngayon. Bago ako uuwi ay daraanan ko muna yung gulayan ni tita Lulu.
Nandito na ako sa tapat ng gulayan ni tita Lulu.
"Tita Lulu, kukunin ko na po yung talong ko na ibinalot niyo po." Bungad kong sabi sa kaniya.
"Sige ito na. Kanina pa kita hinihintay e." Iniabot na niya itong talong na nakabalot sa kulay bughaw na selopen.
"Salamat po, tita Lulu." Sabi ko sabay abot ng bayad ko.
"Salamat din, Darana." Ipinasok naman niya yung perang ipinambayad ko sa kaniya sa maliit niyang sling bag.
"Sige po, bye bye na po." Kinawayan ko siya bago umalis sa gulayan niya.
"Sige, ingat ka, Darana." Dinig ko pang sabi niya.
________________________________________
End of chapter 5. See you on the next chapter mga ka Dr. Hope you'll like this chapter mga ka Dr.
Thanks a lot mga readers ko.