Chapter 4

2556 Words
Caleum's POV "Okay, class. As I mentioned last week, today we will hold your scheduled debate on ethical dilemmas and contemporary issues." Seryosong anunsyo ni Prof. Leal habang inaayos ang kanyang eyeglasses. "Mr. Madrigal. Since you have a high standing in this subject, I want you to facilitate this debate. I expect fairness." Umupo siya roon sa upuan niya sa unahan kaharap yung lamesa niya. Tumango lang ako. "Copy, Sir." Lumingon ako sa klase na tila naging tahimik bigla. Alam nilang kapag debate, wala nang kaibigan-kaibigan. Lahat kailangang magbigay ng matibay na punto. Kaya nang sinabi kong ako ang magfa-facilitate, may mga hindi natuwa. I don't care. I do my job well. "Alright." Panimula ko habang nakatayo sa harap. "I'll divide the class into two groups. One side will argue for, and the other will argue against the given statement." Lumakad ako pababa sa gitna ng room. Ang clipboard sa kamay. "Leader for the against side. Monique Contees Pascual. Leader for the for side. Zeera Isco Luena." Tiningnan ko sila isa-isa. Syempre hindi ko iyon magagawa. Ang dami kaya nila. Nagkatinginan ang klase. May tension agad. "Caleum, ikaw din ba sasali?" Tanong ni Zeera habang inaayos ang papel sa mesa niya. "Yeah. I'll be in your team. We'll defend the for side. Let's crush them." Nag-fist bump ako kay Zeera. Napangisi si Zeera. "As expected from the golden boy." Pumwesto na kami. Ang statement. "It is morally acceptable to prioritize self-interest over the common good if it ensures personal success." Typical ethics dilemma. Magandang pag-usapan. START OF THE DEBATE! "Prioritizing self-interest over the common good creates a society that rewards selfishness. We're not just individuals. We're part of a collective. Kung puro sarili lang ang iniisip natin, mawawala ang empathy at solidarity." Magandang sabi ni Monique. May sense. Tila bang pinagisipan niya lahat ng sasabihin niya. "But let's be real. Sa mundo natin ngayon, personal success is often the only path to even make a difference in society. Kung hindi mo uunahin ang sarili mo, paano ka makakatulong sa iba?" Mahusay naman na ipinamalas ni Zeera ang kaniyang sariling opiniyon namay kasamang hugot-hininga sa mukha. Caleum: "Let me add to that. Success doesn't happen in a vacuum. Sa corporate world, sa kahit anong field, madalas kailangan mong unahin ang sarili mong progress. It's not being selfish, it's called survival. And if you thrive, then you can choose to help others later. That's practical ethics." Inilabas ko naman ang aking konting kaalaman. Sa pagbigkas ko nang mga sinabi kong iyon ay nakatingin ang mga mata ko sa mga mata ni prof. Leal na nanonood sa amin ngayon. Tumango-tango ang ilang classmates. Gusto ko yung reaksyon. I live by what I say. "So success first, conscience later? Isn't that dangerous?" Kunot-noong reaksiyon ni Monique habang tinitingnan kami. Caleum: "It's called strategy. Not everything ethical is emotional. Minsan, logic over idealism." Medyo nanlaki pa ang mga mata ko para lang maka-depend. Natapos ang debate ng intense. Maraming insights. Even Prof. Leal seemed impressed. "That was a strong session." Ani Sir. "Good job facilitating, Mr. Madrigal. And to all the speakers. Well done. We'll have your scores posted next meeting." Lumabas na si Sir pagkatapos magpalabas ng mga salita sa bibig niya. Pagkatapos ng klase. Habang papalabas ako ng room, may lumapit sa aking kaklase. "Dude, you were fire kanina. Pati si Prof natuwa." Bungad ni Rien sa akin nang makita niya ako. Isa siyang nerdy boy. Ngumiti lang ako. "Kailangan lang talagang gamitin yung utak sa tamang paraan." Tapos iniwan ko na siya roon. We're not friends at all. Pero habang naglalakad ako pa-exit ng building. Hindi ko maiwasang maalala si Darana. Yung tapang niya na humindi sa alok ko kahapon. She's different. I find myself wondering. What if someone like her stood in a debate like that? Would she fight for the common good, o uunahin rin niya ang sarili niya gaya ng ginagawa ko? Tch. Why do I even care? I have everything I need. Or do I? Paglabas ko ng school gate, ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Sakto lang sa pagod ng utak ko sa kakadepensa sa ethics debate kanina. Masaya ako sa naging resulta. Pero aminado akong draining din iyon. Kaya naman reward time muna ako. Sumakay ako ng black sedan na hinihintay ako sa parking. "Dito Verde Club." Sabi ko sa driver at tumango lang siya. Pagdating ko sa club. Agad akong sinalubong ng ambiance na palaging nagpaparelax sa akin. Dim lights, chill na music, at amoy ng brewed coffee at fruity flavors ng milk tea. Walang alak. Never talaga akong pwedeng magpakasaya sa ganun. Allergic kasi ako. Pero hindi naman kailangang lasingin ang sarili para sumaya, hindi ba? "Yow, Mr. Debate Champion!" Bungad ni Kai Stella Mabini suot pa ang kanyang signature black leather jacket habang nakaupo sa corner booth. Katabi niya si Yves Carl Ramirez. Nakapikit pa na parang may hangover pero may hawak ng mango juice. "Late ka na naman." Irap ni Kai sabay abot sa akin ng menu. "Galing pa akong school. Debate, remember?" Sagot ko sabay upo. "Sarap ng life niyo. Walang ethics-ethics." Ngumisi ako. "Chill ka lang, pre." Ani Yves. "Order ka muna. Treat ko." Uminom siya ng mango juice. Napangiti ako. "Ikaw na pala ang mayaman ngayon?" "Birthday ko kahapon, hindi ba? Advance treat iyan para sa sarili ko." Tumawa siya. "So, kumusta si Miss Monique Contees Pascual? Hmmm?" Diretso niyang tanong. Napairap ako habang umiinom ng passion fruit milk tea na in-order ko. "Wala iyon. Mas intense pa yung energy ni Zeera sa debate kaysa sa feelings ni Monique sa sarili niya." "Harsh!" Sabay-sabay kaming nagtawanan. Pero kahit nagpapatawa ako, hindi ko maiwasang mapaisip. Kanina pa bumabalik sa isip ko yung mukha ni Darana. Simple lang siya pero iba yung dating. May prinsipyo. May backbone. Hindi siya gaya ng mga babaeng kilala ko. Hindi siya impressed sa kotse, sa pera, o sa surname ko. "Ano nga ulit ang pangalan nung girl na tinanggihan ka?" Tanong ni Kai. Nakangisi pa. "Darana?" Kunot-noo niyang ekspresyon. "Yeah." Sagot ko. Trying to keep my voice calm. "Nag-deliver siya ng pizza tapos ayaw akong sabayan sa kape." Bumuntong hininga ako ng malakas. "Grabe." Yves chimed in. "Unang babae sa history ng, Caleum Ortega Madrigal. Caelum, na hindi nahulog agad?" Tumatawa siya nang marahan habang nakapikit ang mga mata na may diing pag-iling. "Hindi naman sa ganun." Medyo nainis lang ako. Pero to be honest, oo. I'm not used to being ignored. Or worse, rejected. Usually, girls compete for my attention. Pero si Darana? Parang wala lang sa kanya kung sino ako. Ipinatong ko ang siko ko sa mesa at napatingin sa bintana ng Dito Verde Club. Maraming tao, maraming ilaw, pero ang lakas ng dating ng katahimikan sa loob ko. Minsan pala may isang taong kayang gisingin ang parteng akala mong matagal nang tulog. Ngumiti si Kai. "Mukhang hindi pa tapos ang kwento niyong dalawa." Hindi ako sumagot. Pero deep inside alam ko. Tama siya. Hindi pa ito tapos. Nagri-ring ang phone ko habang naglalakad ako palabas ng Dito Verde Club. Naka-three drinks na ako. Passion fruit milk tea, mango slush, at strawberry juice. Busog sa tamis kahit walang alcohol. Masaya ang kwentuhan naming tatlo nina Kai at Yves. Pero ito na naman ang reality check. Napatingin ako sa screen. "Dad!" "Yes, Dad." Sagot ko habang papasok sa sasakyan. "Caleum. Come home now. We need to talk." Malamig pero diretso niyang sabi. Walang kumusta. Walang okay ka lang ba anak? Tch, typical. "About what po?" Kunot-noo kong ekspresyon. "Your internship. I want it finalized this week. We're expecting you here at the estate. Now." Sa tono nang boses ni dad parang galit na liyon. "Yes, Dad. On my way." Hinaplos ko ang batok ko sabay buga ng hangin. Tumigil ang tawag. Walang goodbye. Nakasanayan ko na. Ganyan si Dad. Business before everything. Kahit pamilya. Sinabihan ko ang driver na diretso sa Madrigal Heights Real Estate Group. Ang layo ng vibe ng lugar naming ito sa campus o sa Dito Verde Club. Malawak. Tahimik. Cold marble everything. Kahit ang gate pa lang intimidating na. Pagdating ko, nakita ko agad si Manong Fidel sa main door. "Nandiyan na po si Don Eladio Fueguero Madrigal, sir. Nasa study room." Ipinakita ni manong Fidel yung kinaroroonan nin Dad. Tumango ako. "Thanks, manong Fidel." Naglakad ako sa hallway na may mga painting ng ancestors naming mukha lang lahat galit sa mundo. Parang ako rin minsan. Pagbukas ko ng pintuan ng study room. Nandoon si Dad. Suot niya ang dark gray suit niya kahit nasa bahay lang. Nakaupo siya sa leather chair. May hawak na folder. "Sit down." Utos niya. Hindi please. Never naman siyang ganun. Umupo ako sa tapat niya. "You called me about the internship." He opened the folder. "You're in your final year. It's time you to take real responsibility. I've arranged an internship position for you. Executive training under our strategy division." Inilapag niya yung folder sa glass table. Napakunot ang noo ko. "Strategy? Not operations or public relations?" "I don’t want you wasting your time sa PR. You don't need to charm the public. You need to learn how to run the business. Not smile for it." Konti na lang magagalit na siya. As usual parang liyon na umuusok na naman ang ilong. "Okay." Tumango ako pero may kaba sa dibdib. "What about school?" Hinigpitan ko ang paghawak sa legs ko. Parang mabubutasan ko na nga ito dahil sa sobrang lakas ng pagkakahawak ko dito. "You can manage both. Your schedule is flexible. Use your weekends and free time. I did it at your age." Malamig niyang tingin sa akin. Of course he did. He always reminds me. Gusto niya akong maging siya. "Do I get to choose where to be assigned?" Tanong ko. Trying to sound calm. "No. You start where I say you start. No special treatment. You'll be expected to deliver." Humugot siya ng hininga at inayos ang kasuotan niya. Tumango ako. "I got it, Dad." Tumahimik siya saglit bago muling nagsalita. "Caleum, this family name has weight. Don't tarnish it. Hindi ito simpleng internship. It's your first step toward leadership." Napatingin ako sa mga mata niya. Cold, calculating pero may bigat. Parang gusto niyang ipamana ang lahat sa akin. Pero on his terms. "Understood, Dad." Sagot ko kahit sa loob ko ay parang may lumulunod. Tumayo siya. Isinara ang folder at iniabot sa akin. "Orientation starts next week. Prepare." Tumango ako ulit. Kinuha ko ang folder at lumabas ng study room. Malamig ang hallway pero mas malamig ang naramdaman ko sa loob. Habang papunta ako sa kwarto ko. May naisip akong tanong. Ito ba talaga ang gusto ko? O sinusunod ko lang ang path na gustong itakda ng lahat para sa akin? Tumigil ako sa harap ng bintana. Mula roon, tanaw ko ang city lights sa malayo. Sa gitna ng structured at controlled na buhay ko. Isang pangalang bigla kong naalala na naman. Darana. Simple. Hindi nabubuhay sa expectations ng iba. Free. Tumingala ako at napangiti ng bahagya. "Maybe I need a little of that right now." Pagkapasok ko ng kwarto. Agad akong humilata sa kama. Inihagis ko sa gilid ang folder na ibinigay ni Dad. Ang kapalit ng free time ko. Internship under strategy division. Maganda sa resume, oo. Pero pressure sa soul? Absolutely. Napapikit ako sandali. Hindi ko alam kung pagod lang ako or overwhelmed lang sa bigat ng expectations. Bigla nag-vibrate ang phone ko. Group Video Call. Tatlong Bibo. Iyan ang name ng group chat namin ng mga kaibigan ko. Napangiti ako. Walang iba kundi sina Kai Stella Mabini at Yves Carl Ramirez. Full name pa talaga yung group name namin. Ganyan kami ka-corny pero tight. Sagot agad ako. "Hoy, Caleum! Bakit parang pagod ang future CEO namin?" Bungad na buliyaw ni Kai. "Gusto mo ng milk tea o yakap? O pareho?" Nag-demo pa si Yves yakap ang malaki niyang toy. Napatawa ako kahit medyo bugnot pa rin ako kanina. "Pareho sana, pero magtiis na lang ako sa boses niyong dalawa." "Awww. May malungkot sa tono mo. Spill." Tumawa si Kai ng malakas. Tumagilid ako sa kama at kinwento ko sa kanila yung nangyari. "So ayun, tinawag ako ni, Dad. Final na raw yung internship ko sa company namin. Strategy Division. Kailangan kong mag-start next week. Hindi ako tinanong. Inutusan lang." Yves: "Ang tindi talaga ng power-tripping ni Don Eladio Fueguero Madrigal. Hindi ka man lang binigyan ng option?" Ngumisi si Yves habang umiiling na may diing tinig. "Wala." Sagot ko. "Kung pwede lang mag-resign sa pagiging anak ginawa ko na." Nahiga ako sa kama ko. Nagtawa si Kai. "Hoy! Buti nga ikaw may kompanyang papa-internan. Kami ni, Yves, eto, nagpapaligsahan kung sino ang unang maging barista." Kumamot siya sa likuran niya. Yves: "At ako nananalo. Kasi may dalang sariling apron si, Kai, tuwing mag-aapply!" Malakas na tumawa si Yves. "Aba, hygiene iyan!" Pumapalo pa si Kai sa sarili niyang legs. Tumawa na lang ako. Ewan ko ba. Kahit gaano kabigat ang araw ko. Gumagaan tuwing kasama ko silang dalawa even virtually. Pero biro lang nila yung nagpapaunahan silang maging barista. Dahil ang totoo mayayaman niyang dalawa kong kaibigan. "Pero seryoso, bro. Kaya mo iyan. Kung ayaw mong malunod sa mundo ni, Don Eladio. Ilangoy mo sa sarili mong paraan. Gamitin mo yung opportunity para sa'yo. Hindi lang para sa kanila." Matiwasay na pinagsasasabi ni Yves. Kai: "Agree ako. Huwag kang magpapa-pressure sa title. Internship pa lang iyan. Ikaw pa rin ang boss ng sarili mong path." Uminom siya ng gatas. Tumingin ako sa screen. Grabe. Parang sila ang nagsisilbing anchor ko sa gitna ng bagyo. Hindi perfect ang mundo ko, pero at least may dalawa akong constant na hindi ako hinuhusgahan. "Salamat, mga bibo. Hindi ko man nasasabi palagi, pero kailangan ko talaga itong call." Nag-fist bump kami sa screen. "Ano ka ba! Lifetime subscription ito." Nag-pitik daliri si Kai. Yves: "Lalo na kapag ikaw na ang CEO. Kami ang magiging mga tagatikim ng catering tuwing may board meeting, ha?" Tinuro-turo pa ako ni Yves sa screen. "Noted. Pero kayo rin, update niyo ako sa mga job hunt niyo. Baka mamaya si, Kai, barista na pala sa Paris, si, Yves, event host sa Japan." Pabiro kong sabi sa kanila. "Manifesting!" Sigaw ni Kai. "O kaya tayo magtayo ng sarili nating resto cafe. Si, Kai, sa drinks, ako sa music, ikaw sa business strategy." Nakatingala sa kisame si Yves. "Pangarap iyan, ha." Sabi ko sabay ngiti. "Sana someday." Napaisip pa ako. Tumagal pa ng halos isang oras ang tawagan namin. May kwentuhan, asaran, at pa-plano ng future na hindi sobrang seryoso pero nakakagaan ng loob. Pagkatapos ng tawag. Napatingin ako sa folder ni Dad. Kinuha ko ito at binuksan muli. Inisa-isa ko ang details ng program. Kahit mabigat, kahit hindi ko pinili. Maybe I can still make it mine. On my terms. Kinuha ko ang laptop ko at sinimulang gumawa ng draft schedule. Kaya ko ito. Basta may Kai at Yves akong pwedeng tawagan anytime kahit saan dalhin ng buhay. Anyways, mayayaman yang dalawang iyan. Sadiyang mahilig lang silang magbiro kaya akala ng mga tao ay normal people lang sila. Pero mayayaman sila. ________________________________________ End of chapter 4. See you on the next chapter mga ka Dr. Hope you'll enjoy this chapter mga ka Dr. Thank you mga readers ko sa lahat-lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD