Darana's POV
Not my type. I Think?
"Helena, pahingi ng highlighter." Turo ko pa.
"Yung yellow o pink?" Ipinakita niya iyon.
"Yellow. Huwag yung pink, masyado kang girly diyan." Sabay kindat ko.
"Ayaw mo lang kasi bagay sa personality mong 'ayaw kong magmahal'" Pang-aasar ni JC Helena Imperial habang inaabot ang highlighter.
Napatawa ako pero sabay napabuntong-hininga.
Nasa second row kami ng classroom para sa major subject naming Newsroom Practice and Media Ethics. At dahil 3rd year na kami sa BA Journalism, sanay na kaming tumagal ng dalawang oras sa klase kahit medyo mabigat ang topic.
Pero ngayong araw. Hindi ako maka-focus.
Wala sa lesson ang utak ko.
Hindi sa notes.
Hindi sa slides.
Kundi sa isang tao.
Sa isang lalaking hindi dapat nagbibigay ng epekto sa akin.
"Uy." Bulong ni JC habang sinisiko ako. "Parang lutang ka today, te. Spill muna. Baka crush mo iyan." Tinapik niya ang braso ko.
Napatingin ako sa kanya. Nagkunwaring hindi ako tinamaan.
"Wala lang. Pagod lang siguro." Pumikit ako saglit.
"Hmm. Kahit pagod ka dati, ang galing mong mag-multi-task. Kahit may delivery ka pa ng umaga, present ka pa rin. Pero ngayon, girl, parang nasa outer space ka." Kumamot sa ulo si JC.
Napahigpit ang hawak ko sa yellow highlighter.
Okay, fine.
Siguro tama siya.
Maybe I am thinking about him.
Pagkatapos ng klase. Agad kaming umupo ni JC sa bench sa tabi ng covered walk. Yung paborito naming spot para sa chika sessions. May dalang milk tea si JC at ako naman ay tinapay lang from canteen kasi hindi pwedeng gumastos ng malaki.
"Okay, ready na ako." Bungad ni JC habang humihigop ng straw. "Ikaw na lang palagi nakikinig sa love life ko. This time ako naman makikinig sa iyo." She blinked slightly.
"Hindi ito love life." Ngumisi ako.
"A talaga? So yung guy na hinatidan mo ng caramel macchiato kahapon at nagtanong kung puwede kang yayain sa break, hindi love life iyon?" Kunot-noo niyang ekspresyon.
Napairap ako pero natawa rin.
"Okay, fine. Si, Caleum. Yun nga." Bumuntong hininga ako.
"OMG. Siya nga talaga! So totoo ang chismis!" Kumukurap-kurap pa siya.
Napakunot noo ako. "Anong chismis?"
"Na may binigyan daw ng ₱5,000 tip sa Zesty Crust Pizza na babae tapos nakita raw siya sa Gama Cafe kinabukasan. Bumili ng macchiato tapos drumroll nag-offer daw ng kape date sa crew! Edi wow!" Manghang-mangha niyang eksplinasiyon.
Gaga talaga itong si JC. Grabe ang intel.
"Chismosa ka talaga. Ako iyon. Ako yung pizza girl. Ako rin yung barista." Tinapik ko yung ulo niya.
Napanganga si JC.
"Put--- ay sorry, nakakataas. Pero bes! Ikaw yung main character! As in ikaw talaga yun?! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!" Hawak-hawak niya ang braso ko. Parang pinipigilan ang sarili niya mag-squeal.
"E kasi hindi ko rin alam kung paano ko i-explain, e." Napahimas ako ng mga mata nang wala sa oras.
Tumahimik siya. Tumingin sa akin ng seryoso.
"O tara. Ikuwento mo. Gusto kong marinig lahat." Tumahimik siya.
Huminga ako nang malalim tapos sinimulang ikuwento ang nangyari.
Na-assign akong mag-deliver sa Dito Verde Club.
Na si Caleum ang tumanggap ng order.
Na binigyan niya ako ng limang libo bilang tip at bottled water.
Na nagpakita siya sa cafe kinabukasan. Nag-order ng macchiato.
At yung tanong niya.
"Ang sabi niya. Pwede ba kitang yayain ng kape kapag break mo?" Ulit ko.
JC blinked. "Kinikilig ako, promise. So?! Pumayag ka ba?" Naka-fist bump na tinakpan niya yung bibig niya.
Umiling ako.
Tumigil sa paghigop ng milk tea si JC.
"Wait lang. Hindi ka pumayag? Bakit?!" Gulat na reaksiyon ni JC.
Napayuko ako at pinisil ang tinapay ko na parang stress ball.
"Hindi ko alam, JC. Siguro kasi hindi ako sanay. Hindi ako sanay na may lalaking ganon. Lalo na mayaman, pogi, may itsura, pero parang may pakialam sa isang katulad ko." Naghawi ako ng buhok sa tainga.
"Okay, wait. So tinanggihan mo siya dahil feeling mo hindi ka bagay sa kanya?" Pumikit siya sabay hugot ng hininga.
"Hindi lang iyon. Kasi may oras pa ba ako sa kahit anong personal na bagay? Sa dami ng trabaho ko? Sa dami ng responsibilities? Hindi ito teleserye, JC. Hindi pwedeng yung poor girl bigla na lang na i-in love sa rich guy tapos happily ever after na." Inirapan ko siya na may diing hikab.
Tahimik si JC. Tapos bigla siyang ngumiti.
"Alam mo, Dara, gets ko kung saan ka nanggagaling. Pero pwede ba akong mag-offer ng perspective?" Uminom siya sa milk tea niya.
Tumango ako.
"Alam mo ba kung gaano kahirap makahanap ng taong genuinely interested sa iyo. Not just because of your looks or background but because they see something in you? Hindi lahat ng yaman ay may puso. Hindi lahat ng may pera ay may malasakit. Pero si, Caleum? Mukhang may effort siya, bes." Hinawakan niya ako sa kamay tapos nag-crossed arms siya pagkatapos.
Napatingin ako kay JC. Totoo ang sinabi niya pero...
"Hindi ko sinasabing ligawan ko siya agad o suyuin ko yung feelings ko, JC. Gusto ko lang munang siguraduhin na hindi ako mawawala sa sarili kong mundo dahil lang sa isang, Caleum, na parang bituin. Kasi ako, nasa lupa pa rin." Nalungkot ang buong mukha ko. Iniisip ko pa lang parang ang hirap na ng pinagdadaanan ko. Sa lahat ng sinabi ko ay tanging pagbubuntong hininga na lang ang magagawa ko.
"Valid. Super valid. Pero tandaan mo lang. Hindi porket nakatingin ka sa bituin ibig sabihin nakakalimot ka na kung saan ka galing." Masinsinan niyang usisa sa pagmumukha ko.
Napangiti ako.
"Tama ka nga dyan, bestie." Natutulala kong sambit.
Nagyakap kami ng saglit tapos tumawa.
"Pero." Dagdag niya. "Aminin mo, pogi siya hindi ba?" Patuloy niya.
Napatawa ako.
"As in. Yung tipong kahit pawisan ako at amoy kape tiningnan pa rin niya ako. Parang normal lang. Hindi niya tiningnan yung uniform ko. Hindi niya tinanong kung ilang trabaho ko. Tinanong lang niya kung okay ako, kung pagod ako." Nasa bakas ng pagsasalita ko yung mga ngiti kong matamis na inikukubli ko lang sa hangin.
"OMG. Husband material. I can't." Nagkagat hintuturo si JC.
"Huwag mo akong i-push. Nakakatakot." Hinampas ko yung balikat niya.
"Okay, fine. Pero kapag bumalik siya sa cafe. Sabihin mo na agad sa akin. Ayaw kong ma-late sa update!" Kinikilig niyang mga usisa.
Tumango ako. Pero deep down hindi ko rin alam kung gusto ko pa siyang makita o kung kaya kong hindi siya hanapin.
Pagbalik namin sa classroom para sa susunod na klase. Napatingin ako sa phone ko.
Wala akong message mula sa kahit kanino.
Pero kahit walang text parang may iniwang tanong si Caleum sa hangin at hindi ko pa rin alam kung paano ko sasagutin.
Tapos na ang klase ko. Gabi na. Sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw. Ang pag-deliver ko ng pizza sa Dito Verde Club, ang pagtanggi ko sa yaya ni Caleum na magkape, at ang mahabang usapan namin ni JC Helena Imperial tungkol sa kaniya. Pakiramdam ko parang dumaan ako sa isang mahabang pelikula na hindi ko inasahang ako ang bida.
Pero ngayon balik realidad. Trabaho muna ulit.
Mabilis akong naglakad papunta sa terminal habang iniipit ng bag ko ang binder folder na naglalaman ng lecture notes sa Feature Writing. Humigop ako ng malamig na hangin habang iniisip kung makakarating ba agad ang jeep o baka ma-late na naman ako sa shift ko.
Pagkadating ko sa convenience store. Isang brightly lit na 24/7 chain store na kilalang-kilala sa buong Veelian City. Agad akong sinalubong ng manager namin. Si Miss Maribel.
"Darana, sakto! Just in time." Nakangiti niyang bati habang sabay abot ng time card ko.
Ngumiti ako pabalik kahit medyo hilo na ako sa pagod. "Sorry kung medyo haggard ang aura ko, Miss. Galing pa po akong klase."
"Ay ayos lang iyon. Mabait pa rin naman aura mo kahit puyat." Biro niya sabay kindat.
Humalakhak ako nang mahina. Kung hindi dahil kay Miss Maribel at sa mga kasamahan ko rito baka matagal ko nang binitiwan ang trabahong ito.
Tumatakbo na ang oras pero tila ang tagal ng shift ko ngayong gabi. Nag-aayos ako ng mga canned goods sa aisle 3 habang pinipilit pigilan ang antok. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng wall clock na parang sinasabi sa akin. Kaya mo pa ba?
Pilit kong iniangat ang sarili. This is what I chose. I have to do this.
Habang nagsasara ako ng isang kahon ng canned goods. Biglang may pumasok sa tindahan. Isang grupo ng college students. Nakasuot pa ng school uniform. Mukhang galing pa sila sa isang late night org meeting o group project. Tumingin lang ako saglit, ngumiti, at bumalik sa ginagawa ko.
Pero nang marinig ko ang boses ng isa sa kanila. Napalingon ako.
"Huy, hindi ba siya yung girl na kausap ni, Caleum, kanina?" Tinuro niya ako.
"Yung sa Gama Cafe Express? OMG. Siya nga iyon!" Lumaki pa yung mata nung isa.
"Grabe, ang sipag niya. Ayan o, nagtatrabaho pa rin kahit gabi na." Napailing yung kulot ang buhok.
"Ang pretty niya, no? Pero mukhang hindi siya pang-level ni, Caleum." Usisa pa nung naka pink ang jacket na babae.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi ko sila pinansin. Tinapos ko lang ang pag-aayos ko at bumalik sa counter. Sa loob-loob ko, nagpipigil ako ng emosyon. Hindi naman ako madaling maapektuhan. Pero iba pa rin kapag personal kang pinag-uusapan ng ibang tao. Lalo na kapag hindi ka nila kilala.
Tahimik na ang tindahan. Wala nang masyadong tao. Karamihan sa dumadaan ay mga taxi drivers, late-shift nurses, at ilang tambay na gustong mag-kape o bumili ng yosi. Habang nagbibilang ako ng sukli sa drawer ay bigla kong naisip ang pangalan ni Caleum.
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa isip ko. Siguro dahil sa pag-uusap namin ni JC kanina. Or maybe dahil narinig ko na naman ang pangalan niya mula sa ibang tao.
Napabuntong-hininga ako.
"Anong meron sa'yo, Darana? Crush mo ba iyon? O baka curious ka lang kasi iba siya sa lahat ng taong nakilala mo?" Sumandal ako sa kinauupuan ko.
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
Pero ang alam ko lang habang tumatagal, unti-unting nagiging highlight ng mga araw ko yung mga random encounters ko sa kaniya.
At kung ganito lang din ang mga susunod na gabi ko. Pagod, tahimik, at puno ng iniisip. Baka nga isang araw maghanap na ako ng liwanag sa gitna ng trabaho ko.
At baka si Caleum ang liwanag na iyon.
Pero ayaw ko pang umasa. Hindi pa ito tamang panahon.
Lumabas ako at itinapon ang kalat sa basurahan.
Pagkapasok ko ulit sa 24/7 Convenience Store. Ramdam ko agad ang lamig ng aircon na parang sinampal ang init at pagod sa katawan ko buong araw. Tiningnan ko ang salamin sa gilid ng counter. Hala! Halata na ang eyebags ko. Pero keri lang. Trabaho muna, pangarap bukas.
"Good evening po!" Bati ko agad sa isang customer na papasok pa lang habang inaabot ang ID ko kay Miss Maribel.
"Pang-cashier ka ulit ngayon, ha! Night shift. Pero huwag ka mag-alala. Ikaw muna sa register. Ako muna bahala sa stocking." Ani Miss Maribel habang inaayos ang logbook.
"Opo, Miss. Salamat po." Sagot ko sabay suot ng apron.
Palit na naman kami ng position. Alam niyo, ngayon lang ako naka-encounter na 24/7 Convenience Store na sobrang laki. E hindi ba sobrang liit lang ng 24/7 Convenience Store. Pero okay na iyon. At least may trabaho ako.
Mabilis ang mga oras sa umpisa. May mga ilang estudyante pang dumaan, mga late mag-dinner, ilang tambay na bumili ng beer, at isang nanay na mukhang galing sa overtime sa ospital.
Pero habang lumalalim ang gabi. Humina ang daloy ng tao. Kaya naman habang walang customer. Kinuha ko ang notebook ko mula sa bag at sinimulang gumawa ng draft para sa feature article namin sa Journalism 303.
Topic. Invisible Workers of the Night. The Working Students of Veelian City.
Ang galing no? Kasi literal akong isa sa kanila.
Napangiti ako nang maramdaman kong may kurot sa puso habang sumusulat. Hindi siya masakit, kundi parang proud ako. Proud ako kasi kahit hirap, lumalaban ako. Kahit kulang, pinupunan ko. Kahit pagod, hindi sumusuko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang pumasok si JC Helena Imperial. Oo! Si JC Helena Imperial. Ang best friend kong sosyal pero very down-to-earth. Suot niya yung hoodie na binili namin sa tiangge last sem. Tumingin siya sa akin. Ngumiti at dumiretso sa counter.
"Hoy!" Sabi niya habang nilalapag ang bote ng juice at isang cup noodles.
"Uy, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sabay-scan ng items niya.
"Gusto lang kita makita. Grabe hindi ko ma-take yung buong araw mong routine. Pizza girl, cafe crew, tapos cashier pa sa gabi? Dapat superhero na ang pangalan mo, hindi, Darana. Siguro, SuperSipag!" Isinandal niya yung braso niya sa lamesa ng counter.
Napatawa ako. "Grabe ka. Wala lang ito. Kailangan lang talaga."
"Uy, seryoso. Ang tindi mo. And about kanina, ha." Tumigil siya saglit. Sinulyapan ako habang binubuksan ang juice. "Mukhang na-bother ka talaga kay, Caleum." Tumingin siya sa itaas na parang nag-i-imagine ng kung ano-ano.
Napahinto ako sa paglalagay ng sukli sa drawer.
"Ano bang meron sa kaniya?" Tanong niya diretso.
Tahimik ako saglit. Hinugot ko ang hininga ko bago sumagot. "Wala naman. I mean okay siya. Hindi siya mayabang kahit halatang mayaman. Mabait nga, to be honest. Pero feeling ko may barrier." Iniharang ko yung fist bump ko sa baba ko.
"Barrier?" Kunot-noo niyang reaksiyon.
"Oo. Yung tipong kahit kausapin ka niya parang laging may pagitan. At saka hindi ko alam. Nung inalok niya akong magkape parang hindi ko kayang pumayag. Hindi ako komportable." Para akong kiniliti nung sinabi ko iyon.
JC sipped her juice. "Hmm. Baka naman hindi ka lang sanay na may lalaking ganun ka-open sa'yo?"
"Maybe. Or maybe. Ayaw ko lang mahulog." Inayos ko yung lalagiyanan ng noodles.
Nagkasabay kami ng tingin ni JC. Parehas kaming natahimik. Pareho ring alam kung gaano ka-delikado ang mahulog sa isang taong nasa ibang mundo.
"Basta." Tuloy ko. "Wala akong time sa mga pa-sweet. Wala akong oras para masaktan. Kung may mahuhulog man ako. Sana iyon yung pangarap ko." Inilagay ko na yung mga noodles sa inayos kong lalagiyanan nito.
Naubos ko rin ang unang draft ng article ko. Tiningnan ko ang paligid. Tahimik, may kaunting lamig sa bintana, at ang ilaw ng street lamp sa labas ay tila mas maliwanag kaysa dati.
Habang sinasara ko ang notebook ko napatingin ako sa glass door.
May isang lalaking naka-black hoodie. Medyo pamilyar ang tindig. Hindi ko alam kung totoo. Pero parang si...
Caleum?
Pumasok siya. Diretso ang lakad papunta sa counter. Walang ibang tao. Ako lang.
Nagkatitigan kami.
"Hi." Bati niya. Simple lang pero diretso.
"Hi." Balik kong bati habang kunwaring inaayos ang ID ko sa laylayan ng uniform ko.
"Bumili lang ako ng tubig." Sabi niya. Inilapag ang bottled water.
Habang ini-scan ko iyon. Hindi ko napigilang mapansin ang mga mata niya. Hindi sila bored. Hindi rin cold. Para silang may hinahanap.
"Ano, okay ka lang ba kanina?" Tanong niya. Breaking the silence.
Napatingin ako. "Kanina?"
"Yung sa cafe. I hope hindi ako naging forward. Hindi kita gustong ma-discomfort." Nakapamulsa yung mga kamay niya sa hoodie niya.
Ngumiti ako. Konti lang. "Okay lang. Wala iyon."
"Ganon ba? Good." Tumango siya. "By the way, impressive ka." Ngumiti siya.
Nagtaas ako ng kilay. "Huh?"
"Three jobs in one day? Journalism major pa? Solid ka. You deserve more than what this world offers." Nakatayo lang siya sa harapan ng counter.
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Gusto kong matawa. Gusto ko rin umiyak. Pero sa halip ay pinilit ko lang ngumiti.
"Thanks. Pero hindi ko kailangan ng magic words. Kailangan ko ng trabaho at diploma." Humugot ako ng malalim na hininga.
Tumango si Caleum. "Then I'll cheer for you. Kahit tahimik lang. Okay lang?"
Hindi ako nakasagot. Pero sa loob-loob ko ay parang may tumunog na maliit na fireworks sa dibdib ko.
________________________________________
End of chapter 3. Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito mga ka Dr.
Mahaba-haba po ang chapter na ito. Kaya thanks for the reads mga ka Dr.