Caleum's POV
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung bakit ko siya naalala.
Ako si Caleum Ortega Madrigal. Anak ng may-ari ng Madrigal Heights Real Estate Group. Tanging tagapagmana. May sariling condo sa tapat ng university. Tatlong kotse. Kompleto sa gadgets. May trust fund na hindi ko pa nagagalaw kahit isang sentimo.
Pero ngayong araw. Sa gitna ng lecture sa Modern Political Ideologies habang pinag-uusapan ni prof. Garde ang Marxist theories at social classes. Ang nasa isip ko?
Si Pizza delivery girl.
I mean Darana.
Binasa ko yung name tag niya yesterday sa cafe. Darana, hindi "ate" hindi "miss" hindi "pizza girl". Isa siyang pangalan na ngayon hindi ko maalis sa utak ko.
She had this tired but strong kind of energy. Yung tipong alam mong pagod na siya pero hindi mo mababali. Lahat ng kilos niya ay may layunin. Walang arte. Walang pa-cute. Pero sa simpleng ngiti niya habang inaabot ang pizza ay parang may kung anong biglang kumalabog sa loob ko.
Damn Caleum. Masyado kang sentimental para sa isang babae lang na nag-deliver ng pagkain.
"Mr. Madrigal?" Sigaw ni prof. Garde sa apelyido ko.
Napalingon ako sa boses ni Prof.
"Yes po?" Sagot ko agad. Pilit na alerto.
"If you could choose between the working class revolution or maintaining elite liberalism, where would you stand?" Tanong niya habang hawak ang chalk at nakatingin sa akin.
Wow. Sakto.
Napangiti ako. "Honestly, sir? I was born with privilegenpero hindi ibig sabihin nun na hindi ko kayang makakita ng halaga sa mga taong araw-araw lumalaban para mabuhay." Ngumiti ako pagkatapos kong sumagot.
Tahimik ang buong klase.
Ngumiti si prof. Garde. Tapos tumango. "Good. Critical thinking. That's what I want."
Nang humupa ang atensyon. Napatingin ako sa bintana.
Sa totoo lang hindi ko ito dating iniisip.
Ang mundo ko ay madali. Kaya kong bayaran ang luho ng mga taong katulad ni Darana ng isang swipe lang ng black card. Pero nung nakilala ko siya kahapon isang delivery girl na may tatlong trabaho parang bigla akong nabilad sa araw ng realidad na matagal ko nang iniiwasan.
Pagkatapos ng klase. Tumambay ako saglit sa student lounge. Nandiyan na naman sila Kai at Yves mga kabarkada ko since high school.
"Bro, mamaya na yung party sa condo ni, Nikki. Sama ka, ha?" Tanong ni Kai habang nagte-text.
"Hindi siguro. May kailangan pa akong ayusin." Sagot ko habang kunwaring nagbabasa ng phone.
"Wow. May bago ka bang nililigawan?" Tanong ni Yves sabay kindat.
"Wala." Umiling ako na may diing pagngisi.
"Liar. Hindi ka umaayaw sa party kung walang dahilan. May babae iyan. Aminin mo na." Pang-uusisa ni Kai.
Natawa lang ako pero hindi ako umamin.
Ayaw ko pang pag-usapan. Kasi ni hindi ko pa alam kung bakit ako interesado.
Hindi siya kagaya ng mga babaeng kilala ko. Hindi sosyal, walang designer bag, walang pangarap na sumikat sa i********:. She's different. Real. Gritty. Grounded.
At habang tumatambay ako doon bigla kong naisip.
Paano kung hanapin ko ulit siya?
Hindi ko naisip na makikita ko siya agad sa Gama Cafe kahapon. Pero nang makita ko siya bitbit ang tray. Pawis pero matikas pa rin. Parang sinasabi ng uniberso na dapat kang bumalik sa realidad Caleum.
At gusto ko siyang makita ulit.
Hindi para sa kuwento. Hindi para sa thrill.
Gusto ko lang siyang makilala.
Kinabukasan. Maaga akong pumasok sa campus. Wala pang tao sa bench area malapit sa College of Arts & Letters. Tahimik. Wala pang ingay ng organization booths. Wala pang tawanan. Perfect para mag-isip.
Binuksan ko ang laptop ko at sinimulan ang draft ng article para sa publication namin. Yes, kahit anak ako ng mayaman. Pinili kong magsulat. Campus journalist ako. Editor-in-chief ng The Ignition. The official paper of Parker University.
Actually I am not a journalist course. Biro lang yung mga sinabi ko kanina. Pero totoo yung sinabi ko na magsusulat ako dahil para iyon sa assignment namin ngayon.
Ang tunay ko talagang course ay Bachelor of Science in Business Administration. And I am now a fourth year college student dito sa Parker University.
Back to writing. Ang topic ko ngayon? Class Divide. The Invisible Walls Within Campuses.
Oo, medyo ironic.
Pero totoo.
Ang mga estudyanteng katulad ni Darana. Hindi sila makikita sa organization parties. Hindi sila naglalakad-lakad lang sa campus para magpahangin. Kasi ang bawat minuto nila ay may presyo. May katumbas na pagod. May kailangang kitain.
Unlike me.
I can waste hours and still be okay.
I opened a new paragraph and typed.
What happens when someone who has everything meets someone who only has herself?
Napahinto ako.
Ang cliche pero may laman.
Isusulat ko ba ito dahil interesado ako sa isyu? O dahil interesado ako kay Darana?
Maybe both.
Ilang oras ang lumipas. Lunch break na. Papunta ako sa canteen nang mapansin kong maraming naka pila sa isang maliit na booth sa gilid ng main building.
Gama Cafe.
Pop-up booth nila ito para sa mga days na may events.
At doon nakita ko siya.
Naka-apron.
May hawak na tray ng kape.
Darana.
Napatigil ako sa paglalakad.
Hindi niya ako nakita. Busy siya sa pag-aabot ng orders. Nakakunot ang noo niya pero magaan pa rin ang kilos. May kaunting hibla ng buhok na nahulog sa pisngi niya pero hindi niya pinapansin.
Lumapit ako sa booth.
"Excuse me." Sabi ko.
Napatingin siya.
Nagulat. Napalunok. Tapos napangiti ng bahagya. "Ikaw na naman?"
"Yup." Sagot ko. "Nagpaparamdam lang." Nginitian ko siya.
"Baka mamaya akalain mo stalker ka na." Sagot niya na may halong biro.
"Baka." Sagot ko. "Pero hindi ako mag-oorder ng pizza. Promise." Ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa butas ng pantalon ko.
Tumawa siya. First time ko siyang narinig tumawa nang ganon.
"Isa pong caramel macchiato ulit?" Tanong niya.
"Tama ka." Kinindatan ko siya.
Tahimik kami habang ginagawa niya ang order. Ramdam ko ang awkward tension pero hindi yung tipo ng tension na ayaw mong maramdaman. Kabaliktaran.
Pagkaabot niya ng kape. Inabot ko naman ang bayad.
"Sakto lang. Walang tip." Sabi ko.
Napataas siya ng kilay. "Wow. Na-offend ako. Kanina ka pa libre ng libre. Ngayon sakto lang?"
"Para may dahilan akong bumalik." Sagot ko.
Saglit siyang natigilan.
Tumingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. "Estudyante ka ba dito?"
"Oo. 3rd year. Journalism." Abala siya sa pagkuha ng orders.
"Ah, kaya pala madaldal." Uminom ako ng tubig.
"Uy, compliment ba iyon?" Natigilan siya sandali.
"Depende." Tumingin pa ako sa itaas.
Tumahimik kami saglit.
Tumingin ako sa kanya at sa boses na mas mababa ng kaunti ay tinanong ko.
"Pwede ba kitang yayain ng kape kapag break mo?" Ipinatong ko ang braso ko sa harapan ng counter.
"Hindi lahat ng tanong may sagot." Naghawi siya ng mahaba niyang buhok.
"Pwede ba kitang yayain ng kape kapag break mo?" Tanong ko.
Simple lang. Wala akong masamang intensyon. Gusto ko lang siyang makilala. Matanong kung ilang trabaho pa ba talaga ang ginagawa niya. Kung bakit sa dami ng pagod sa mata niya ay may natitira pa ring liwanag sa ngiti niya.
Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya.
"Sorry pero hindi puwede." Mahinahon niyang sabi. Diretsahan.
Napatingin ako sa mukha niya. Walang galit. Walang ilag. Pero may linya. Malinaw.
"Ah." Natawa ako ng kaunti para itago ang inis sa sarili ko. "Bawal sa employee policy?" Kunot-noo kong ekspresyon.
"Hindi." Sagot niya. "Choice ko lang." Nginitian lang niya ako.
Choice. Hindi dahil sa trabaho. Hindi dahil sa bawal. Kundi dahil pinili niya akong tanggihan.
"Okay." Tangi kong nasabi. "No pressure." Bumuntong hininga ako ng malakas sa harapan niya.
Tumango siya at bumalik sa pagtatrabaho. Parang walang nangyari.
At ako? Naiwan sa harap ng booth hawak ang malamig na kape.
Pagbalik ko sa building para sa huling subject ko. Mabigat ang pakiramdam. Hindi dahil na-reject ako kundi dahil ngayon ko lang naramdaman na hindi ako sanay tanggihan.
Sa buong buhay ko. Kung anong gusto ko. Kaya kong kunin. Gamitin mo ang apelyido ko sa gate ng kahit anong exclusive club. Makakapasok ako. Sabihin mo lang na ako ang guest ay may reserved seat agad.
Pero si Darana?
She said no. And she meant it.
Pag-upo ko sa lecture hall para sa Ethics and Contemporary Issues. Napansin ko agad na wala sa sarili ang utak ko.
Habang si Prof. Leal ay tumatalakay sa moral dilemmas sa modern society. Ako naman ay may sariling dilemma sa isip.
Bakit niya ako tinanggihan?
Alam kong may dahilan siya. Hindi ako tanga para isipin na dahil sa mukha ko lang ay babalewalain niya ang boundaries ng buhay niya. Pero sa dami ng taong kilala ko. Si Darana lang ang may lakas ng loob na hindi matukso sa yaman, sa porma, sa ganda ng buhay na puwede kong i-offer.
At doon ako mas naging interesado.
"Mr. Madrigal." Tawag ni Prof. Leal.
"Yes, sir?" Sagot ko agad-agad kahit wala akong alam sa huling sinabi niya.
"Would you help facilitate the ethics debate next week? Ikaw na ang mag-set ng motion at dalawa sa side leaders. I trust your judgment."
"Sure po." Mabilis kong sagot.
Nang tumango si Prof at lumipat na ng atensyon sa ibang estudyante. Napatingin ako sa notebook ko.
Bakit nga ba ako apektado?
Hindi ko alam kung curiosity lang ba ito o may ibang namumuo. Hindi naman sa hindi ko pa naranasang magkagusto pero may kakaibang vibe si Darana. Hindi siya yung tipo ng babae na babagay sa mundo ko at alam ko iyon.
Pero hindi ba iyon nga ang dahilan kung bakit ako naaakit?
Pagkatapos ng klase. Tumambay ako sa library. Wala akong balak umuwi pa. Mas gusto ko munang magpalamig ng ulo. Binuksan ko ang laptop ko at sinimulang i-type ang editorial draft para sa susunod na issue ng The Ignition.
"Privilege is often invisible to those who have it." Kumagat ako sa hinlalaki ko.
Binura ko.
"She said no and it was the most honest thing I've heard all week." Napaisip pa ako ng kung ano-ano.
Binura ko rin.
Napapikit ako. Inis sa sarili.
Caleum bakit mo ba siya iniisip? Hindi siya proyekto. Hindi siya story lead. Hindi siya social experiment.
Isa siyang tao. At may sarili siyang mundo.
Pero kahit anong pilit kong ibalik ang focus sa pag-aaral o kahit sa pagsulat. bumabalik pa rin sa isip ko ang sagot niyang "choice ko lang".
Hindi niya ako tinanggihan dahil hindi niya ako gusto.
Tinanggihan niya ako dahil pinipili niya ang sarili niya.
At doon ko mas nakita ang ganda niya.
Paglabas ko ng library. Madilim na ang langit. Mukhang uulan. Tumawag si Mama pero pinatay ko muna. Ayaw ko munang makinig sa tanong niyang "kailan ka na mag-iintern sa kompanya?" o "may nakita ka na bang babae na karapat-dapat sa pamilya natin?"
Ang ironic. Kasi baka siya na nga iyon.
Pero alam kong hindi madali ito.
Ako si Caleum Ortega Madrigal. May pangalan. May reputasyon. May iniingatang imahe.
At siya? Isa lang daw siyang ordinaryong tao. Pero sa mata ko ngayon. Hindi siya basta ordinaryo. Siya ang hindi ko maintindihan. Siya ang gustong-gusto kong maunawaan.
Habang naglalakad ako pauwi. Nakita ko sa may tapat ng guardhouse ang isang food delivery rider na tila naghahanap ng address. At doon sa likod niya. May babaeng may hawak na paper bag na naka-cap at naka-jacket.
Si Darana.
Naglalakad siya dala-dala ang order sa tapat ng dormitory. Hindi niya ako napansin pero alam kong pagod na naman siya.
Ilang trabaho pa kaya meron siya ngayong araw na ito?
Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang tanungin kung kumain na ba siya. Kung okay lang siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
Dahil ngayong gabi. Na-realize ko.
Hindi lahat ng gusto mo kailangan mong habulin.
At minsan ang tunay na respeto ay ang tanggapin ang sagot kahit masakit.
Kaya sa halip na lumapit ako. Tinanaw ko na lang siya mula sa malayo.
At sa unang pagkakataon ay mas pinili kong manahimik.
Gusto ko siyang hayaan muna para sa sarili niya at para sa sarili ko.
________________________________________
End of chapter 2 mga ka Dr. Hope you'll read this story mga ka Dr. Thank you!