Chapter 1

2018 Words
Darana's POV Nakakapagod. Tumunog ang bell sa pinto ng Zesty Crust Pizza. Ang pangalawa kong trabaho ngayong araw. Katatapos ko lang magtimpla ng apat na kape sa cafe kaninang umaga. At ngayon, ito na naman ako. Naka-biker shorts at delivery cap hawak ang insulated bag na may amoy cheese at pizza. "Darana, delivery for Dito Verde Club. Rush order." Tawag ni Kuya Ronnie habang inaabot ang thermal box. Napakagat ako sa labi. Dito Verde Club? Yung mamahaling lugar na parang puro artista at mga anak ng mayayaman lang ang puwedeng tumapak? "Sige po." Sagot ko. Pilit ngiti habang hinahablot ang bag. Pinasadahan ko ng tingin ang resibo. Three boxes. Two family size. Four Cheese. One macaroni blast. Plus drinks. Naka-bold pa ang note. "Deliver fast. VIP order." Ay wow. VIP pa. Inayos ko ang helmet at sinakay ang bisikleta kong mas mahal pa yata ang gulong kaysa sa buong frame. Regalo lang ito sa akin ni Ate Mica mula sa nakalipas niyang ex. Binigay niya raw kasi "Mas okay pang makinabang ang kapatid ko kaysa alalahanin ko pa ang hayop na iyon". Mga alas dose medya na. Tirik na tirik ang araw. Pero walang choice si Darana kundi i-deliver ang pizza sa mamahaling club na iyon. Gutom man, pagod man, at nangingitim man sa init. Pagdating ko sa harap ng gate ng Dito Verde Club. Halos hindi ko maihakbang ang paahon ng bisikleta. "Delivery po." Sabi ko sa guard na mukhang mas matapang pa sa ilang professor ko. "Name?" Tanong niya. Hindi man lang ngumiti. "A under, Caleum. C-A-L-E-U-M." Basa ko sa resibo. Biglang nagtawag siya sa radio. "Boss, pizza delivery for Mr. Caleum." Napataas ang kilay ko. Caleum? Wait. Parang pamilyar. Hindi ko alam kung dahil sa kakaibang pangalan o dahil minsan ko na siyang narinig sa suot ng isang customer dati sa cafe. May nagsabi pa ngang anak ng real estate tycoon daw iyon pero hindi ko na sineryoso. Sa mundo ko ay bihira akong makasalubong ng mga taong may kayamanan na parang galing sa movie script. Makalipas ang ilang minuto. Pinapasok na ako. Grabe. Pati delivery girl kailangan pang ma-confirm muna. Pang-MMK. Pumasok ako sa loob ng club. Halos mapamura ako sa sobrang ganda ng paligid. Landscaping? Pang-wedding venue. Mga fountain? Mas sosyal pa sa mall. Yung mga dumadaang sasakyan? Puro imported. Napapikit ako sandali. Nakatataas bigyan mo ako ng pasensya. Isa lang akong mortal na taga-kalye. Huwag mo muna akong pabitin sa langit. Sinundan ko ang directions ng guard papunta sa private lounge 2. At doon habang inaayos ko ang thermal bag. Bumukas ang pinto. Lumabas ang isang lalaki. Naka-white linen shirt. Bukas ang unang dalawang butones. Medyo basang buhok. Mukhang bagong ligo. Tumatama ang sunlight sa mukha niya kaya parang may sariling spotlight. Oh-My-Gosh! Siya na ba si Mr. Caleum? "Pizza?" Tanong niya sabay turo sa bag ko. Parang napako ang dila ko. Ang gwapo naman nito. Hindi makatarungan. "Y-Yes po. Here's your order. Three boxes and drinks." Sagot ko sabay abot ng resibo. Tiningnan lang niya iyon saglit. "Wala ka bang assistant? Hindi ka ba napapagod?" Napakagat ako sa pisngi para hindi makunot noo. Hindi ko na nga tinanggap yung tip kanina sa cafe. Ngayon may questioning portion pa? "Okay lang po. Sanay naman ako." Sagot ko. Pilit ngiti habang inaabot ang pizza sa mesa sa tabi niya. Naglabas siya ng wallet. Puro blue bills ang laman. Akala ko ibibigay niya lang yung exact amount. Pero naglabas siya ng limang libo. "Nasa magkano nga ulit?" Tanong niya habang nilalaro ng daliri ang pera. "Nasa eight hundred po with drinks." Tugon ko. Inabot niya yung limang libo. "Sir, wait lang po. Wala po akong panukli." Sabi ko. Kinabahan na baka magalit. Pero ngumiti lang siya. "Keep the change." "Po?" Kunot-noo kong ekspresyon. "Keep. The. Change." Ulit niya. "Don't worry. Hindi ako lalasunin ng pizza mo." Ngumisi siya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mapapahiya. Kasi parang ang dating e binigyan lang ako ng limos. "Salamat po." Sagot ko. Halos hindi makatingin. Lumapit siya sa akin. May hawak na bottled water. "Here. Mukhang uhaw ka na rin. Mainit sa labas." Inabot niya sa akin ang malamig na bottled water. Napatingin ako. Diretso sa mga mata niya. Hindi ako sanay makatingin sa mga mata ng lalaki. Lalo na kung ganito kagwapo. Pero may kung anong kakaiba. Parang may binabasa siya sa loob ko. "Uhm, thank you po." Mahina kong sabi habang kinuha ang tubig. Tumango lang siya tapos pumasok ulit sa loob dala ang mga pizza. Naiwan akong tulala sa harap ng pinto. Limang libo. Para sa pizza na worth eight hundred. At bottled water. Para sa isang delivery girl na amoy araw na, amoy cheese pa. Habang papalayo ako sa club. Napatingin ako sa wallet ko. Hinugot ko yung pera at pinagmasdan. Limang libo. Sapat na ito para mabayaran ko ang kuryente namin ngayong buwan. May matitira pa siguro pang printing ng readings at load pang-data. Pero higit pa sa halaga ng pera. Mas naisip ko yung lalaking iyon. Si Caleum. Ang lalaking nakatira sa liwanag. Mukhang hindi kailanman tumikim ng sardinas sa kanin. Yung tipo ng tao na hindi kailangang bumangon ng alas singko para pumasok sa dalawang trabaho. Hindi siya ang tipo ng taong inuubo dahil sa alikabok ng jeep o hindi makatulog dahil may butas ang bubong. Pero sa isang iglap lang nagtagpo ang mundo namin. Pizza lang ang dala ko. Pero bakit parang may naiwan ako sa lugar na iyon? Pagkatapos kong mag-deliver ng pizza sa Dito Verde Club at tumanggap ng limang libong pisong tip mula sa lalaking tila mas gwapo pa sa kapalaran. Agad akong tumungo sa una kong trabaho. Ang Gama Cafe. Ang irony? Una pero panghuli kong pupuntahan ngayong araw. Pero may gabi pa akong trabaho. Kailangan ko kasing mag-double este mag-triple shift ngayon kasi may um-absent na crew. Kaya kahit pawis pa ako at naamoy ko pa ang pepperoni sa damit ko. Sumibat agad ako sa sakay ng bisikleta. Ang init pa rin ng tanghali. Ramdam ko na ang malagkit na pawis sa likod ko habang hinahabol ang oras. Pero hindi na bago ito. Normal na ito kay Darana. Isa lang ito sa mga araw na kailangan kong itawid. Pagdating ko sa Gama Cafe. Halos habol hininga akong pumasok sa staff door sa likod. Agad kong narinig ang boses ni Ate Jeni. "Uy, buti dumating ka agad, Dar! Ang daming tao sa labas. Parang may field trip ng mga K-pop fans." Nagpunas ng pawis si ate Jeni. "Sorry po, traffic." Palusot ko kahit ang totoo e galing ako sa kabilang mundo. Yung mundong may mga taong hindi kailangan magtrabaho ng triple shift para mabuhay. Sinuot ko agad ang apron ko at inayos ang buhok. Tinanggal ko na rin ang delivery cap ko. Basa na iyon sa pawis. "Table 4, dalawang iced americano at tatlong blueberry cheesecake. Go na, dali!" Utos ni Ate Jeni habang inaayos ang orders sa counter. "Sige po!" Sagot ko habang kinukuha ang tray. Back to reality Darana. Wala ka na sa mamahaling club. Nandito ka na ulit sa tahanan ng pawis at pangarap. Habang lumalapit ako sa Table 4 napansin kong puro college girls na naka-uniform. Mga naka-headband, K-pop inspired outfits, may dalang lightsticks pa yata. Parang kakagaling lang nila sa concert kahit tanghali pa lang. "Hi, ate! Ang ganda ng buhok mo." Bati ng isa habang tinatanggap ang iced americano. "Salamat." Ngiti ko kahit alam kong buhaghag na ito sa pawis. "Grabe, parang idol ka rin, ate. Nakita na kita dati sa labas ng cafe na ito. Ikaw din yung laging nagde-deliver sa Zesty Crust Pizza hindi ba?" Usisa niya habang tinitingnan ang istilo ng pananamit ko. Napalingon ako. Oh, wow. May nakakakilala pa sa akin sa lagay kong ito? "Opo. Part time lang." Sabi ko sabay yuko nang konti. "Ang sipag mo, ate. Idol ka namin!" Sabay thumbs up pa silang tatlo. Ngumiti ako. Medyo nabuhayan ng loob. May mga araw pala talaga na kahit simpleng ngiti o papuri. Parang vitamins na sa kaluluwa. Pagbalik ko sa counter. May mga bagong orders na naman. Isa sa mga customers ay lalaking naka-suit. Mukhang working professional. Tapos may mag-jowa rin sa sulok na parang nagaaway pero pilit ngumingiti sa isa't-isa. Pagod na ako. Oo. Pero gusto ko pa ring maging maayos ang serbisyo ko. Ang trabaho ko dito sa Gama Cafe kahit nakakadrain ay isa sa mga dahilan kung bakit nakaka-survive ako araw-araw. Dito ko natutunan na kahit gaano ka kagutom dapat may ngiti ka pa ring ibinibigay sa tao. Lalo na kapag ikaw ang nagse-serve. Bandang alas tres ng hapon habang nagre-refill ako ng sugar packets sa counter. Lumapit sa akin si Ate Jeni. "Dar, pahinga ka muna ng 10 minutes. Ako muna dito. Kumain ka na ba?" Hinawakan niya ako sa balikat. "Hindi pa po." Sagot ko. Pilit pa ring nakangiti. "Hay naku. O eto, may extra sandwich sa pantry. Kunin mo na." Itinuro niya iyon. "Salamat po." Sagot ko sabay yuko. Dumiretso ako sa pantry. Maliit lang ito pero sapat na para makaupo at makapagbuntong hininga kahit ilang minuto lang. Binuksan ko ang supot ng sandwich. Tuna spread. Medyo tuyot pero para sa akin ay parang feast na. Habang kumakain ay bigla kong naalala ulit ang mukha ni Caleum. Yung mga mata niyang parang may sariling ilaw. Yung boses niyang may confidence pero hindi mayabang. Yung ngiti niya na okay. Medyo nakakakuryente. Napailing ako. Darana anong ginagawa mo? Crush agad? E ni hindi mo nga alam kung ano apelyido niya. Pero kahit anong pilit ko hindi ko mabura sa isip ko yung tanong niya kanina. "Hindi ka ba napapagod?" Ang lalim ng boses niya. Oo. Napapagod ako. Pero hindi ako sumusuko. Hindi ako puwedeng sumuko. Lalo na't malapit na ang finals at kailangan ko ng pambayad sa tuition. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho kahit isa. Hindi ako puwedeng huminto. Pagbalik ko sa floor ay medyo kumalma na ang cafe. Umupo na rin si Ate Jeni sa staff corner na nagsusulat sa maliit na ledger. Pumwesto ako sa counter at nagsimulang mag-arrange ng straw, tissues, at cup lids. Sobrang tahimik. Pero bigla akong napatigil nang bumukas ang pinto. Dahan-dahang pumasok ang isang lalaking pamilyar. Puting linen shirt. Basang buhok. Oh-My-Gosh! "Caleum?" Mahinang bulong ko sa sarili. Tumingin siya sa paligid at tumapat sa harap ng counter. "Hi!" Bati niya. Diretso sa akin. "Kilala mo ako hindi ba?" Saglit siyang ngumisi. Hindi ako makasagot agad. Parang lumunok ako ng buong lemon. "Pizza girl, right?" Dagdag niya na may halong biro. Ngumiti ako. Pilit na kalmado. "Coffee girl naman ngayon." Tumawa siya ng mahina. "Cute. Pwede bang mag-order?" "Sure po. Anong sa inyo?" Professional tone ko kahit bumibilis ang t***k ng puso ko. "Anything na hindi pizza." Sumandal siya sa harapan ng counter. "Try mo iced caramel macchiato." Alok ko. "Okay. Let's go with that." Tinaasan niya ako ng dalawa niyang kilay. Ang amo ng mukha niya. Habang ginagawa ko ang order niya. Naramdaman kong binabantayan niya ang bawat galaw ko. Nakakakaba pero hindi nakakailang. Parang curious lang talaga siya. Inabot ko ang cup sa kanya after ilang minuto. "Here you go. Iced caramel macchiato. Regular sugar." "Thanks." Sabi niya sabay kuha ng wallet niya. Pero bago niya makuha ang pera. Tumingin siya sa name tag ko. "Darana." Basa niya. "Nice name." Ngumiti lang siya. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil sa kaniya. Pero para akong natunaw sa simpleng pagbigkas niya ng pangalan ko. "Thank you." Sagot ko halos pabulong. Naglagay siya ng limang daan sa tip jar. "Hoy." Sabi ko. "Sobra sobra na iyan!" Gulat na reaksiyon ko. "Sulit naman e. Masarap ang kape. Maganda pa ang barista." Sagot niya sabay kindat. Halos mabilaukan ako sa hangin. Pagkatapos non ay ngumiti lang siya at lumabas ng cafe hawak ang kape. Naiwan akong tulala. Sa dami ng orders na pinagsilbihan ko ngayong araw, sa dami ng taong nakita ko, isa lang ang tumatak. Si Caleum. At hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto ko pa siyang makita ulit. ________________________________________ End of chapter 1 mga ka Dr. Hope you'll read this story mga ka Dr. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD