Darana's POV Tahimik ang buong library nang pumasok ako. Parang ang tanging maririnig mo lamang ay ang mahinang paglipat ng mga pahina ng libro at ang mahina ngunit malinaw na tunog ng aircon. Monday ngayon pero imbes na magpahinga ako pagkatapos ng klase. Pinili ko pa ring dumiretso dito para mag-review at mag-research para sa susunod naming feature article. Kasama ko syempre ang best friend ko na si JC. Na halos kasing-busy ko rin sa academics. Pagpasok pa lang namin. Napansin ko agad na halos puno na ang lahat ng mesa. Finals season na kasi at karamihan ng estudyante ay nag-aaral o nagre-review. Napahinga ako nang malalim at naglakad-lakad para humanap ng bakante. "Wala na bang space kahit saan?" Bulong ko kay JC. "Meron yata doon sa bandang gitna. Pero…" Huminto siya saglit. Tiniti

