Caleum's POV Maaga akong dumating sa campus ngayong araw. Naka-backpack lang ako. Dala ang laptop at ilang notebooks. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa department building namin. Ramdam ko ang presensya ng maraming estudyante. May ilan na nagmamadali sa klase. May mga nagkukumpulan lang sa gilid. At siyempre may mga tulad kong tipikal na nagmamasid sa paligid habang kumakapa ng energy bago magsimula ang araw. At doon ko siya nakita. Si Nikki Reyes Pamurada. Nakapamewang, nakakunot ang noo, at kitang-kita na handa na siyang magsermon. She's wearing her usual OOTD. Fitted white top, high-waist trousers, at isang beige blazer na bagay na bagay sa kanya. Her hair is perfectly styled. At kung hindi ko lang siya kilala. Iisipin kong isa siyang modelo na aksidenteng naligaw sa hallway

