Caleum's POV Flashback! Kagabi. May nakita akong mga unread messages sa GC namin ni Nikki at iba pa naming barkada. Nikki: Hoy, huwag mo akong isnabin a. Kai: Caleum, ano bang pinagkakaabalahan mo? May bago ka na bang tropa? Nikki: Magkita tayo this weekend. Hindi ka pwedeng mag-no. Napabuntong-hininga na lang ako. Si Nikki talaga kapag may gusto hindi titigil hangga't hindi niya nakukuha. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero lately mas gusto ko yung katahimikan kaysa sa maingay na condo parties na palagi niyang ginagawa. Natapos ako kumain at dumiretso sa kwarto. Binuksan ko ang laptop ko para tingnan kung may kailangan akong gawin para sa internship ko sa Madrigal Heights Real Estate Group. May mga email na kailangang sagutin at may ilang reports na dapat ko nang tapusin par

