Darana's POV "Pizza delivery po!" Mahinahon kong sambit dala-dala ang thermal bag na may apat na kahon ng family size pizza. Sorry dahil palagi kong sinasabi ang opo at po sa bawat customer kahit minsan mas bata pa sila sa akin. Nakasanayan ko na e. At marahil iyon ang paraan ko ng pagpapakita ng respeto. Friday ngayon. At kagaya ng dati. Oras na naman para sa sideline ko. Kasama sa shift ko ang delivery route na medyo out-of-reach ang Madrigal Heights Real Estate Group. Isa ito sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Laging nasa balita, laging napag-uusapan, at halos parang untouchable. Habang nasa elevator ako ng napakataas na gusali, iniisip ko. Grabe dito talaga ako magde-deliver? Ang sosyal! Paano kung makasalubong ko yung mga big boss dito? Huminga ako nang malalim. Kalma Darana.

