Darana's POV Bitbit ko ang isang brown envelope habang naglalakad papunta sa faculty room ng Department of Journalism. Nandito na naman ako para magpasa ng draft ng feature article ko para sa Journalism 303. Ang topic na pinili ko ay Invisible Workers of the Night. The Working Students of Veelian City. Hindi ko alam kung bakit napili ko talaga ito pero siguro dahil isa ako sa mga taong iyon. Isa akong working student na nagta-trabaho sa 24/7 convenience store, Gama Cafe at minsan ay nagde-deliver ng pizza sa Zesty Crust Pizza para lang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ko. Wala akong luxurious lifestyle, wala akong allowance na gaya ng mga kaklase kong sosyal at wala rin akong magulang na magbibigay sa akin ng lahat ng gusto ko. Ang meron ako ay lakas ng loob at determinas

