Caleum's POV Nasa Parker University ako ngayon at sobrang lively ng buong paligid dahil sa Grand Acquaintance Party namin. Lahat ng students nag-aayos, nagpi-picture, nagkakagulo. Sa may open field ay may malaking stage na nilagyan ng magagarang ilaw at speakers. Tapos puro mga tables at chairs nakapwesto sa paligid. May red carpet pa sa gitna para sa mga program highlight. Syempre, kahit pa busy sa preparations. Isa lang talaga ang iniisip ko. Si Darana. Ngayon ko lang ulit siya makikita after ng ilang araw kasi halos puro trabaho at internship ang ginagawa ko. Ang daming nangyayari sa buhay niya lately. Lalo na sa Gama Cafe, Zesty Crust Pizza, at sa 24/7 Convenience Store. Kaya gusto ko siyang makasama ngayong gabi. Habang naglalakad ako papunta sa registration booth. Bigla kong nari

