Darana's POV Tahimik lang akong nakatayo sa harap ng malaking salamin sa kwarto ko habang tinitingnan ang suot kong gown. Iyong ipinahiram sa akin ni Nikki para sa Grand Acquaintance Party kagabi. Hindi ko maiwasang ngumiti habang naaalala ko ang mga nangyari. Ang saya-saya ng gabing iyon. Lalo na't kasama ko si Caleum at nagkaroon kami ng mas maraming oras na mag-usap. Pero ngayon kailangan ko nang ibalik kay Nikki ang gown na ito. Pagkatapos kong mag-ayos. Nagpaalam ako kay Ate Mica na lalabas ako sandali para ibalik kay Nikki ang gown. Medyo kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa kanila dahil hindi ko pa rin alam kung paano talaga kami ni Nikki nagka-ayos pagkatapos ng lahat ng nangyari. Lalo na nung nagkaharap kami sa Gama Cafe at sinabi niyang ipinapaubaya na niya si Caleum sa

